Kung may isang salita mang makakapaglarawan sa kabuuan ng silid na ito, walang iba kundi ‘mamahalin’. Enchanted ambiance ang sumalubong nang buksan niya ang pinto. Kinabisado ko ang mga detalye ng bawat bagay na makikita rito na batid kong hindi biro ang kailangang ilabas bago makuha. Malawak. Kailangan pa yatang i-multiply ang aking kuwarto upang mapatantayan ang laki nito. Agaw-pansin ang kulay ginto nitong chandelier, mga abstract wallpaper, ang dalawang couch, TV, mga bow windows, at ang veranda na siguro ay nagsisilbi niyang tambayan. Hindi maipagkakaila na halos kumpleto na ang mga bahagi nito. Hindi lang ito basta-basta silid-tulugan dahil may mga appliances na makikita sa tila kusinang parte. May ref, may hapag, at may mga pinto na hindi bababa sa dalawa ang bilang. “Feel at ho

