Chapter 11

1488 Words
"Heeeeeep," "Heeeeeeeeeep," "Heeep," Maliit ang ngumiti ako ng pilit at nag'sakit-ulo-pose' ako gaya ng senyas sakin ni Wendy habang nakaupo ako sa wheelchair at may election fan naman na nakatutok sakin. Nasa sala kami ni Wendy habang hinahanda pa nina Sachie ang kusina. Bigla na lamang ayaw akong pakawalan ni Wendy at pinapasabay niya pa ako sa mga pose-pose niya. Bigla na lamang pumalakpak si Wendy na ikabalik ng atensyon ko sa kanya. Nakita ko naman siyang proud na proud at manghang-mangha pa siyang pinapanuod ako. "Ur sooo ganda talaga kahit anong pose!"Manghang mangha ulit na sabi ni Wendy habang pumapalakpak. Nakangiti pa siya ng malawak, halatang nagsasaya. Ngumiti na lamang ako pabalik kahit pang-ilang beses ko ng naririnig mula sa kanya ang salitang iyan. Kanina pa siya walang tigil sa kaka-compliment sakin, at syempre totoo ang sinasabi niya kaya naman mas ginaganahan pa ako. Nakakagana at nakakaganda kaya kapag may nagco-compliment sayo. "Ur Noble din ba?"Tanong bigla sakin ni Wendy habang nag'sakit-buhok-pose'. Nahinto ako sa tanong niya. Sasagot na sana ako ng sabay kaming napalingon sa deriksyon ng kusina. Sakto namang kakalabas lang ni Sachie sa kusina at kakasenyas lang samin ni Terry. "Hali na kayo sa kusina."Sabi samin ni Terry at sumandal sa pader na nasa tabi niya. Lumapit sakin si Sachie at pumwesto sa likod ko bago niya sinimulang itulak ang wheelchair. Tumayo naman si Wendy at nakisabay samin. "Hindi ako noble."Sagot ko sa tanong niya kanina. Para naman siyang hindi naniniwala sa isinagot ko. "Wendy, ang mga may 'eng' lang sa last name yong noble. Ruses si Hecia."Singit ni Terry. Kahit pala nasa kusina siya ay naririnig pa rin pala niya ang pinag-uusapan namin ni Wendy. "Pero she's too beautiful para maging normal student lang."Nakangusong tugon naman ni Wendy. Mas napangiti pa ako dahil sa narinig. I know, maganda talaga ako. Hindi mo na kailangan pang-i-remind sakin, Wendy. Pero kung mapilit ka talaga edi sige, paulanan mo pa ako ng compliment! Sabay na pumasok kami sa kusina at pinwesto naman ako ni Sachie sa harap ng hapag bago siya umupo sa tabi ko. Umupo naman si Wendy sa harapan namin na ngayon ay gustong-gusto ng kumain dahil sa mga nakahaing pagkain sa harap namin. "Eh, ano naman kung normal student lang itong si Hecia pero nagtataglay na ng ganitong kagandahan? Ako nga, normal student lang pero ganito na yong angking kaganda—."Hindi na natapos ni Sachie ang kanyang sasabihin ng subuan siya bigla ni Wendy ng pagkain. Napansin ko pa ang proud na proud na tono ni Sachie habang nagsasalita siya. "Hanggang feet ka lang."Sabi naman ni Wendy kay Sachie. Nakabusangot na nginunguya ni Sachie ang pagkaing isinubo ni Wendy sa kanya. Kunot noo kong pinanuod si Terry na mahinang tumatawa habang naghahain ng pagkain. Teka. Tatawa rin ba ako? Hindi ko gets pero mukhang nakakatawa naman siguro. Yata? Tumawa ako. Nakisabay ako sa tawa ni Terry pero mas malakas ang akin kumpara sa kanya. Tumatawang napatingin ako kay Sachie na nakatingin din sakin at ganon din si Wendy. Ilang sigundo kaming nagkatitigan ni Wendy habang walang tigil pa rin ako sa pagtawa ng bigla nalang humalakhak si Wendy kasunod non ang pagdadabog ni Sachie. Napahinto ako sa pagtawa—napatikom ako ng bibig. "May gusto ka pa bang idagdag sa plato mo, Hecia?"Bumaling ang atensyon ko kay Terry ng marinig ko ang pangalan ko galing sa kanya. May nilapag siyang platong may kanin at iba't ibang ulam sa harap ko, at ganon din kina Sachie at Wendy. Umiling ako at nakangiting nagpasalamat. "Kain na tayo?"Nakangiting sabi niya. Sabay na kumain kaming apat at hindi pa man ako nakakatatlong subo ng bigla na lamang magsalita si Sachie. "Tagasan ka pala, Hecia?"Tanong ni Sachie sakin. Nalunok ko naman ng walang nguya-nguya ang pagkain na nasa loob ng bibig ko na ikadahilan ng sunod-sunod kong ubo. "Tubig!"Natatarang sabi ni Sachie at kinuha ang basong nasa harapan niya at inabot kay Wendy na ngayon ay mas nadadagdagan pa ang pagkataranta. "What? Me? Hey, water! Faster!"-Wendy. Natatarantang kinuha naman ni Wendy ang baso at natatarantang humarap kay Terry na may hawak hawak ngayong pitsel. Napahawak ako sa leeg ko habang mahinang hinahampas naman ni Sachie ang likod ko. "T-teka! teka! Eto na! Eto na!"Natatarantang sabi ni Terry at inabot kay Sachie ang basong may tubig. Agad itong kinuha ni Sachie at inilapit sa bibig ko bago niya ako inalalayang uminom ng tubig. Hinawakan ko ang baso at agad na nilagok ang tubig neto. Ilang minuto bago ako tumikhim at nag-inhale at exhale. "Ayos ka na ba?"Tanong naman sakin ni Sachie habang hinahagod-hagod ang likod ko. "What happen ba?"Tanong naman ni Wendy sakin habang kumakain. "Gusto mo pa ba ng tubig?"Tanong naman sakin ni Terry na hawak hawak pa rin ngayon ang pitsel. Lumunok ako, "*"Ayos na ako."*"Tugon ko kay Sachie bago lumingon kay Terry at umiling bago nagpasalamat. Teka, tagasan nga ba ako? Anong isasagot ko? Nataga-kastila ako? Kaso paniguradong may new identity na ako na nakasave sa academia na'to. "*"Uh, yong papel ko pala."*"Sabi ko. Hindi pa man nag-lilimang sigundo ay agad naman nilang nagets ang ibig kong sabihin. Sinundot ni Terry si Wendy na nagulat pa sa biglaang pagsundot sa kanya. "Sachie,"Banggit naman ni Wendy sa pangalan ni Sachie na kakatayo lang mula sa kinauupuan niya. Nagwait sign siya samin at nagsimulang maglakad paalis sa kusina. Tumungo siya sa loob ng kwarto niya at lumabas na dala dala na ang papel ko. Naglakad siya papalapit at ng makalapit ay muli siyang umupo sa tabi ko. Inabot ni Sachie ang papel na hawak niya sakin kaya kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya. Binuklat ko ang papel at binasa ito. "*"'Hecia Ruses, age 17 from Taurus."*"Deri-deritso kong basa. "Taurus!?"Biglang sabay na gulat na sabi nina Terry at Wendy na nakikibasa na rin pala. "Diba yong Taurus ay lugar ng mga taong makapangyarihan? Tapos sa ibabaw neto ay ang kastila?"Patanong na sabi ni Terry. Mababakas sa mukha niya ang kunting gulat. "T-that place!?"Nabaling ang atensyon ko kay Wendy ng sumingit siya. Bigla na lamang niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na ikabigla ko, "Ur from there? The Taurus Place?"Sabi niya. Saglit ko pang nakita ang saglit na kislap sa mga mata niya, lalo na nong binaggit niya ang salitang 'Taurus'. Kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari ay dahan dahan na lamang akong tumango. "Ibig sabihin anak ka ng isa sa mga makapangyarihan na family? At ibig sabihin din non ay posibleng nakausap mo na ang Prinsesa? The Princess, Princess Hestia Fivion Tauruses."Nagulat ako dahil sa pagbanggit ni Wendy sa totoong buong pangalan ko pero mas nagulat ako sa sunod sunod na tagalog na lumalabas galing sa bibig niya. Mas gusto ko pang magsalita si Wendy ng straight filipino. Napatitig ako sa parang nagkikislap na mga mata ni Wendy. "*"Uh?"*"Nasabi ko na lamang. Nauubusan na ako ng itutugon. Pumikit siya at unti-unting binitawan ang kamay ko. Umupo siya ng maayos at huminga ng malalim. Idinilat niya ang mga mata niya at kasunod non ang malawak na ngiti sa labi niya. "I'm a noble, mula bata ay pinangarap ko ng makita at makausap ang Prinsesa. Kaya pumasok ako sa Academia upang maging ganap na holder at makapasok sa Taurus."Sabi naman ni Wendy habang nakangiti pa rin ng malawak. Nararamdaman ko ang excitement sa bawat salita niya. "Nakakainggiiit! Balita ko napakaganda sa loob ng Taurus. Ibang iba ang atmosphere."Dinig kong sabi ni Terry. "Yeah! Nasa different level na ang Taurus, halos lahat ng mga legends at mga sikat na holder ay doon na nakatira."Dugtong naman ni Wendy sa sinabi ni Terry. Lumunok muna ako. Maliit na binuka ko ang bibig ko habang pinapanuod sina Terry at Wendy na masayang pinag-uusapan ang lugar na Taurus. Magsasalita na sana ako ngunit agad kong itinikom ang bibig ko. Wala akong masabi. Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Masayang masaya si Wendy habang sinasabi niya samin kung gaano niya kagustong makita at makausap man lang ang Prinsesa. Pero Wendy—ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako ang Prinsesa. "Mas nakaka-komportable kapag gan'yan magsalita si Wendy noh?"Dinig kong sabi ni Sachie. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakangiting pinapanuod ang dalawa sa harapan niya. Napangiti na rin ako at maliit na tumango. "Gan'yan talaga siya kapag tungkol sa Taurus o may koneksyon man sa Prinsesa ang pinag-uusapan. Para siyang batang binigyan ng regalo galing sa mahal niya sa buhay."Sabi naman ni Sachie. Napaisip naman ako sa narinig. Para nga siyang batang binigyan ng regalo sa mahal niya sa buhay. Napatawa na lamang ako ng mahina. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon ngunit nakakonekta lang ito sa 'kasiyahan'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD