Hanggang sa panaginip, dala-dala ko ang epekto ng nangyari sa birthday celebration ni Bryce. Pilit ko mang iwaksi, itanggi, at iwasan, ang tangi kong nagawa ay magpatuloy kahit walang kasiguraduhan. He’s now my boyfriend. Sino sa mundong ito ang tanga at walang muwang na pagkatapos ng isang araw na pag-amin niya ay nakatali na ako sa kaniya? Nais ko pa ng panahon upang kilalanin siya nang mabuti dahil hindi na biro ang bagay na ito. Mataas ang tingin ko sa pakikipagrelasyon at batid kong hindi lang dapat ito basta-basta. That very night, we talked. Right after that celebration, I asked a series of question to understand why he declared without my notice. Inakala raw niya na `di na kailangan ng salita ko upang maging malinaw ang lahat. Sapat na raw kung paano niya ako nakikitang masaya sa

