We left him there, leaning alone against his boat. Ni hindi ko na rin sinubukan pang lumingon kagaya noong una kong ginawa kanina. Sa sobrang biglaan kasi ng mga pangyayari, hindi ko malaman kung paano ako makaka-ahon sa mga idinulot niya. We just broke up officially— sa araw kung kailan para ko na ring binuksan ang puso ko sa iba.
Kario Laroque may not be the man I thought I would end up with, but I knew we both deserve better. And it's time for him to accept that no matter how hard he tried just to save this abandoned relationship, it’s over.
Nakasakay na kami ni Al sa tricycle na sakto ang pagkakadaan nang mag-abang kami sa kalsada. She was silent and speechless. Ewan ko kung narinig ba niya kanina sa puwesto niya lahat ng naging usapan namin ni Kario ngunit malinaw naman sa paningin niya kung ano ang maaaring kinahatungan ng lahat. He cried right on my shoulders. Paniguradong nakita niya kung paano umiyak ang ex ko.
“Paano kung hindi tayo papasukin?” basag ko sa katahimikan habang sumasalubong ang mabilis na hangin sa biyahe patungong Trivino. Nilingon ko siya na ngayo’y prente lang ang titig sa harapan. Humagilap pa ako ng salamin dito sa loob ng side car ngunit wala akong namataan. Hindi ko tuloy alam kung maayos pa ba ang mga pinahid niya kanina bago kami umalis ng bahay.
She shrugged, finally.
“Madali namang pakiusapan ang guard, maliban na lang kung mismong mga Trivino na ang nag-utos na huwag magpapasok,” kaswal niyang sagot nang hindi lumilingon sa akin.
“Bakit mahigpit silang magpapasok? I mean, anong kinalaman ng oras do’n?”
“Hindi ako sigurado pero nine kasi `yong working hours nila. I-e-entertain ka lang kung nag-book ka ng appointment.”
Hindi na nakapagtataka kung bakit. Mas magugulat pa ako kung hindi sila busy gayong pahirapan ang kumita. Ngunit na-curious lang din ako bigla kung anong klaseng mga gawain ang ginagawa ni Trio para tumulong sa kabuhayan nila. Paper works kaya o outdoor activities?
Alania then turned at me. Mas malinaw na sa akin ngayon kung paano gumuhit ang ekspresyon niya. Kita ang naghahalong kuryosidad at tila disappointment. Alam ko dahil bihira ko lang siya makitang ganito maliban kanina noong aminin kong naging ganap na ako sorceress.
Pinanatili kong tikom ang aking bibig upang maghintay sa mga sasabihin niya.
“Honestly, naaawa ako.” She sighed. “Kay Kario.”
“Halata…”
“Don’t get me wrong pero… bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kayo nag-usap? Ang dami niyo sanang panahon para i-settle `to pero…”
Umiling ako. “Akala ko rin, Al.”
“Hinintay ka niya.”
“Tapos na.”
“Sorry ah? Naawa lang kasi talaga ako sa tao. But since napag-usapan niyo na, mag-move on na lang kaysa isipin pa.”
I never saw this coming. Akala ko’y kakabahan lang ako dahil kay Trio ngunit wala ni isa man sa inaasahan ko ang makasaksi ng pagmamakaawa ni Kario. Nawala tuloy `tong excitement ko. Idagdag pa `yong mga kapalpakan ko kahapon.
Hindi na ako nagsalita. Sa halip ay lumingon lang ako sa labas at pinakatitigan ang magagandang tubo ng damo sa bawat gilid ng sidewalk. May mumunting usbong ng makukulay na bulaklak. Sinliit lang iyon ng bituin mula sa paningin ko kaya naglalaro sa aking mga mata. Kung sinama ko lang `yong mga kapatid ko sa side ni Mama, siguradong matutuwa silang masdan ito.
“Ano sa tingin mo ang pag-uusapan namin ni Trio mamaya?” I asked.
“Depende,” aniya. “Nakausap ko na siya minsan pero tahimik lang. Hindi siya madaldal. Magsasalita lang `yon kung tatanungin mo.”
“Uh, anong itatanong ko?”
She replied, “`Yon sanang mga `di cliché.”
“Hindi cliché? Anong ibig mong sabihin?”
“Baka kasi itatanong mo pa kung anong hobbies niya, edad niya, pangalan ng magulang niya or whatsoever, just try something new.”
I get what she wants to imply. Mas mainam nga talaga kung `yong mga tanong ko ay `di mapaghahalataan. Masyado naman kasi kung pati nga libangan niya aalamin ko pa. Sapat na siguro `yong kukumustahin ko siya at pag-usapan kung ano man ang nakikita sa paligid namin. Understandable naman since unang beses ko pa lang makapasok doon.
“Ano pa ang alam mo kay Trio?” tanong ko sa kaniya nang lumipas ang ilang segundo. Nagkibit-balikat siya na para bang hindi pa sigurado sa mga sasabihin.
“Tahimik. Misteryoso. Pero walang nakakaalam kung nagka-girlfriend na ba siya o hindi. May pinagtanungan na kasi ako roon and so far, wala silang ni-isang pinaghinalaan.”
“Baka mapili sa babae? Baka mataas ang standard?”
“Hindi natin alam. But since makakausap mo na at makikilala, malay natin, sa’yo siya bumaling, `di ba? Kaya lang… ”
The way she looked at me has something to say with who I am right now— a sorceress. Isang trabaho na pinagkakamalang mangkukulam, aswang, at kung ano-ano pang brutal sa klase ng mundong hindi nakikita ng mga mata.
Kilalang kilala ko na siya. Ibuka pa lang niya ang bibig niya, alam ko na kung ano ang susunod niyang sasbaihin.
I sighed.
“Nanumpa na ako, Al. Wala nang bawian iyon.”
Nagtaas-baba ang mga balikat niya. “Hindi naman sa pinag-ooverthink kita pero paano kung ma-turn-off si Trio dahil lang doon?”
Yumuko ako nang hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin. I leaned closer to the door and turned my gaze again outside. Pabagal na nang pabagal ang sinasakyan namin kaya mistulang senyales na `yon na papalapit na kami sa aming pupuntahan. Hindi lang ako nagtagal ng pagkakatitig sa direksyong pinaglaanan ko ng atensyon dahil kinalabit na ako ng kaibigan ko at itinuro sa parte kung saan makikita ang mataas na mansion ng mga Trivino.
Malayo pa iyon ngunit nakikita ko na. Sa sobrang mangha ay para akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi naman sana mga royal family ang nakatira doon at hindi rin naman masasabing palasyo ngunit sa ganda ng exterior, para akong nasa fantasy world.
Hindi na ako dapat magulat pero nahigitan pa nito ang expectations ko!
Goodness.
“Grabe, kanila `yan?” pabulong kong tanong habang sumisilip. Tumango-tango si Alania.
“Oo, kanila.”
“Ang laki naman.”
“Malamang. Kaya nga mansion.”
“Pero `di mo naman kasi in-exaggerate. Akala ko sakto lang.”
Hindi na siya nagsalita matapos iyon. Natauhan na lang ako nang huminto na ang tricycle sa mismong gate na triple pa sa height ko ang taas.
So ito? Ito na ang daan papasok ng Trivino?
Una akong bumaba dahil ako ang nasa side ng pinto. Sinagot naman na ni Alania ang bayad dahil siya lang naman ang may dalang pera. Biniro pa nga kami ng driver dahil baka hindi raw kami papasukin. Bihira lang daw ang may pribelehiyo upang makatapak sa bawat metro ng lupain sa loob.
Sinabi naman ng kaibigan ko na trabahador ang tatay niya rito kaya malamang sa malamang, kapwa kami papapasukin. Dahil doon, inakala ng driver na namamasukan kami bilang kasambahay. Sa inis nga ni Al ay muntik na niyang sagutin nang pabalang. Halatang walang mapag-trip-an ang Manong dahil nang-aasar.
“Diyos ko, sa suot nating `to? Mukha ba tayong kasambahay?” inis niyang turan nang umalis na ang tricycle. Umirap siya habang ako ay nagsimulang magmuni-muni sa mataas na gate. Kulay dark brown ito na may ukit na kurba at linya bilang design. Sa itsura pa lang ay mahahalata nang gawa sa mamahaling bakal, iyong klase na mahirap sirain sakali mang may nais pumasok nang sapilitan.
May kung anong pinindot si Al sa gilid. Saktong pagpindot nito, bumukas nang bahagya ang gate at lumabas doon ang unipormadong guard.
“Anong sadya mo, miss?” anito sa ma-awtoridad na tono. Saglit kaming nagkatinginan ng kaibigan ko bago siya magsalita.
“Uh. Hindi niyo po ba ako natatandaan? Anak po ako ni Alfred Silvestre. Trabahador po siya sa rancho.”
Tumaas ang kilay nito. “Tapos?”
“Pinapapunta kami ni Tatay.”
“Kasama siya?” sabay turo sa akin.
“Opo.”
“Anong gagawin niyo?”
“Saka ko pa lang po malalaman kung naroon na kami. May kailangan pa po ba kaming ipakita?”
Mahigpit ang seguridad, senyales na baka may history na ng problema sa ganitong aspekto ang mga Trivino. Well, hindi ko masisisi dahil prone naman ang estado nila sa mga gahamang tao.
Umiling ang guard. Lumawak ang pagbukas niya gate at kapwa kami pinapasok. Kung kanina ay namamangha na ako kahit sa malayo ko pa lang nakikita ang mansion, ngayon ay para akong batang ngayon lang nakatapak sa ganito klaseng kagandang lupain. Sino ba naman kasing hindi mapapasinghap sa sitwasyon ko kung para akong dinala sa paraiso?
The path is long and straight but along the sides, beautiful columns of shrubs can be seen. Napupunan ng berde ang kapaligiran na siyang nagko-compliment sa aliwalas ng panahon. Idagdag pa ang mga sculptures na makikinita sa tabi ng halamanan kung saan may pigurin ng fairies at mythical creatures.
Maganda rin ang disenyo ng nilalakaran namin. Isang uri ng cobblestone na naglilikha ng ingay sa bawat yapak ng mga paa namin ni Alania. Malawak ang lapad nito na sinadya para sa mga sasakyan. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang bawat usbong ng mga bulaklak sa halamanan, ang taas ng mga puno ng niyog sa `di kalayuan, at mga lalaking trabahador sa rancho na napapalingon sa amin.
Ilang lakad pa ang tatahakin kung sa mansion kami tutungo. Ngunit base sa plano namin ni Alania, mukhang sa rancho ang una naming sadya para hagilapin ang kaniyang Tatay.
Kulay puti, beige, at abo ang exterior ng mansion. Pinalalamutian ito ng mga disenyong tanging mga mayayaman lang ang may kayang magpagawa. Palagay ko ay industrial na may pagka-ancient. Hindi ko masiguro kung ilang palapag iyon dahil sa dami ng bintana at sa tayog ng tuktok na aakyatin sakali mang may maglakas-loob na magmasid sa kabuuan ng Isla Capgahan.
Lumiko kami sa pathway na diretso sa rancho, dahilan kung bakit mas napalapit kami sa mga trabahador na halos lahat ay may suot na sumbrero. Naka-boots sila, naka-tuck in ang shirt sa pants habang kaniya-kaniya ng hawak. May ilang nagbabaklas ng lubid. May mga nagbubuhat din ng sako at may ilang hila-hila ang tali ng kabayo.
“Anong trabaho ng tatay mo rito?” I asked as we walked further. Sa sobrang abala ng mga narito, iilan lang iyong nakapapansin sa amin. Gayunpaman, hanga ako sa sakop ng rancho dahil hektarya ang lawak nito. Kahit yata mga damong nabubuhay dito ay inaalagaan pa.
Pero isang parte ang umagaw sa atensyon ko nang ilayo ko pa ang tingin sa kadulu-duluhan. Sa parte kasing iyon ay may makikitang kumpol ng mga matataas na puno. Parang gubat.
“Kalusugan ng mga hayop ang priority niya dito. Taga-anak ng kabayo at taga-gamot ng injured `pag pumalya sa racing,” sagot niya.
“Oh? Pero hindi naman siya vet, `di ba?”
“Matagal-tagal na kasi siyang crew kaya pinagkakatiwalaan na. Kahit papaano, may mga professional namang umaantabay lalo na kapag wala na sa sakop ng alam niya ang solusyon sa problema.”
“So kung matagal na siya rito, eh `di nasubaybayan niya rin kung paano lumaki si Trio?”
Nagkibit-balikat siya. “Iyon nga rin ang naisip ko pero hindi naman daw palalabas ng mansion kaya wala ring alam si Tatay. Miminsan lang niya nakikita `pag may lakad o nire-require na tumingin-tingin sa lupain nila.”
Misteryoso. Napakamisteryoso niya. Huwag sana ako dumating sa puntong gagamitan ko pa ng sorcery para lang mas makilala siya.
Ngunit `di pa naman ako hasa pagdating sa ganoong bagay. Malamang sa malamang, kay Lola ako lalapit kung gusto ko talagang malaman.
“Alania?”
Sabay kaming napalingon sa gilid. Tatay niya iyon kaya agad kaming lumapit upang magmano.
“Magandang umaga po, tay.”
“Magandang umaga rin po,” habol ko.
Hinubad niya ang kaniyang sumbrero. Kagaya ng ilang trabahador na nagpapahinga sa ilalim ng puno, naka boots din siya at may bahid na iyon ng putik.
“Akala ko hindi na kayo matutuloy. Buti pinapasok pa kayo ng guard kahit lagpas alas nuwebe na?” Nakatingin siya sa akin kaya nag-aalangan ako kung ako ba ang sasagot. Mahinahon naman ang paraan ng pagkakasabi niya ngunit dahil sa bahagyang katandaan, tila may bahid na ng panginginig ang boses.
Si Al na mismo ang sumagot kaya mula sa akin, inilipat niya ang tingin.
“Napakiusapan naman po namin dahil dati na akong bisita rito.”
He nodded. “Mahigpit kasi `yon kaya nag-alangan ako kung papatuluyin kayo. Siya nga pala. Samira, kumusta ka? Kumusta ang lola mo?”
Ngumiwi ako nang nahihiya. Isang devoted christian ang angkan nila kaya sakaling mabalitaan nila na pati ako ay sumabak sa gawain ng lola ko, baka hindi rin magtagal ang bait ng kanilang trato sa’kin. Masama kasi sa paniniwala nila ang sorcery.
Pinagsalikop ko ang mga daliri ko habang nag-iisip ng sasabihin. Mukha namang nabasa ni Alania ang naiisip ko kaya siya na mismo ang sumagot para sa’kin. Saka ako nakahinga nang maluwag nang ibinaling niya tungkol kay Trio ang usapan.