Chapter 10

1250 Words
"Hecia. May nakita pala akong bato sa palda mo, naisip ko baka importante sayo kaya hindi ko nalang tinapon." Mabilis akong napalingon kay Sachie na ngayon ay kakalabas lang ng banyo. Nakasuot na siya ng kan'yang uniporme habang pinakita naman niya sakin ang batong hawak hawak ng kanang kamay niya. Nahinto ako sa pagsusuklay sa basang buhok ko at tahimik na nagpasalamat dahil hindi niya iyon itinapon. Kung nagkataon na tinapon niya ang batong iyan ay hindi na talaga ako makakabalik sa kastila ng walang gulong nagagawa. Naglakad siya papalapit sakin at huminto naman siya sa harap ko. Nilahad ko ang kanang kamay ko at nilagay naman niya ang batong hawak niya sa palad ko. Nang nasa palad ko na ang bato ay tinitigan ko ito bago nagpasalamat kay Sachie habang ang tingin ko pa rin ay sa batong nasa palad ko. Umupo si Sachie sa kama at pumwesto sa likod ko. Kinuha niya ang suklay na nasa kaliwang kamay ko kasunod non ang paghawak niya sa basang buhok ko at sinimulan itong suklayan. "Napakaimportante siguro ng batong iyan sayo. Buti nagbago isip ko."Dinig kong sabi ni Sachie habang sinusuklayan pa rin ang basang buhok ko. Maliit akong tumango, "*"Napakaimportante talaga neto para sakin, Sachie. Kung wala 'to, mahihirapan ako sa pagbalik."*"Pabulong ko namang sabi, sakto lang para marinig niya. "Helloooo~!" Sabay kaming napalingon ni Sachie sa pinto ng bumukas ito at bumungad samin si Wendy na ngayon ay may dala-dalang isang kahon. "Yan na ba yan?"Tanong naman ni Sachie kay Wendy. Tumango naman ng isang beses si Wendy. Kumunot ang noo ko. Hindi ko sila maintindihan. Naglakad papalapit si Wendy samin at huminto siya sa harap namin bago siya umupo sa sahig at nilapag sa harapan namin ang isang kahong dala dala niya. Binuksan niya ito at nakita ko naman ang mga iba't ibang uniforms. "We punta ni Terry sa office ni Headmistress, and sinabi namin to her about what happened to you."Simpleng sabi naman ni Wendy habang kinukuha ang mga iba't ibang uniforms palabas ng kahon. Napangiwi ako dahil sa narinig at nakaramdam na rin ako ng kunting kaba. Madami na ring pumapasok sa isip ko na 'what ifs'. Unang araw ko palang sa pagtapak sa lupa ng Academia ay madami na akong kahihiyan na pinaggagawa. Nagkaroon pa ako ng utang at utang na loob kina Sachie. At higit sa lahat, may nilabag pa akong batas. "Then, Headmistress said 'okay' naman kaya you don't need to worry na about sa consequences, Hecia."-Wendy. Nabalik ako sa realidad dahil sa narinig mula kay Wendy. Nawala ang mga tanong at pagsisisi sa isip ko at kinunutan siya ng noo. "*"Miss—Headmistress said okay?"*"Takang sabi ko. Nakangiti namang inangat ni Wendy ang ulo niya, "Yeah! Headmistress is sooo mabait kahit she looks like kontrabida."Nakangiting sabi niya. Naramdaman ko naman ang paghinto ni Sachie sa pagsusuklay sa buhok ko. Umalis siya sa pagkakaupo sa likod ko at tumayo sa harap ko. Nakangiting matamis na nagthumbs up siya. Napatitig ako sa ngiti niya, para netong pinapahiwatig na 'See? Magiging maayos lang ang lahat'. Ang ngiting matamis na nasa labi niya ay nagpapabigay ng kaginhawaan sakin. Nakakahawa at nakakakalma ang ngiti niya. Nakangiti akong tumango at nagthumbs pabalik. "Hecia, where's ur bag?"-Wendy. Nalipat ang tingin ko kay Wendy ng magtanong siya sakin. Napahawak ako sa batok ko at maliit na ngumiti. Natigil naman siya at para namang may pumasok bigla sa isip niya, ganon din ang reaksyon ngayon ni Sachie. "Naalala ko na wala ka palang bag na dala-dala, Hecia."Sabi naman ni Sachie. Maliit akong tumango habang nasa batok ko pa rin ang kanang kamay ko at nakangiti pa rin ako ng maliit. "No bag? Dont yah worry! I got yah—."Hindi na natapos ni Wendy ang kanyang sasabihin ng sumingit agad si Sachie. "Hindi naman ganon ka importante ang bag dahil may locker naman—."Sabi naman ni Sachie na hindi rin natapos dahil sumingit din si Wendy. Nakakibit pa rin ang balikat ni Sachie ng sumingit si Wendy. "No! Bag is important! Pwede mo i-put ang mga precious make-ups mo and stuffs."May halong pag-aangal na sabi ni Wendy kay Sachie. Huminga naman ng malalim si Sachie at napailing na lamang. Umupo si Sachie sa tabi ni Wendy at tinuro ang tatlong magkakatabing iba't ibang uniform. Huminto ang hintuturo ni Sachie sa isang uniform na may puting palda. May nakapatong naman na dalawang parehong uniform sa ibabaw neto. Kinuha ni Sachie at binuklat sa harapan ko ang damit. "For 3rd stage students uniform ito, tawag dito ay Academia uniform. So, susuotin mo lang 'to sa Tuesday and Thursday."Sabi naman ni Sachie at inabot sakin ang hawak hawak niyang damit na agad ko namang kinuha. "Tatlong Academia uniform ang nandito. Isa para sa Tuesday, Tuesday ngayon kaya susuotin mo yan."Sabi pa ni Sachie na ngayon ay nakaturo na ang hintuturo sa uniform na hawak ko. "At isa naman para sa Thursday habang ang isa naman ay spare mo kung sakaling nasira, nadumihan o nawala ang isa o ang dalawang Academia uniform mo. Kung itong tatlo naman ang nawala ay—."Dugtong pa ni Sachie ngunit hindi niya natapos. "Just tell us! We're always here for you!"Singit ni Wendy na akala ko ay nagbabagong buhay dahil nagbe-behave kanina habang nagsasalita si Sachie pero akala ko lang pala. "Okay. So ito naman ay Exercise uniform, may apat kang Exercise uniform. Kada Monday, Wednesday and Friday lang 'to susuotin, then may isang spare Exercise uniform ka. Teka, nasan yong paper na binigay sayo ni Headmistress?"Sabi sakin ni Sachie na nakaturo ngayon sa itim na jogging pants at puting t-shirt. Agad ko namang nilibot ang paningin ko sa paligid at hinanap ang papel na binigay sakin ni Miss Lori. "Here!" Dumako ang tingin ko kay Wendy na ngayon ay nakatayo sa harap ng side table at hawak hawak ang papel. Lumapit siya samin at umupo sa tabi ni Sachie. Teka, kailan pa yan nakapunta don? Iniling ko na lamang ang ulo ko. Binigay naman ni Wendy ang papel kay Sachie na kinuha naman agad ni Sachie at nagbasa. "Kailangan talagang hindi pa man nags-six AM ay nasa grass field ka na ng 3rd stage."Sabi ni Sachie habang may binabasa. "Dapat suot suot mo na ang Exercise uniform kapag pupunta ka ng grass field."Dugtong pa ni Sachie at huminto sa pagbabasa ng hawak hawak niyang papel. Tumango ako. "Ito naman ay cleaning uniform, may apat ka ring cleaning uniform. For Monday, Wednesday and Thursday mo rin 'to susuotin. After 'to ng break time."Sabi ni Sachie habang nakaturo sa uniform na kulay puti na may isang blue stripes kada magkabilang gilid. "Waterproof uniform 'to and hindi ka magkakadumi gamit neto. Parang naglalaho lang ang mga duming dumidikit."Dugtong naman niya. "Dahil newbie ka ay medyo basic pa ang mga gagawin mo. Then for training naman ay kahit anong damit pwede mong suotin hanggat komportable ka."Dugtong pa ni Sachie. "Yon lang."Nakangiting pagtatapos ni Sachie. Maliit na ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat sa pagpapaliwanag, Sachie."Pagpapasalamat ko kay Sachie. "Maraming salamat din sayo, Wendy."Pagpapasalamat ko naman sa katabi ni Sachie na si Wendy. Bumukas ang pinto na ikabaling naming tatlo doon. Bumungad samin si Terry na naka-ayos na. "Tulungan niyo muna ako sa kusina."Bungad niya samin. Tumikhim ako at mas humarap pa kay Terry, "Maraming salamat din saiyo, Terry."Pagpapasalamat ko rin kay Terry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD