Mabigat man ang loob ay minabuti ni Gwendolyn na simulan na ang pag-iimpake. Panay din ang pagtatagis ng kanyang bagang sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maleta. Nang matapos, napaupo siya sa may kama. Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kanyang silid. Hindi niya maiwasan ang mapaluha at maging emosyonal. Naging kanlungan niya na rin ang kwartong ito sa nakalipas na tatlong linggo. Kahit papano ay masasabi niyang naging emotionally attached na siya sa kuwartong ito. Sabagay ganiyan naman siya.Madali siyang ma-attach sa isang bagay. Malapit ng gumabi. Nakapaglinis na siya ng bahay at nakapagluto na ng hapunan. Hihintay niya na lang ang pagdating ni Howell. Nais niyang makasalo ito sa pagkain. At para na rin na maipaalam niya balak na umalis. Hindi naman mahirap ang kanyang

