
SARAH POV
Nakasarado ang kabaong ni papa sa loob ng tatlong araw at ngayon ay nakatakda na siyang ihimlay sa huling hantungan — at least ito ang alam ng karamihan sa mga nakilamay sa amin. Mula ulo hanggang paa nga ay naka itim kami para maging makatotohanan ang lahat ng ito.
Ngunit linggid sa kaalaman ng iba, ang lahat ng mga ito ay isang malaking pagpapanggap upang makuha namin ang pera mula sa kanyang life insurance. Ito ang napag desisyunan naming tatlo nila mama. Walang ibang nakaka alam nito kung di kami kami lang.
Maging ang bunsong kapatid kong si Ralph na tutuntong na ng college next month ay pinaglihiman namin dahil baka mag daldal ito sa mga kaibigan niya. Dalawang taon lamang ang agwat namin at isang taon pa lamang ako nagta-trabaho bilang isang Call Center agent na gising sa gabi at tulog sa umaga.
Ayaw ko nga sanang pumayag noong una dahil nako konsensya ako sa ginagawa ko. Subalit wala na kaming ibang nakikitang paraan upang matustusan ang pag aaral ng bunso kong kapatid na plano maging isang Seaman. At tsaka, ang tagal na ni papa na nag huhulog sa insurance ito, 10 years! Sising sisi pa nga siya na sana raw ay inipon niya ang pera kaysa sa ilagay sa insurance.
Noon kasi, walang ibang option kung di ang life insurance unlike ngayon na marami nang pagpipilian. Kaya bahala na, magtatago muna siya ng lagpas apat na taon upang mapanatili ang aming sikreto, titiisin na malayo sa amin alang alang sa pag aaral ng aking kapatid.
Pumatak ang mga pekeng luha sa mga mata namin ni mama. Pinaghandaan ko ang huling araw na ito kahit na ang dami ko na ring luhang naubos nitong nagdaang mga araw.
Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ni Brent sa aking likuran. Boyfriend ko siya sa higit na tatlong taon at kasa kasama ko sa lahat ng pagsubok ng buhay ko. Ngunit maging siya ay walang kaalam alam sa nangyayari.
Sasabihin ko naman ang tungkol dito sa kanya pero pagkatapos na sana ng libing at nakuha na namin ang pera. He does not need to talk to me para pagaanin ang loob ko. Sapat na ang aming mga matang nangungusap at ang haplos niyang banayad sa likod ko upang ipaabot ang kanyang pakiki dalamhati.
Unti unting umalis ang mga tao rito hanggang sa tatlo na lang kaming natira nila mama. Sa wakas, tapos na rin ang aming pagpapanggap. Lumapit siya sa akin at nag salita.
"Sarah, pupunta na ako sa insurance company para ipasa na ang mga documents ng papa mo."
Dapat nga ay magpahinga kami ni mama. Marami pang araw na pwede niya itong gawin pero batid kong hindi siya magpapa pigil.
"Sige ma, ingat po kayo ni Ralph."
Ako ang sumagot sa kanya ngunit si Brent ang kanyang tiningnan.
"Please, samahan mo muna ang anak ko sa bahay hanggang sa dumating kami. Makulimlim ang panahon at baka tumutulo ang bubong sa bahay namin. Pagpasensyahan mo na, wala kasi kaming ibang maasahan."

