Bangungot o masayang panaginip, hindi ko alam kung alin sa dalawa ang masasabi kong halintulad ng nangyari kagabi. It felt so good but devastating at the same time. Posible pala talagang magustuhan mo ang isang bagay kahit may parteng kamumuhian mo ang sarili mo dahil doon. Ni hindi ako nakakain ng umagahan. Wala akong gana dahil patuloy na lumilipad ang isip ko sa mga sandaling ginagantihan ko ng halik si Bryce. Para akong lumulutang sa alapaap. Pakiramdam ko’y nakadampi pa rin ang labi niya sa’kin habang hinahaplos ko ang dulo ng aking bibig. “Aahhh!” sigaw ng nagpapagamot kay Lola sa sala. Tumayo ako sa kinauupuan saka sinilip kung ano ang nangyayari. May halong takot nang makita kong may lumalabas na uod sa tila butas-butas na sugat ng isang binatilyo. Mangiyak-ngiyak ito habang may

