bc

Wedding Girls - Charity

book_age16+
569
FOLLOW
1.3K
READ
independent
confident
boss
drama
bxg
office/work place
small town
friendship
like
intro-logo
Blurb

“Wala akong pakialam kung kanina lang tayo nagkakilala o noong isang linggo. Basta ngayon, mas sigurado na ako. Mahal kita. At gasgas man ang linya ay gagamitin ko pa rin. I want to spend the rest of my life with you.”

Labis na nasaktan si Charity nang matuklasan niyang niloko lang siya ng boyfriend niya. Iniwan niya ang kanyang career bilang wedding emcee at nagpasyang magbakasyon muna sa Gonzaga, Cagayan.

Doon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Edmund, isang lalaking nakilala naman niya sa isang kasalan. Everything happened too soon. Natuklasan na lamang nilang umiibig sila sa isa’t isa. Or so she thought.

Sapagkat isang beses, narinig na lamang niyang tinatawag ni Edmund ang isang babae na bahagi ng nakaraan nito. At masakit niyon para sa kanya…

Pero bakit ba kahit na ganoon ay mahal pa rin niya si Edmund?

chap-preview
Free preview
1
“SAAN KA na naman pupunta, Charity?” sita sa kanya ng nakakatanda niyang kapatid na si Mildred. Kadarating lang nito buhat sa night shift na trabaho. Nangangalumata na ang itsura dahil as usual, hindi lang ito ocho oras nagtrabaho. Na-overtime na naman at mukhang isang hikab na lang ay bibigay na sa antok. Pero sa tinig nito, mali yata ang una niyang impresyon. Mukhang may energy pa ang kapatid niya upang makipagtalo na naman sa kanya. Sa tono pa lang nito ay naroroon na agad ang pagkontra sa kanya kaya naman sa halip magpaalam nang maayos ay katarayan din ang isinagot niya. “Sa Megamall.” “Malalakwatsa ka na naman?” Lalong tumaas ang tinig nito. “Kung naghahanap ka ba naman nang matinong trabaho, di natuwa pa ako sa iyo kahit alis ka nang alis ng bahay. O baka naman makikipag-date ka na naman sa Dominic na iyon?” Lalo din naman siyang napikon. Nakalimutan niya na mas matanda rin ito sa kanya. At ito na rin ang nagsilbing magulang sa kanya buhat nang maulilang-lubos sila anim na taon na ang nakakalipas. “May trabaho ako, just in case na nakakalimutan mo,” pabalang na sagot niya. “Saka wala kaming date ni Dominic ngayon. Bukas pa,” naniniryang sagot niya. Mula’t sapul ay hindi niya maunawaan kung bakit disgusto ng kapatid niya ang lalaki gayong wala namang masamang ipinakikita dito ang kanyang nobyo. “Matatag bang trabaho ang mag-emcee sa mga kasalan?” Sa boses nito, alam niyang mas nakatuon ito sa pangungulit sa kanya na humanap siya ng trabahong sa paniniwala nito ay higit na stable. “Araw-araw ba namang may magpapakasal diyan sa Romantic Events? Sinasayang mo ang panahon mo, Charity. Maanong magpasa ka ng resume sa kumpanyang pinapasukan ko at ako na ang bahala sa papel mo. Aba’y dapat ngang magpasalamat ka sa akin. Sa dinami-dami ng lumalapit sa akin para tulungan ko, wala akong isa mang pinagbigyan dahil inirereserba ko nga ang paghingi ko ng pabor sa management para sa iyo,” mahabang litanya nito. Sambakol ang mukhang ipinakita niya sa kapatid. “Puwede ba, Ate? Ayokong magtrabaho sa call center. Ayokong gumaya sa iyo na mukhang bampira. Nagtatrabaho sa araw, tulog sa gabi.” “Shifting talaga ang trabaho sa call center. At mientras gabi ang trabaho, mas malaki ang kita dahil sa allowances at night differential. Open overtime pa. Charity, ang daming nagpapakahirap mapasok sa call center. Ikaw naman, kung susunod ka lang sa akin, mapapasok ka nang hindi man lang pagpapawisan sa interview! Iyong iba, kumukuha pa ng refresher course sa speech and grammar para maipasa ang interview. Ikaw, alam kong matalino ka at kayang-kaya mo iyong ipasa kaya hindi ako mapapahiya. Madali pang ma-promote. Tingnan mo nga ako, wala pang isang taon, dalawang beses na akong umangat sa puwesto.” “Masaya ako para sa iyo na mabilis ma-promote. At masaya akong mag-wedding emcee.” At bago pa kumontra ang kanyang kapatid ay nagsalita na ulit siya. “At huwag mong matahin ang kinikita ko sa trabaho kong iyon. Remember, nakakapag-share ako sa gastusin natin dito sa bahay. At hindi rin ako nanghihingi ng pera sa iyo. Sunod pa ang luho ko sa katawan. Ibig sabihin, kaya kong buhayin ang sarili ko sa trabaho kong iyon.” “Hindi ka ba nanghihinayang na magkaroon ng mga benefits na kagaya ng sa akin?” “Hindi,” mabilis na sagot niya. “Masaya ako sa trabaho ko. Marunong din akong humawak ng pera ko kaya kahit wala akong mga benefits na sinasabi mo, may dudukutin ako kapag nangailangan ako.” Isinukbit na niya ang kanyang bag at tinungo ang pinto. “Bye, Ate. I’m sure, pagpasok mo mamaya ay bukas na ang uwi mo. Magpa-shift ka naman sa umaga, Ate. Kung hindi mo napapansin, maputla ka na. Kulang ka na sa Vitamin D, as in sunshine.” Ngumisi siya dito at tumalikod na. PAGDATING sa Megamall ay nakalimutan na rin ni Charity ang pinagtalunan nilang magkapatid. Mababaw lang naman iyon kung tutuusin. At dahil kilala niya ang kanyang ate, nakakatiyak pa siyang pag-uwi niya mamaya, bago ito pumasok sa trabaho ay may lutong pagkain na itong iiwan para sa kanya. Hindi niya iniinda ang sagutan nilang magkapatid. Alam naman nila sa sarili nilang mahal nila ang isa’t isa. Sila pa rin ang magdadamayan anuman ag mangyari. Sana lang maintindihan ng ate niya na masaya siya at kuntento sa trabaho niya. Pansamantala ay itinuon niya ang konsentrasyon sa pagsa-shopping dahil importante iyon. Hindi niya pinansin ang pagkalam ng sikmura kahit alam niyang masama sa kanya na malipasan ng gutom. Kahit ang nangangawit na mga binti ay hindi niya pinapansin. Buhos na buhos ang atensyon niya sa kanyang pamimili. Birthday ng boyfriend niyang si Dominic sa makalawa pero nauna na nilang pinag-usapan na bukas nila iyon ise-celebrate. Uuwi daw ito sa Pangasinan sa mismong birthday nito upang makapiling ang mga magulang kaya advance na silang magse-celebrate. Hinihintay sana ni Charity na ayain din siya ni Dominic na sumama sa probinsya tutal ay hindi naman iyon makakasagasa sa ibang appointment niya subalit ni pabalat-bunga ay hindi naman ito nag-aya. Inisip na lang niya na sa ibang pagkakataon na lang siguro siya aayain nito. Puwedeng sa mismong birthday ng isa sa mga magulang nito o kaya ay sa anniversary ng mga ito. Hindi naman siya nagtatampo. Marami pa namang ibang okasyon kung saan puwede siyang isama at tuloy ay ipakilala na rin ni Dominic sa pamilya nito. Maaaring nais lamang ng lalaki na sa susunod na lamang na pagkakataon siya isama, katwiran niya pa sa sarili. Excited siyang pumili ng anim na medyas. Anim din ang comfort briefs na nauna na niyang pinili pero naganyak siyang dagdagan pa iyon ng mga sexy briefs dahil na rin nadala siya ng sales talk ng saleslady na nag-aasiste sa kanya. Mayamaya pa, nakapamili na rin siya ng mga panyo. “Ma’am, doon po ang mga polo at pantalon. Gusto ninyo pong i-assist ko pa kayo?” Ngumiti siya dito. “Huwag na, salamat na lang.” Hindi siya sa loob ng department store bibili ng polo at pantalon. Sa apat na buwang relasyon nila ni Dominic, kilala na niya ang lalaki na brand conscious. At ang brand na gusto nito sa polo at pantalon ay may sariling boutique sa Megamall. Doon siya tutuloy matapos na bayaran ang naunang pinamili. Naihanda na ni Charity sa sarili na mahal ang aabutin ng balak niyang regalo kay Dominic. After all, noong isang buwan pa niya pinaghandaan ang budget para doon. Nang iabot ang credit card upang ibayad sa mga nai-punch na item, bahagya pa rin siyang nagulat sa halagang inabot ng mga medyas, briefs at panyo. “Okay lang,” aniya sa sarili. Mahal niya si Dominic. Para ano na ba iyong halos apat na libong halaga ng mga iyon. Mamaya pa siya dapat na magulat. Dalawang polo, dalawang T-shirt, dalawang pantalon, sinturon at sapatos ang susunod pa niyang bibilhin. At pawang branded ang lahat ng iyon. Nakahanda na nga siya na kapag umabot sa credit limit ang isa niyang card, may reserba pa siyang isa. Tumawid siya sa bridge na nagdurugtong sa Megamall Building A and B. Nang matanaw ang hilera ng restaurant doon, hindi na rin niya natiis ang gutom. Tinungo niya ang French Baker at nagpasalamat na walang pila. Umorder siya ng chicken a la king, peach Danish at orange juice. Sa pinakasulok na mesa siya naghintay na i-serve ang order niya. Kauupo pa lang niya doon nang tumawag ng pansin niya ang isang babae na umokupa ng mesang malapit sa kanya. Tulak nito ang isang stroller na kinalalagyan ng isang batang babae na wala pa marahil isang taon ang edad. Nakatingin sa kanya ang bata. Nakatawa nang maluwang kaya napangiti na rin siya dito. Kahit nang kunin ng babae ang anak nito upang kandungin ay sa kanya pa rin nakatingin ang bata. Nang sundan ng babae ang tingin ng anak, nagtama ang paningin nila ng babae at nagpalitan na rin ng ngiti. “Ang cute ng anak mo,” puri niya. “Kamukha ng daddy niya,” nakangiti namang sagot ng babae, halatang proud na proud. Hindi niya nagawang mainip sa order niya dahil naaliw siyang makipagtawanan sa bata. Mientras tinititigan iyon ay lalo siyang natutuwa. Parang mayroon siyang nakikitang ibang tao habang nakatingin sa bata. At lalo siyang napangiti nang maalala kung sino ang kahawig ng bata, lalong-lalo na ang ilong at mga mata nito. Si Dominic. She sighed. Malamang ay maging ganoon din ka-cute ang anak nila ni Dominic. But then, matagal pa siguro iyon. Pahapyaw lang kung napag-uusapan nila ng lalaki ang tungkol sa pagpapakasal. Bagaman pareho na silang malapit nang mag-treinta at financially stable na, halata niyang umiiwas pa si Dominic na mapag-usapan ang tungkol sa kasal. Kungsabagay, apat na buwan pa lang naman ang relasyon nila. Siguro kapag umabot na sila ng isang taon, baka seryoso na rin nilang pag-uusapan ang tungkol doon. Dumating ang order niya at pansamantalang bumitiw ang tingin niya sa bata. Naglaway siya nang makita ang umusok na chicken a la king. Nanaig ang gutom niya. Doon bumaling ang atensyon niya at nagsimulang sumubo. “Hindi na daw available ang spinach pasta, darling. Hello, baby. Na-miss mo ba ang daddy?” Napahinto sa pagsubo si Charity. Pamilyar sa kanya ang tinig na iyon. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Dominic, kausap ang babaeng ina ng batang kinalulugdan niya kani-kanina lang! May ilang segundo na wala siyang iniwan sa natuka ng ahas. At pagkuwa ay naglapat ang mga labi niya. Isang bahagi ng utak niya ang tumatanggi sa isang konklusyon pero mas lamang ang bahaging naniniwala na isang pamilya ang nakikita niya. Niloko siya ni Dominic! May asawa na pala ito! Padabog siyang tumayo. Ang nalikha niyong ingay ay umagaw mismo dito. At palibhasa ay hindi siya bumibitaw dito ng tingin, kitang-kita niya kung paano tila natuka rin ng ahas ang naging ekspresyon ni Dominic. Bumaha ng guilt ang buong anyo nito. Nanginginig na sinamsam niya ang pinamili. At nagmamadaling umalis doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook