Chapter 13

2224 Words
Pasimple kong siniko si Imon dahil dinaig pa niya ang nakakita ng multo. Tinakpan naman niya sana ang kaniyang bibig ngunit kung maka-react ay minsan lang makakita ng ganito. Hindi ko naman masisisi dahil kilala nga namang tao sa isla ang mga Trivino. At nabibilang nga rito si Tinio na animo’y hindi mapipigilan sa nais gawin. He seems catching his breath while standing in front of us. Saglit na lumipat-lipat ang kaniyang tingin kina Bryce at Imon, saka tumitig sa’kin. Bryce then cleared his throat. Maingay namang suminghap si Imon kahit na sumasapaw ang tunog sa paligid. Thankfully, hindi naman kami umagaw ng pansin. Tuloy pa rin ang mga tao at miminsan kung lumingon sa gawi namin. “May I borrow you for a lil’ while?” Tinio asked in his deep and serious voice. Parang ewan naman ang isang nasa gilid ko dahil kulang na lang ay mangisay. “Ako?” tanong ko pabalik sabay turo sa sarili. Tumango siya nang walang pag-aalinlangan. “Yeah…” “Teka,” pagsingit ni Bryce. Humakbang pa siya nang kalahati upang malipat sa kaniya ang pansin. “Parang pamilyar ka?” “Come on,” tinatamad na sagot ni Tinio. “Do I need to get formal? Everyone knows me.” “Bryce, ano ka ba!” si Imon na pabulong kung umasik. “Si Tinio Trivino `yan.” Mabilis na napaharap sa’min si Bryce nang halata ang inis sa mga mata. “Oh? Eh ano kung Trivino?” Bago pa man makasagot si Imon ay nagsalita ulit si Tinio. Sa loob ng maikling segundo, kahit na sandali lang akong nalingap ay napakabilis magbago ng ekspresyon niya. Para siyang nagmamadali. Bahagyang salubong ang kaniyang mga kilay habang ang noo’y tila papel na nilamukos. “Importante ang pag-uusapan namin so let her spare those few minutes with me. Ibabalik ko rin siya sa inyo pagkatapos,” aniya. Hindi na ako naghintay pa ng approval kay Bryce o kahit kay Imon. Humakbang na ako’t lumapit kay Tinio kaya wala na silang magagawa roon. Without looking back, nilagpasan ko si Tinio. Dire-diretso ako lalo’t target kong huminto sa gawing dulo ng campus wall. Makakapaghintay naman ang dalawang iyon. Kailangan ko lang i-entertain ang lalaking `to dahil kuryoso rin naman ako sa mga sasabihin niya. Habang humahakbang, pahina nang pahina ang boses ng mga tao sa likuran. Ganoon din ang naghahalong ingay ng mga streetfoods at kung ano-anong kalansing ng mga kagamitan. May mga sasakyan din naman ngunit hindi ganoon karami. Kadalasan sa mga estudyante rito ay walking distance ang bahay at `di gaya namin ni Bryce na kailangan pang sumakay ng bangka upang makauwi. I could hear his footsteps behind. Those footsteps I once heard when I was visiting their place. Kung hindi nga lang kayumanggi ang buhok niya ay baka napagkamalan ko siya bilang si Trio. They share the same features inherited from their deceased father kaya hindi nakakapagduda. Nang marating sa wakas ang dulo ng pader na iilang metro lang ang layo mula sa kulay puting ilaw ng `di kataasang poste, ay nagdesisyon na akong huminto. Sinikap kong iangat ang kanan kong kamay upang kumapit sa strap ng aking bag saka humarap sa direksyong kinatatayuan niya. Hindi nalalayo sa pinagsamang tatlong ruler ang distansya namin sa isa’t isa. Sa lapit niya ay naamoy ko na ang panlalaki niyang pabango na para bang hindi kumukupas. Ganitong ganito ang scent na nalanghap ko sa kaniya kanina. Saan ba siya nagtatambay no’ng panahong nasa klase ako at bakit parang ang fresh pa rin niya? Nasa lahi kaya `yon? I saw a sudden image of his half-brother when I decided to meet his gaze. Bahagya pa siyang nakayuko. Ako naman itong `di maunawaan kung sa gusali ba tumitingala dahil sa kaniyang tangkad. “Anong pag-uusapan? Bakit importante?” usisa ko. Para siyang estatwang hindi gumagalaw. He replied, “You like my brother.” Pilit akong umubo nang marinig `yon. Simbilis ng kidlat nang iiwas ko sa kaniya ang aking tingin at kunwari’y gumagawa ng paraan upang mahimasmasan. I could even hear his soft chuckles as the sound of my cough reign between us. Nahihiya man ay pinilit ko na ring ibalik muli ang baling sa kaniya. “P-paano mo n-nasabi y-yan?” “Your friend told me.” “S-sino? Si Alania?” He smirked. Shit. Nanggalaiti ako bigla sa inis. Anong pumasok sa isip ng babaeng iyon at bakit niya sinabi? Anong matinong rason ang sasabihin niya kung haharapin ko siya mamaya? Totoong may gusto ako kay Trio pero hindi sa puntong ipagsasabi ko sa kapatid niya! And for Pete’s sake, loko-loko ang lalaking `to! Huminga ako nang malalim upang makahagilap ng pagtitimpi. Wala akong mapapala kung paiiralin ko ang aking inis. Hangga’t maaari ay pipilitin ko maging kalmante. “Isang sikreto ang nalaman mo, Tinio kaya ako na ang makikiusap sa’yo. Huwag mong sasabihin `to kay Trio o kahit sa Nanay mo dahil ang tagal-tagal kong kinimkim `to.” He shrugged his shoulders. Wala akong kontekstong makita roon liban sa hindi mawala-walang ngisi sa kaniyang labi. Ano ba ang nais niyang ipakahulugan? “So you just admitted it. You like him.” “Oo, gusto ko siya. Ano pang gusto mo marinig?” “When Alania came to me this afternoon just to say this, honestly I got shocked. Gusto ko sanang kumpirmahin kanina kaya lang, may klase ka pa.” Napalunok ako. “A-ano pang mga sinabi niya?” “She asked for help,” he answered. “That maybe I could use my resources to help you out with Trio.” Napailing-iling ako. Hindi ako makapaniwalang naririnig ito. Lumalabas na mas desperada pa si Alania para lang magkaroon ng improvement sa pagitan namin ni Trio. But I told her already about this. I like Trio but I got no time to include him. Sa unang pagkikita’t pag-uusap namin ay halatang wala siyang interes sa’kin. Para naman akong tanga kung bubuntot pa ako para lang makuha ang atensyon niya. Pagagalitan lang ako ni Lola kung malalaman niya `to. Mula sa strap ng aking bag ay napahimas ako sa aking batok. Saka ako nagsalita nang maisip na ang itutugon. “Huwag mo na lang pansinin kung anong pinakiusap niya. Ako nang bahala.” “But this is your opportunity to get Trio’s attention. Willing akong tumulong. Willing ako.” Patuya akong tumawa. “A-ano?” “You heard me right.” “Wala ka bang magawang iba para pagtuonan ng atensyon? Walang kwenta `to.” “Importante `to sa’kin, sa maniwala ka o sa hindi.” Naguluhan ako roon. “H-huh? Bakit naman—” “Dahil gusto ko ang kaibigan mo, Samira,” pagputol niya sa aking sinasabi na siyang ikinalaglag ng aking panga. “I like your friend and I found your affection as bridge to our paths.” Ilang segundo akong napakurap-kurap doon. Nawala ako bigla sa huwisyo. Gulat na gulat ako. I mean, for someone like Tinio, hindi ko pa man siya nakikilala nang lubusan ay parang hindi ko siya nakikitang handa sa relasyon. Siya iyong parang mas pipiliing gumimik kasama ang mga kaibigan o `di kaya’y mag-travel o manabik sa adventures. Oo, may kaguwapuhan pero alam mo `yon? Hindi siya `yong tipong papasok sa love life. Kung sa bagay, sa ganda ba naman ni Alania. Ilang beses na akong nakakita ng mga lalaking naglalakas-loob para lang makuha ang atensyon niya. May humarana pa nga sa kaniya noong Valentine’s. Sunod ay may mga nag-abot ng bouquet ng bulaklak, chocolates, tula, at sulat. Hindi naman niya ipinapahiya dahil tanggap lang siya nang tanggap. Pero hindi rin niya hahayaang umasa dahil kakausapin niya nang masinsinan upang sabihing hindi siya interesado magpaligaw. Minsan nga naging curious ako kung may natipuhan na ba siyang lalaki. Ngunit wala siyang sinasabi kahit pa isang Trivino ang nasa harap niya. Pabiro ko pa nga siyang hinamon. Ang sinagot lang niya ay 'malabo'. Malabo dahil pipilitin niya makapagtapos ng pag-aaral. “Okay. Gets kita,” pagsira ko sa nakabibinging pagmutawi ng katahimikan. Hinayaan ko munang tumango siya nang dalawang beses bago ko ituloy ang aking sinasabi. “Sa dami ng mga tagahanga ng kaibigan ko, naiintindihan kita.” “Pero nagulat ka.” “Hindi ko inasahan, Tinio. Sa itsura mong `yan? Hindi ko maisip na interesado ka pala sa love life.” Kinapa niya bigla ang kaniyang mukha, partikular na ang kaniyang panga’t magkabilang pisngi. “May problema ba sa itsura ko? Anong dapat kong baguhin?” Mariin akong umiling. “Wala! Wala kang dapat baguhin. Akala ko kasi wala kang interes sa gan’to. Imagine? Pipilitin mo maging cupid sa’min ng kapatid mo para lang mapalapit ka sa kaibigan ko?” “I heard she’s not interested in dating.” “Exactly,” I agreed. “Sa dami ng binasted niya, malinaw na mas pipiliin niya munang makapagtapos kaysa maglaan sa gaya niyong panliligaw ang gusto.” Nagtaas-baba nang mabagal ang balikat niya. “Hindi ko naman siya liligawan. I just want to let her know what kind of a man I am and know each other more along the process.” “Kahit na alam mong walang pag-asa?” “May pag-asa,” giit niya. “Madali lang magbago ang isip ng babae.” “Ibahin mo siya dahil kahit gaano ka kayaman, kahit na ibigay mo pa lahat ng pagmamay-ari mo sa kaniya, hindi ka pa rin niya pipiliin.” “Hindi niya ako pipiliin kung `di ko susubukan. Everything’s still hypothetical.” “Kilalang kilala ko siya.” “So will I.” Nagpasya muna akong manahimik. Hinayaan kong mamutawi upang mahimasmasan kahit kaunti. At sa kalagitnaan nito ay lumingon ako sa malayo kung saan makikita mula rito sina Bryce at Imon. Nakaharap sila rito at para bang may kinakain. Hindi na siguro natiis ni Imon ang gutom. Umismid si Tinio kaya kagyat akong natauhan. “Ano, payag ka?” Nagtaka ako. “Payag saan?” “Sa parte ko… na tulungan kayong mapaglapit ni Trio.” “Anong kapalit?” “Hindi ako humihingi ng kahit na anong kapalit, Sam. Just go with the flow. I’ll do the job, you enjoy the rest.” Kung papayag ako rito, ang mangyayari’y hindi lang sa pag-aaral at sorcery iikot ang mundo ko. Sa halip na makapag-focus sa dalawang iyon, mapipilitan akong maglaan ng panahon para sa planong nais gawin ng lalaking `to. Pero `di naman ito siguro purong pagpilit dahil hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko kay Trio. Oras lang at panahon ang problema ko. Sa kabilang banda, kahit nainis noong una, ilang beses ko man itong igiit sa sarili ko ay na-a-appreciate ko ang effort ni Alania. Kinausap na niya ako kanina tungkol dito. Pinaalam kong desidido na akong hindi ito pagtuonan ngunit itinuloy pa rin. Hanggang saan kaya ito aabot? Maliban sa pagsisinungaling kay Trio tungkol sa interes kong mag-apply bilang katulong, ano pa ang kaya niyang gawin para lang maging ganap ang saya ko? “Pag-iisipan ko,” sagot ko. “Kakausapin ko muna si Alania.” “I understand. But please don’t tell her about my feelings. Just let me work this out as all I need for now is your approval.” “O-okay…” “Anyway, bumili ako ng phone para sa’yo. Siguro sa isang araw ko pa mabibigay dahil galing pa ng States.” Suminghap ako. Kasabay nito ay abot-abot ulit ang pamimilog ng mga mata ko. “Tinio!” “Yeah. Para sa’yo `yon kaya hindi mo puwedeng tanggihan.” “Pero—” “It’s just my way to help you out, okay? Uso na ang phone. Kakailanganin mo rin `yon.” Literal akong walang masabi. Ang dami-daming umiikot sa isip ko ngunit wala ni isa man akong masambit. Iyong feeling na nagkabuhol-buhol ang emosyon ko kung magugulat ba ako, maiinis, o matuwa. Kung sa States pa nanggaling iyon, ibig sabihin ay `di biro ang presyo no’n! Kalaunan, kahit na may protesta sa kaloob-looban ko ay napatango na lang ako. Wala na kasi akong magagawa kahit na anong dahilan pa ang ipamukha ko. Magsasayang lang ako ng boses, ng effort, ng laway. Mas determinado pa siya kaysa sa’kin at iyon ang hindi ko matalo-talo. Pagkabuntonghininga niya ay inanyayahan na niya akong bumalik sa naiwan kong mga kasama. Wala na kaming sinabi pa sa isa’t isa. Naging tahimik lang kami sa aming mga hakbang hanggang sa marating na namin ang puwesto kung saan sila naghihintay. Habang abala sa pagnguya ng fishball si Bryce, si Imon naman ay halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi malaman kung sino ba talaga sa dalawa ang gusto niya. “Sorry, natagalan,” Tinio apologized in his casual voice. Binilisan naman ni Bryce ang pagkain niya saka itinapon sa pinakamalapit na sako ang stick na hawak-hawak. “Ayos lang…” si Imon sa mahina at mahinhing boses. Nang tingnan ko ang naging reaksyon ni Tinio rito, normal naman at hindi natatawa. Ako kasi ang nahihiya. Dios mio. “Sige, mauna na ako. Ingat kayo,” pagpapaalam niya sabay saludo sa dalawa. Bago siya tumalikod ay tumingin pa muna siya sa’kin upang kindatan. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. God. Masyadong in love kay Alania! “Hoy! Ano `yon? Bakit ka niya kinindatan?” bulanghit ni Imon sa’kin nang masigurong nakaalis na si Tinio. Nang suriin ko naman si Bryce, nahuli ko ang malamig niyang paninitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD