Chapter 08

2233 Words
Lumipas ang maraming minuto hanggang sa matanto kong halos kalahating oras ko nang kasama ang lalaking ito. Tahimik lang akong nagmamasid-masid sa bintana hindi lang upang abangan si Alania kundi para na rin iwasan ko ang paninitig niya. Kahit kasi hindi ko na lingunin ay nararamdaman ko naman. Napapa-isip na lang ako kung wala lang ba talaga siyang magawa o baka trip niya lang manatili’t mag-inis. Hindi naman sa naiinis ako nang sobra. At hindi ko dapat kainisan kung anong mga sinabi niya dahil hindi naman `yon higit na nagdulot ng hinanakit. Kung ganito nga talaga siya bilang tao, wala naman akong magagawa. After all, ngayon ko pa lang naman siya nakita. “Ang tagal naman yata ng kaibigan mo?” rinig kong wika niya mula sa aking likuran. Ganoon pa rin naman ang layo ng distansya niya nang umikot ako upang ilipat ang atensyon sa kaniya. Prente pa rin siyang nakaupo na para bang hari habang hawak-hawak sa isang kamay ang mansanas na malapit nang maubos. Sa totoo lang, kanina pa siya nguya nang nguya. Malakas pala siya kumain? Hindi halata ah? “Okay lang,” nagpapakabait kong sagot. Saka ko hinaplos ang kanan kong braso. “Babalik din naman `yon.” “Why don’t you talk to me?” “Hindi ko alam kung anong dapat pag-usapan—” “Then you’re not planning to make me your friend,” he muttered. “Ayaw mo talaga sa’kin.” “Hindi sa ayaw ko sa’yo, Tinio.” “Then why?” I sighed. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito maipapaliwanag sa kaniya. Ako kasi `yong klase ng taong hindi palakaibigan. Kung may sumusubok man, hindi rin nagtatagal. Kaya nga kahit nasa kolehiyo na ako, masasabi kong si Alania lang ang buko-tangi kong pinagkakatiwalaan. Masyadong malalim ang depinisyon ko sa salitang kaibigan kaya hindi `to basta-basta gaya ng inaakala niya. “Bisita lang ako rito,” pagpapalusot ko. “Baka `pag umalis na ako rito, hindi mo na ako makikita.” “Problema ba `yon? Eh `di bibisitahin kita. Just drop you address.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, nilamon na niya nang buo ang natitirang tapyas ng mansanas. He then put his hands on the table with eyes staring at me like a scrutinizing hunter. Ano bang nakita niya sa’kin para maging interesado nang ganito? Kung kating kati siya makipagkaibigan, bakit ako? Bakit hindi ang mayamang gaya niya? I cannot help but imagine Trio’s face on his look. The way how his eyes blink, makikitaan ng resemblance na para bang minana mula sa isang magulang. Well, that’s the truth. They're half-brothers. At kung may higit mang nakakakilala kay Trio, hindi `yon si Alania kundi si Tinio. But I’m not a user. I won’t ever take advantage just for my own satisfaction. “Hindi ako mayaman,” pag-amin ko nang walang bahid ng kahit na anong emosyon sa mukha. “Hindi ako gaya mo na magiging tagapagmana ng hekta-hektaryang lupain, ng rancho, ng mansion, ng ginto. Hindi.” “So what?” “Tinio…” “Look, I’m sorry if I look so arrogant. But mind this, I just want to be your friend. That’s all.” I almost scoffed. Mabuti na lang at umiwas na ako ng tingin para lang silipin saglit ang bintana. Bakit kaya aabutin ng halos isang oras si Alania? Ganoon ba kahirap kumbinsihin si Trio na pumunta rito? “Hey,” muli niyang tawag. Tila wala na akong balak tantanan sa sobrang kulit. “Let’s be friends.” Patago akong umirap. Sa kagustuhan kong tantanan na niyang igiit ang paulit-ulit na pakiusap, humarap na naman ako nang maayos saka nagtitimping tumango. “S-sige, kung `yan ang gusto mo.” Umaliwalas ang kaniyang mukha. “So we’re friends.” Akma ko na sanang babalingan ang labas ngunit naagaw ng atensyon ko ang sumunod niyang ginawa. Tumayo siya at hinubad ang suot na t-shirt. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sumambulat ang matipuno niyang pangangatawan! Prominente ang kaniyang biceps at developed din ang maskulado niyang balikat at dibdib. Idagdag pa ang six packs niyang tila alagang alaga ng gym! Nais ko na sanang umiwas ng tingin, pumikit, o `di kaya’y lumabas na ng resthouse na ito. Subalit nang tumagilid siya ay nakita kong may malaking gasgas sa kaniyang tagiliran. Napalunok-lunok ako nang magtama ang aming mga mata. “Since you’re my friend, can you help me with this?” “May gasgas ka…” bulong ko sabay turo doon. Hindi naman iyon masyadong malala ngunit halatang sariwa pa iyon kaya paniguradong kumikirot. Siguro, kalahati ng palad ko ang lawak. Hindi naman dumudugo. “Anong nangyari diyan?” “Nahulog ako nang akyatin ko ang isang puno sa mini forest.” “Mini forest?” “Basta,” aniya. “Nadaplisan ako ng sanga.” “Eh bakit hindi naman halata sa shirt mo?” “Topless ako kanina.” Nag-isip ako ng maaaring gawin. Madali lang naman `yan ngunit mas mainam kung sisimulan na niyang linisan. Hindi `yan gaya ng major injuries na oobligahin pang dalhin sa hospital. Kung makasabi naman kasi siya sa’kin ay parang sinaksak siya sa tagiliran. “Linisin mo lang iyan at pahiran ng antiseptic. Malayo `yan sa bituka,” wika ko. Umiling siya bilang `di pagsang-ayon. “Paano kung ma-infect `to? Eh `di aabot din sa bituka.” “Kaya nga gagamitan ng antiseptic `di ba? Kaya mo na `yan. Pumasok ka lang sa inyo at humingi ng betadine.” “You don’t know my mom. `Pag nalaman niya `to, baka isugod niya ako sa hospital.” Muntik na akong matawa roon. Kaagad ko na lang pinigilan para `di maka-offend. “Maliit na sugat lang `yan. Pero kung mahal ka talaga ng nanay mo at ayaw mo siyang mag-alala nang sobra, eh `di `wag mong sabihin sa kaniya.” “Malabo.” “Pa’nong malabo?” “Hindi ko alam kung sa’n nakalagay ang betadine o antiseptic o kung ano pang tawag do’n. Kailangan ko pang magtanong sa mga katulong kaya baka sabihin pa nila `yon kay Mom.” “Loyal, kung gano’n.” He hissed. “What I’m trying to say is, I need your help to treat this.” “Ang arte mo…” bulong ko. “Kahit nga linisin mo lang `yan ay gagaling na `yan.” Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa tila batang nagsusumbong, ngayo’y tila sundalong kaharap na ang kaaway. Doon ko na-realize na napalakas pala ang bulong ko. s**t. Ito na nga ba ang sinasabi ko. “I m-mean…” “Maarte ako?” “Hindi sa gano’n.” “You invalidate me.” “S-sorry, hindi ko sinasadya…” Sa pagkakataong ito, dali-dali na niyang isinuot ang kaniyang t-shirt. Hindi na siya kagaya kanina na halos ayaw akong tantanan ng mga mata. Nakonsensya naman ako bigla lalo na nang magsimula na siyang maglakad palabas ng resthouse. Na-guilty ako. At paniguradong hindi ako papatulugin nito kung hahayaan ko lang siya umalis nang walang sabi. Kaya sa mga sumunod na segundo, hindi na ako nagdalawang-isip upang habulin siya. Hahakbang pa lang siya palabas ng pinto ngunit hinuli ko na agad ang kamay niya. He stopped when he felt my hands against him. Marahan siyang umikot sabay yuko sa palad kong nakakapit sa medyo magaspang niyang kamay. I gulped. “Pasensya n-na talaga. Hindi ko sinasadyang sabihing maarte ka.” He craned his neck and looked at my eyes. “Nasabi mo na.” “Anong gagawin ko para makabawi?” “Treat this.” “Pero walang—” “Do anything that you can. Kahit walang antiseptic. Ikaw bahala.” Pumasok kaagad sa isip ko na mas mainam kung linisin ko na lang ang sugat niya. At least kahit paano, masasabi kong may nagawa naman ako bilang ‘kaibigan’ kuno niya. Pinabalik ko siya sa inuupuan niya kanina. Tumungo naman ako sa pouch ni Alania na lihim kong pinasalamatan dahil nagawa niyang iwan. Binuksan ko iyon at hinagilap doon ang panyo. Kasabay ng pagkuha ko nito, nagsalin ako ng tubig sa baso upang basain ang maliit na portion ng telang hawak-hawak ko. Mga alikabok lang at natuyong dugo ang pupuntiryahin nito kaya hindi assured kung hindi ba ito magiging prone sa infection. Umupo ako sa tabi niya matapos mabasa ang panyo. Inutusan kong itaas niya ang kaniyang t-shirt at huwag na hubarin. May balak pa kasi siyang maging topless ulit kahit na hindi naman kailangan. Kulang na lang ay maiisip ko nang pinangangalandakan niya ang abs niya. I gently touched his fresh abrasion. Kitang kita ang pamumula nito dahil sa puti’t kinis ng kaniyang balat. Mas maputi pa nga siya sa’kin. Sa unang tingin, mahihinuhang anak nga talaga siya ng isang mayaman. “Masakit?” tanong ko habang maingat siyang dinadampian. Supposedly, amoy-pawis dapat siya kung nanggaling siya sa kakahuyan. Pero bakit gano’n? Bakit amoy-bagong ligo? “Hindi.” “Bakit kasi umakyat ka pa sa puno?” “Gusto ko lang tumambay sa taas. Kung alam ko lang na marupok na pala ang sanga, hindi ko na sana inupuan.” “Inupuan mo?” “Malamang.” I tried to imagine him falling from the frail branch of the tree. Tikom-bibig ko na lang pinigilang tumawa dahil baka ma-offend na naman siya. “Mahal na mahal kaya yata talaga ng Nanay mo kaya ayaw ka niyang masugatan kahit na galos lang,” sabi ko nang hindi naaalis ang atensyon sa gasgas. Kumpara kaninang napupunan ito ng mumunting buhangin at kung ano pang dumi, `di hamak na mas malinis na ito ngayon. “Tss, kahit nga yata madapuan lang ako ng lamok, nag-aalala na.” “Overprotective…” “Yeah, that’s exactly who she is. Palibhasa gustong mapunta sa’kin lahat ng mana.” Naakit ang pandinig ko sa huling parte ng sinabi niya. Now that he’s talking about his familial issues, I think that’s a good transition for someone who’s starting to know their clan. Kaunti na lang ang lilinisin sa gasgas niya ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagdampi. Nanatili ang tingin ko roon habang siya’y dama kong nakayuko lang sa akin. “Mana? Bakit, anong problema?” I asked. “I don’t think it’s right to say this,” he replied. “But since you’re my friend, okay then.” Umangat ang dulo ng aking labi. He continued, “Trio is my half-brother. Iisa kami ng tatay. Magkaiba ng nanay.” “Yumao na ang mga magulang niya, `di ba?” “Right. But you know what? Naging oportunidad pa `yon kay Mommy para makihati sa yamang iniwan ng Trivino. Kaya nga siya na ang namamahala ngayon.” Nagtaka ako roon. “Ayaw mo no’n?” Umismid siya. “Sino bang aayaw sa yaman? You see, this place is prosperous enough for a living. Magsipag ka lang imando ang ranch business, mananatili kang mayaman hanggang kamatayan.” “Pero bakit parang taliwas ka sa gustong mangyari ng Mommy mo?” “Because that’s too unfair,” he claimed. “All of these properties belong to Trio. Anak lang ako sa labas.” Humina ang kaniyang boses. Bagaman wala siyang pinahahalata, dama ko ang lungkot niya roon. Somehow, na-realize kong hindi naman pala siya spoiled. Sapat na sa’king malaman na kahit paano’y alam niya kung ano ang tamang porsyento ng mana niya— alam niya kung ano ang deserve na mapunta sa kaniya. Nalinis ko na nang tuluyan ang gasgas niya. Kung ipagpapatuloy ko pa iyon ay baka dumugo pa. Ipinatong ko na lang sa gilid ang panyo at tumingin nang maayos sa kaniya. Saka ko inutos na ibaba na ang pagkaka-angat niya sa gilid na laylayan ng shirt upang `di na siya mangalay. Hindi naman pala totally masama ang ugali niya. Kung ipinakita niya lang sana ito kanina, eh `di mas napadali pa siguro ang usapan. “You’re nice,” I complimented right in front of his face. Halatang natigilan siya ngunit itinago kaagad sa biglang pagngisi. “Really?” “Akala ko kasi, bratinelo ka.” “A brat?” “Oo.” “Masama naman talaga `tong ugali ko,” sambit niya. “Kaya nga kaunti lang ang mga kaibigan ko.” I silenced. Hindi dahil wala na akong masabi kundi naghihintay lang ako sa mga susunod niyang sasabihin. “Bihira lang ang nakakatiis sa’kin,” dagdag niya. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya at iyon ang aking nasisiguro. Ngunit `di gaya niyang hindi natitiis ng marami ang bad side niya, ako lang talaga itong mataas ang standard pagdating sa mga taong pinagkakatiwalaan. Idagdag pa siguro doon `yong gawain ng Lola ko. Marami kasing mga magulang na nagbabala sa mga anak na huwag ako kaibiganin. Maybe, iniisip na may sumpa ako o dalang malas. “Malinis na ang sugat mo. Hindi naman dumudugo kaya hihilom din `yan,” I assured. A sparkle of smile suddenly appeared on his face the moment his smirk widened. “Thanks. May I ask now where you live?” Naguluhan ako bigla kung bakit niya itinatanong iyon. “Huh?” “Just tell me your address.” “Para saan?” “Para mabisita ka.” Pilit akong tumawa roon. Hindi ako makapaniwala na talaga palang seryoso siya roon. “Taga Agunaya ako.” “How about your name?” “Samira.” I smiled innocently while he fixed his stare as if he’s not even blinking. “But you can call me Sam.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD