Blangkong blangko ang isip ko habang humahakbang patungo sa kaniya. Sa likod ko ay maririnig ang mga usyoserang hindi makalapit kay Trio na batid kong ako naman ngayon ang pinag-uusapan. Posible kayang nagagawan din nila ng isyu `yong pagsabay namin ni Bryce tuwing uwian? Gustuhin ko mang `di na lang pansinin, namumutawi at bumabagabag pa rin iyon sa akin. Kaunting hakbang na lang ay malapit na ako kay Trio. Prominente ang kaniyang focus sa pinto ng katapat na classroom na para bang hindi napapansin ang atensyong nakukuha. For sure, pinagtitinginan na siya ng ibang mga estudyante na nasa loob ng room. Kailangan ko siyang mailayo rito upang makausap nang masinsinan. Sa tantya ko ay dalawang dipa ang aking layo bago ako huminto. Unti-unti siyang napabaling sa direksyon ko at nakita ang dah

