SARAH POV
Tumayo ang mga balahibo ko at sumikip ang dibdib ko. Akala ko ay dumating na si mama ngunit si Aling Marta pala ang makaka saksi sa nangyari. Nahuli niya ba ang boyfriend ko na hawak hawak ang maselan na bahagi ng latawan ko.
Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang isang buwan. At mas lalo pa siyang pumanget sa suot niyang bestida, kasing panget ng ugali niya. Mabilis na lumapit si Brent sa kanya.
"Aling Marta, ano pong ginagawa niyo rito? Tapos na ang libing ni tito Edwin."
"Wala akong pakialam sa Edwin na iyan. Ang pakialam ko ay ang bayad niyo ng tito mo sa renta. Di ba ilang beses ko nang sinabi sa inyo na ayaw kong ma delay ang bayad niyo!?"
Kahit kaylan, grabe talaga mamahiya ang matandang ito. Ang dami ko nang nababalitaan na lumalayas na nagrerenta sa kanya.
At how dare she na bastusin ang papa ko dito pa mismo sa bahay namin? Mabuti na lang at hindi kami nangungupahan sa kanya dahil masyado siyang matapobre.
Lumapit na rin ako sa boyfriend ko na pangiti ngiti habang nakakamot sa ulo niya. Halatang hindi nito alam ang kanyang isasagot sa matandang ito.
"Wag mo akong ngitian Brent. Ang tanong ko ang sagutin mo, kaylan ka magbabayad ng renta at ako ay may mga bayarin din!?"
Niyakap ko na si Brent na walang imik. Kalalaki niyang tao pero natatakot siya sa matandang ito.
"Aling Marta, wag po kayong mag alala kasi pangako ko sa inyo na mag babayad kami ng renta. Ako mismo ang mag aabot sa inyo ng bayad."
"Babe?" Sambit ni Brent.
Mas lalo ko pa siyang niyakap. Sure na namang makukuha namin ang limpak limpak na pera sa insurance ni papa. May malasakit ako sa boyfriend ko. Hindi na siya ibang tao sa amin.
Nabaling tuloy ang tingin ng matandang ito sa akin. Pero tiningnan ko siya ng diretso upang ipakita na wala akong nararamdaman na katiting na takot sa kanya.
"Sigurado ka Sarah!? Baka naman dinadaan mo lang ako sa mabulaklak mong mga salita? Sa lahat ng ayaw ko ay iyong pinapaasa ako!"
"May isang salita po ako kaya makaka asa kayo na makakapunta ako sa bahay niyo ng maaga. Ako mismo ang mag aabot ng bayad ni Brent. Para lang din sa kaalaman niyo ay nilayasan siya ng tito niya at wala itong iniwan na pambayad."
"Eh ano ngayon!? Parehas silang nakatira doon kaya responsibilidad nilang mag bayad. Pero kung ikaw ang sasagot ng renta nitong traysikel driver mong boyfriend, aasahan ko iyan. Pag hindi ka sumunod sa usapan, ipapa baranggay ko siya!"
Nakakatakot man ang kanyang pagbabanta subalit kampante ako na mababayaran ko rin ang renta ng boyfriend ko. Isaksak pa niya ito sa baga niya.
"Wala pong problema, tinuruan ako ng mga magulang ko na wag magsinungaling."
Inirapan niya lamang ako bago ito tuluyang umalis sa harapan ko. Pag alis nga niya ay sinarado ko kaagad ang pintuan at napatingin dito kay Brent na natatawa pa rin.
"Oh bakit patawa tawa ka lang? Nasaan ba ang tapang mo? Di ba dapat nga ay sinasagot sagot mo siya?"
"Hayaan mo na ang tao. Ganyan talaga ang tumatandang single. Basta babe, hayaan mo na akong gumawa ng paraan sa pagbabayad ng renta."
"No! Hindi ka nagdadamot sa akin kaya makaka asa kang tutulungan kita. Malaki laki ang pera na makukuha namin sa insurance ni papa."
Lumapit siyang muli at hinalikan niya ako sa labi ko. Pinipilit ko siyang itulak papalayo kasi kakausapin ko pa sana ito ngunit ayaw na niyang magpapigil pa.
Hinila niya ako ng malakas hangang sa mahiga ako sa aming sofa. Dito niya ako muling hinalikan sa labi ko. He holds my handy tightly at hindi na ako pinapakawalan pa.
Hayok na hayok siya at ang bilis talaga humalik. Bumaba ito sa leeg ko at napatirik ang mga mata ko ng makaramdam ako ng kakaibang kiliti.
Nilapad niya ang dila niya sa leeg ko. Labis ang panghihina ko sa sarap na tila ba ay inaagawan niya ako ng lakas. Ipinalupot ko ang mga paa ko sa kanya. Mas idinikit niya pa tuloy katawan niya at naramdaman ko ang matigas niyang p*********i na dumkit sa akin.
Tinigil niya saglit ang paghalik niya at hinubad ang damit nito, lumantad ang maganda niyang katawan lalo na ang mga abs nito dulot na rin ng madalas niyang pag gym tuwing weekend. At gustong gusto ko ang balbon mula sa kanyang dibdib papunta sa puson nito.
Sino ang mag aakala na isa siyang mahirap na lalaki gayong pang mayaman ang kutis niya. Pero bagamat attractive at sobrang nahuhumaling ako sa kanya ay ayaw ko pa rin na gawin namin ito.
Singsing ang gusto kong ipasok niya sa daliri ko at hindi tit* niya sa p********e ko. Akmang hahalikan niya na sana ako subalit pinilit kong tumayo.
"Brent ano ba? Di ba dapat mauna muna ang proposal bago ito?" Sambit ng bibig ko.
"Ganun din iyon. Tara na, habang wala pa ang mama at kapatid mo rito."
Lalapit pa sana siya subalit umatras ako. Okay lang sana kung halikan lamang ang gagawin namin pero kaylangan bang mauwi pa sa pagtatalik?
Humakbang siya papalapit ngunit biglang nag bukas ang pintuan. Nagulat kami ni Brent at ang buong akala ko ay bumalik si Aling Marta ngunit ang lumantad sa harapan namin ay si mama Linda at Ralph na parehas pinag sakluban ng langit at lupa ang mga mukha.
Kinakabahan ako. Bukod sa nadatnan nilang nakahubad si Brent ay tila may masama silang ibabalita.
"Hello tita," pagbati ni Brent.
Tipid at pilit na ngiti ang binigay ni mama sa kanya na diretso ang tingin sa akin. Ayaw niyang mag salita kaya inunahan ko na siya.
"Ma, anong nangyayari? Kamusta po ang lakad niyo!?"
"Palpak kami ate, ikaw ang gustong makita ni Mr. Ronald dahil ikaw ang nag asikaso ng insurance ni papa."
Napataas ang kilay ko kay Ralph. Wala akong kilalang Ronald na pangalan.
"Teka sandali, sinong Ronald ang sinasabi mo, Ralph?"
"Ang mismong may ari ng insurance company. Ikaw ang nais niyang makausap bukas para maibigay na ang insurance ng papa mo," sagot ni mama.