The sea is kindling its own symphony. Dumagdag pa sa tunog ng mga alon nito ang bawat hampas ng dibdib ko habang lumalapit kami. Sa ilang beses ko kasing pag-iwas kay Kario mula nang mangyari ang trahedya, hindi ko inakalang higit isang taon na pala ang lumipas. He was my ex when I was sixteen. My ex who almost brought me to death just because he thought he could teach me to swim.
Iyon din ang dahilan kung bakit mula noon, bihira na akong mapadpad sa dagat o kahit man lang sa dalampasigan. Dala-dala ko na ang trauma noon, ang takot, at ang pag-aalala na baka maulit na naman ang nangyari. Ni hindi nga kami nagkaroon ng maayos na closure. Nang magkamalay ako at maalala ang lahat, basta ko na lang idineklara na wala na kami at ayaw ko ng bumalik sa taong dinala na ako minsan sa kapahamakan.
But now, as we walk towards him and his boat, I don’t know what to say or how I will react. Dala ko pa rin ang mga alaalang iyon ngunit hindi ko alam kung tuluyan ko na ba talaga siyang napatawad. We didn’t talk. We didn’t even bother to face each other. Hindi ko alam kung ang lahat ba ng iyon ay dulot ng effort ko na umiwas sa kaniya, o baka siya na rin ang umiwas noon.
His face became clearer and clearer. Namataan ko ang panlalamig habang nakakapit siya sa lubid na nakakabit sa angkla ng munting bangka.
“Sam?” untag ni Alania sa gilid ko. Para akong tangang nagising dahil na rin sa paghalik ng tubig sa aking talampakan. Suminghap ako sa lamig na hatid nito.
“Mmm?”
“May pag-uusapan tayo mamaya,” aniya saka mas umusad pa sa mga hakbang. Sa tantya ko ay limang abante na lang upang tuluyan na kaming makalapit sa posisyon ni Kario— kay Kario na ngayo’y nakatayo lang at pansin kong sa likod namin nakatingin.
Sa totoo lang, hindi ko maipagkakaila ang pagbabagong naganap sa katawan niya. Dalawang taon ang agwat niya sa akin. Dise otso siya noong naging kami ngunit hindi rin naman kami nagtagal dahil sa nangyari. Kung ikukumpara ko siya sa mga lumipas, masasabi kong nag-mature ang pangangatawan niya. Naroon ang pagiging prominente ng kaniyang kalamnan sa braso at binti. May mga facial hair na ring makikitaan at hindi katanggi-tangging mas tumangkad pa siya ng ilang dangkal kaysa noon. Kung may wala mang pinagbago, iyon ay ang pagiging moreno niya. Dulot siguro ng pangingisda niya at surfing.
He also looks so simple in his maroon shirt and gray shorts. Natatandaan kong paboritong kulay niya `yan at minsan na namin iyong pinagtalunan dahil iginigiit ko ang paborito kong puti.
Eventually, Al and I stopped. Good decision na nag-dress ako ngayon at hindi nagpantalon dahil umabot na ng tuhod ko ang tubig. Ang isang kamay ko ay nakahawak na sa laylayan upang ingatan sa malilikot na hampas ng alon. Akma pa ang sana akong yuyuko ngunit bumaling na ang tingin sa amin ni Kario na wala ng isang dipa ang distansya sa amin.
Nagtama ang aming mga mata. Kasabay nito ang pagbitaw niya sa lubid na kanina pa hawak-hawak. Para akong na-estatwa dahil ngayon lang ulit kami nagkalapit nang ganito. Ibang iba na siya sa dating wangis na lagi ko pa noong tinititigan!
Shit. Binabangungot ba ako? Totoo ba ang lahat ng ito o kailangan pa akong gisingin para lang makatakas dito?
“Hi Kar! Buti free ka ngayon?” tanong ni Alania sa masiglang boses para siguro sirain ang namamagitan sa amin ni Kario. Hindi ko man sabihin sa kaniya, paniguradong dama niya ang bumibigat na tensyon.
“Sa susunod na linggo pa kami papalaot,” tugon niya sabay baling sa kaibigan ko. Para akong binunutan ng tinik. “Kaya puwedeng puwede ako.”
The way he looked at her was different. Pansin ko dahil mas gumaan ang kaniyang ekspresyon. O baka naman na-misinterpret ko dahil lang may hindi pa kami pagkakaunawaan? Ewan ko.
“Good! Ibig sabihin, free ka sa buong week na `to?”
He nodded. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Alania at bakit pinatatagal pa niya ang usapan. Diyos ko, bakit hindi na lang kami sumakay?
“Magpapahatid ka ba ulit?”
Al answered, “Depende sa usapan namin ni Sam. Aabisuhan na lang kita kapag may lakad ulit kami.”
He smiled, isang bagay na natatandaan kong hindi ko pinagsasawaang tingnan noon. But now, it just feels so empty. Hindi kagaya ng ngiti ni Trio na kahit sa malayo ko lang nakikita, binabalot na ako sa kilig.
Ngunit naglaho ang ngiting iyon nang bumaling siya sa akin. Muntik ko na siyang taasan ng kilay, buti na lang ay umiwas kaagad ako ng tingin.
Shit. What was that? Siya ba ang may galit sa akin? At bakit may lakas siya ng loob na magalit kung in the first place, siya naman ang nagtulak sa akin sa kapahamakan?
What the…
Una niyang inalalayan si Alania upang makasakay na sa bangka. I then heard her giggles as I stared upon the licking water. Kailan pa sila naging close? Bakit hindi sinasabi sa’kin ni Al?
Wala akong ideya kung kaba ba o hindi ang muling namayani nang sa akin naman lumipat ang atensyon niya. Kating kati na ako upang irolyo sa irap ang mga mata dahil parang ako pa ang may atraso sa kaniya!
Nang i-angat ko ang tingin sa kaniya, nakita ko rin ang unti-unting paglahad niya ng palad. Siguro ay para alalayan din ako gaya ng ginawa niya kay Al pero hindi, hindi ko iyon kukunin.
Nilagpasan ko siya nang hindi bumibitaw ang isang palad sa laylayan ng dress ko. Tila gulat naman ang kaibigan ko sa aking ginawa dahil kitang kita ang bahagyang pamimilog ng mga mata niya. Who cares? `Di bale nang mabasa ang laylayan ko, huwag lang mahawakan ang palad ng maarteng ex ko.
Neknek niya.
Para akong unggoy na umakyat sa bangka. Tumulong naman si Al upang i-angat ako, dahilan kung bakit wala akong kahirap-hirap na nakasakay. See? I don’t need his help. At hindi na niya kailangan magpaka-plastik para lang makasampa ako.
Umupo ako sa gilid ng kaibigan ko saka inusisa kung may nabasa bang parte sa dress ko. So far, wala pa naman. Wala pa naman hanggang sa umakyat naman ngayon nang walang sabi-sabi si Kario at napisikan ang mukha ko!
Ang malala, nakita niya ang epekto ng ginawa niya ngunit hindi man lang siya humingi ng tawad! Mabuti’y nag-offer ng panyo si Al upang may maipamunas ako.
Lumala ang inis ko. Nananadya ba siya?
Siguradong sumama ang timpla ng mukha ko nang magsimula nang umandar ang makina ng bangka. Nakapuwesto siya sa harap namin habang kami ni Alania ay magkatabi sa upuang nasa likod niya. Mas mabuti na `to dahil mas gugustuhin kong hindi niya ako makita. Wala pa rin palang pinagbago ang ugali niya. Ang sama-sama.
Maingay ang makina kasabay ng paglayo ng aming sinasakyan sa Isla Agunaya. At upang hindi mahagip ng tingin ko ang likod ng lalaking ito, pinipili ko na lang yumuko sa paanan namin. Amoy na amoy ko ang alat ng dagat at ang paghalo ng pabango na pinisik namin sa sarili kanina bago umalis. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko rin maitatanggi na humahalo rin ang bango ni Kario— ang amoy na sobrang pamilyar sa akin dahil madalas ko siyang abutan noon ng lavender.
Nilakasan ni Alania ang kaniyang boses. Mula sa pagkakayuko ay lumingon na ako sa kaniya.
“Handa ka na ba?” tanong niya kahit na maingay ang bangka.
“Handa saan?”
“Sa meet-up niyo.”
Sa pagkakataong ito, in-imagine ko ang posibleng mangyari mamaya. Handa na nga ba talaga ako sakaling nasa harap ko na si Trio? I’ve been a secret admirer since I saw him. Matagal-tagal na at wala na kami ni Kario noon.
Nagkibit-balikat ako. “Hindi ako sigurado.”
“Weh?” pang-aasar niya. “Ang tagal mo `tong hinintay, Sam. Ngayon ka pa ba aatras kung kailan matutupad na?”
“Siyempre hindi naman ako aatras. Kinakabahan lang.”
“Wala ka namang dapat ikakaba. Mabait naman daw si Trio sabi ni Tatay. Hindi raw mata-pobre. Hindi rin isnabero. Basta mabait, approachable.”
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit naging posible ang lahat ng ito. Malaking tulong ang pagiging trabahador ng tatay ni Alania sa Rancho Trivino. Katunayan, minsan na raw nakausap ni Al si Trio. Binibiro ko nga minsan kung wala ba siyang gusto ro’n dahil sobrang gwapo. Itinatanggi lang niya dahil wala pa naman daw sa isip niya ang lovelife. Wala pa raw siyang natitipuhan.
Hanga rin ako sa kaibigan ko eh. Nasa kaniya na halos ang lahat— ang talino at ganda ngunit hindi niya iyon sinamantala. Ang tanging goal niya lang ay makapagtapos. Ang mairaos ang pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang pamilya.
Hindi naman sila totally mahirap dahil kapwa may trabaho ang magulang niya at may kataasan din ang pasahod ng mga Trivino. Masasabi kong nasa middle class at hindi sa laylayan.
Huminga ako nang malalim upang mabawasan ang bigat sa dibdib. Ngayon pa lang, kabang kaba na ako. Paano pa kaya kung nasa harap na ako ng hinahangaan ko?
Ano kaya ang magiging impresyon niya sa’kin?
“So ganito ang mangyayari mamaya,” dagdag niya kaya mas tinuon ko pa ang atensyon ko. “Sa rancho muna tayo didiretso para bisitahin si Tatay. Pagkatapos, siyempre kunwari tatambay tayo roon. Hintayin nating lumabas si Trio sa mansion nila tapos ako nang bahala para makalapit siya sa’tin.”
Somehow, naiinggit ako dahil medyo established na ang koneksyon nilang dalawa. Ako ay pasimula pa lang at patungo pa sa puntong kikilalanin pa. Siguro, kung may dapat man akong obserbahan, iyon ay `yong mga ayaw niya’t gusto. Sa sobrang sikat kasi ng angkan ni Trio, hindi ko na kailangan pang alamin kung ano ang buong pangalan niya, ano ang edad niya, sino ang magulang niya, at kung saan siya nag-aaral. Wala pa yata akong nabalitaan tungkol sa love life niya. Ang sabi-sabi ay wala pa raw siya naging girlfriend. Hindi ko lang alam kung totoo.
Nanahimik na si Alania pagkasabi n’on. Hindi na rin naman kasi ako nagsalita dahil pinangungunahan na ako ng nararamdaman ko. Kailangan ko lang ngayon i-compose ang sarili ko at mag-isip kung anong klaseng usapan ang bubuksan ko, sakaling hindi si Trio mag-i-initiate ng paksa. What should I ask? Hindi naman puwedeng pure personal info lang.
Ilang kilometro ang sunod na tinahak ng bangkang ito. Ilang mumunting isla at sand bar ang aming nadaanan bago namin narating ang paanan ng Isla Capgahan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang humanga sa islang ito kung ikukumpara sa Agunaya. Maliban kasi sa Trivino, nag-uumapaw din sa kayamanan ang mga Cascaynong nandirito. May urban side ding matatagpuan at `di gaya sa amin na purong likas na yaman ang makikita.
Kaya nga hindi na nakapagtataka kung bakit mas dinadayo ito ng turista kaysa sa’min. Gayunpaman, mas okay na `yon kaysa naman dumugin pa kami ng bisita at mag-iwan lang ng basura sa dalampasigan.
Kagaya kanina, nagpaalalay na naman si Alania kay Kario upang bumaba. Hindi hamak na mas mabait ang alon dito kaysa sa natiyempuhan namin kanina sa Agunaya. Akma na sana akong bababa nang walang sabi-sabi ngunit nagtama ang mga mata namin ni Kario. Inaalalayan niya ang kaibigan ko ngunit nakapukol sa akin ang seryoso niyang tingin.
Oo, malamig at seryoso.
“Hintayin mo ako. Huwag kang bababa,” utos niya na para bang magulang. Kumpara kanina, mas masungit na siya tingnan. Nagagawa pa niyang ngumiti kanina kay Al ngunit ngayon, wala na.
Purong panlalamig lang.
Sa takot na baka lumala pa ang trato niya, nanatili ako sa aking kinauupuan. Nang makatapak na si Alania sa tuyong buhangin habang inaayos ang sarili mula sa pagkakabasa ng paa, sa akin naman pumukol ang atensyon niya. Higit pa sa inis ang umahon sa akin nang bigla-bigla na lang niyang kunin ang kamay ko. Kaagad ko namang hinawi iyon.
“Anong problema mo?” masungit niyang tanong.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong komprontahin siya. “Ako nga ang dapat magtanong niyan, Laroque. Ikaw yata ang may problema.”
Kumunot ang noo niya. `Di ako sigurado kung dahil ba sa tono ng boses ko o dahil tinawag ko siya sa apelyido niya.
Ito ang kauna-unahan naming pag-uusap mula sa dalawang taong nagdaan. Hindi lang wirdo sa pakiramdam. Sobrang nakakapanibago.
“Wala ka pa rin palang pinagbago,” he said.
“What?”
“Tumanda ka na nang dalawang taon, Samira. Bakit isip-bata ka pa rin?”
May kung anong sumaksak sa puso ko nang marinig iyon. Patuya na lang akong ngumiti upang magkunwaring hindi ako apektado.
Akma na sana akong tutugon ngunit inunahan niya ako.
“At ano? Makikipagkita kayo kay Trivino? Para ano? Para palitan ako?”
“Matagal na tayong wala, Laroque—”
“Binigyan lang kita ng panahon, Sam. Hindi tayo naghiwalay.”
“Naghiwalay na tayo—”
“Walang naghiwalay,” putol niya sa sinasabi ko. Sa lakas nito ay napatulala ako. “Huwag na huwag mong idedeklara na ex mo ako dahil hindi ako pumayag makipaghiwalay.”