Alam kong hindi ko kailangan magpaliwanag pero bakit iba ang sinasabi ng tingin nila? Bakit parang may nagawa akong masama? Muntik na akong matalisod sa batong nasa daan. Kung `di lang ako huminto at natigilan dahil sa nakita, baka lalo lang ako lumubog sa kahihiyan. Wala akong malay na pupunta rin silang tatlo rito. Sakali mang ako ang sadya nila, puwes, hinding hindi nila ako makakausap. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang walang sinasabi. Iniwasan kong mapagtagpo ang mata sa kanilang tatlo lalo na kay Tonying na nakasagutan ko kanina. Ngayong nakikita na nilang kasama ko si Trio, malamang sa malamang ay nagpipigil na sila ng galit. `Di ba’t may liligawan na raw si Kario? Bakit hindi na lang sila roon mag-focus? Bakit `di na lang sila mag-move on at nang wala ng gulo? Ito ang mahirap ka

