CHAPTER 2

1013 Words
SARAH POV Sumasayaw ang mga labi, umaayon ako sa bawat galaw ng lips niya. Ang hayok, sa dami ng beses naming nag halikan, ito na yata ang pinaka matindi sa lahat. I shut my eyes upang mas lalo ko pang madama ang init ng aming matinding laplapan. Niyakap niya ako at tumayo kaming parehas. Grabe, ayaw niyang pakawalan ang labi kong pudpod na sa kakahalik niya. Ang lalim na ng relasyon naming dalawa at ang tanging hininintay ko na lamang ay lumuhod siya sa harapan ko at mag propose. Nasa tamang edad na rin kami at kung sakali na makuha namin ang pera sa insurance ni papa, malaking tulong na rin ito upang makapag simula kami. After all, si Brent na ang una at huling lalaki na nais kong maging boyfriend. Ayaw ko na siyang pakawalan pa katulad ng higpit ng yakap at halik niya sa mga sandaling ito. Ngunit nang subukan niyang igapang ang kamay niya sa boobs ko at dakmain ito, dito ko na siya itinulak. Tumayo ako sa harapan niya. Lumagok siya na halatang nabitin sa nangyari. Kahit na gaano ko pa siya kamahal, hindi pa ako handa na ibigay ang s*x na inaasam asam niya. Naniniwala pa rin ako sa power ng marriage. "Bakit? Wala namang ibang tao sa bahay niyo kaya walang magagalit." "Sige na Brent, pwede ka nang umalis. Hayaan mo muna akong mapag isa rito. Bukas na lamang tayo ulit magkita," sambit ko. Pumunta na ako sa kusina namin na tambak ang mga hugasin. Ang dami kasing mga tao rito kanina at nitong mga nagdaang mga araw. Salitan kaming tatlo ni mama at nang kapatid ko na nag huhugas at sa iba pang mga gawin. Pagbukas ko sa gripo ay narinig kong nag sarado ang pintuan. Napabuntong hininga ako ng malalim. Nakadama ako ng kalungkutan, napagtanto ko na hindi ko pala gustong paalisin si Brent. Ang tanging nais ko ay tumigil siya sa pagiging hayok. Mag syota pa lamang kami kaya halik at yakap lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Kamusta na rin kaya sila mama? Sana ay makuha na nila ngayong araw ang insurance ni papa. Ang tagal na namin itong hinihintay. Sabik na kami sa limpak limpak na salaping makukuha namin. Pero isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko sa likuran at halik sa aking ulo. Ang akala ko ay umalis na siya, hindi ko man lang naramdaman ang mga yapak ng paa ni Brent papalapit. Oh baka kaya masyadong malalim ang iniisip ko. "Magi-stay ako dito hangga't wala kang ibang kasama." Mas humigpit pa nga ang yakap niya at ang mga kamay niya, dumapo sa tiyan ko. Mamaya ay alam kong igagapang niya ito papunta sa dede ko. "Weh di nga!? Wag ako babe, alam natin parehas na may iba kang pakay. Baka nga nang sabihan ka ni mama na samahan ako ay iba na ang pumasok sa isipan ko." "Bakit? Ang importante rito ay mahal natin ang isa't isa. Ibigay mo na yan sa akin, ang tagal ko nang hinihintay. Daks naman ako babe at tsaka magaling mag romansa. Gagalingan ko ang first time mo pramis!" Pinaliguan niya ng halik ang leeg ko pero sa halip na matuwa ako ay naiinis pa. "Ano ba Brent? Tigil tigilan mo nga ako, nakikita mong nagluluksa pa ako pero ikaw, iyan, bantay salakay pa!" Tumigil na siya sa pag yakap sa akin at nang lumingon ako ay bigla siyang napaupo ulit sa luma naming sofa. "Iyan na nga ang pinagtataka ng mga tao babe. Ilang araw na nilang naging usapan kung bakit ayaw niyong buksan ang kabaong niya nitong mga nagdaang araw. Maging kanina, kaya hindi tuloy maiwasan na magkaroon sila ng pagdududa sa nangyari." Tumalikod ako sa kanya bago sagutin ang tanong nito. I just can't give him a straight face pag sinagot ko ito unlike nitong mga nagdaang mga araw. "Hayaan mo sila, ilang beses na rin namin ipinaliwanag na grabe ang sinapit ng kanyang hitsura bago ito pumawag. Paano kung makita nila ito? Malamang ay matakot sila at iwasan nang bumalik." Binilisan ko ang paghuhugas ko. Nababalisa ako, pinipilit kong lunukin ang konsensya ko na umuusig sa akin na sabihin na ang totoo. Basta, malalaman niya ito sa takdang panahon. "Paano kung ipa-cremate siya-" "Tapos na ang lamay at nailibing na si papa. Sana ay mag move on na tayo sa nangyari. Sabi ko nga sayo, umuwi ka na sa inyo." "Sa inyo? Hahaha! Wala na pala akong uuwian na pamilya, ang tiyo kong kumupkop sa akin ay umalis na. Hindi nga nag bayad ng renta bago siya lumisan. Kaya heto, ako ang sasalo ng 3500 na iniwan niya. Ikaw at ang pamilya mo na lamang ang meron ako." Napatigil akong muli sa paghugas. Damang dama ko ang sakit sa sinapit ng boyfriend ko and it makes me even more eager na makuha ang milyon milyon na pera sa insurance ni papa. "Pasensya ka na babe, wala rin kasi akong pang abono kaya hindi kita matutulungan. Pero susubukan kong manghiram ng pera sa mga katrabaho ko." "Ano ka ba Sarah? Hindi ako nanghihingi ng kahit katiting na pera mula sayo. Wag mo na akong alalahanin pa sapagkat kaya kong diskartehan ang problema ko." Lumapit siya ulit at tinulungan niya akong mag hugas. Nahiya rin ako sa kanya, ayaw ko siyang maabala pa. "Ako na ang bahala rito. Di ba napasada ka pa ng gabi? Sayang ang kikitain mo, pwede kang bumalik rito mamaya kapag 7 pm para kumain." "No, tutulungan na kitang mag hugas ng pinggan. Kung pagod ako ay tiyak ko na mas pagod ka." Nag tinginan kami at nag ngitian. Pero sa isang iglap lamang ay nag kiss kami ulit. Ang sarap din kasi, pakipot nga akong babae subalit nakaka adik humalik si Brent. Pumikit ako habang ninanamnam ang nagtutuos ang aming mga labi. Nag banlaw ako ng kamay para makabwelo ako dahil mas dumidiin pa ang halik niya. Hinila niya pa ako papalapit sa kanya hanggang sa muli niyang dinakma ang kaliwang boobs ko. Muli akong napadilat at bago ko pa siya itulak ay nag bukas ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD