CHAPTER 4

1024 Words
SARAH POV Gabi na ngayon at nandito ako mag isa sa kwarto ko. Nakatunganga sa bintana habang iniisip kung ano ang mangyayari bukas. Tumitindig pa nga ang mga balahibo ko sa mga sandaling ito. Ang ganda rin kasi ng naging usapan namin ng staff na si Miss Jen. Sabi niya pa nga ay kaylangan lang daw na makumpleto ang requirements para makuha ang pera ngunit bakit ganoon? Ano ang trip nila at pinapahirapan nila kami ng ganito? It's just so unfair, mahirap na nga ang pamilya ko ngunit masyado pa nilang pinapahirapan. Sa bagay, malaking pera kasi ang ibabayad nila kaya need kong makipag kita sa boss nilang Ronald Buenavista. Kanina ko pa nga hinahanap ang social media account ng taong ito but I cannot find him. Bahala na bukas. Absent ako ulit sa work ko para makapunta doon sa office nila para matapos na ito. Sinarado ko na ang bintana at matutulog na sana ako ngunit biglang nag bukas ang pintuan. Nainis ako, si mama talaga, kahit kaylan ay hindi siya marunong kumatok sa pintuan. "Bakit ma? Gabi na, bukas na po tayo mag usap." Sinarado niya ang pintuan at lumapit sa akin. Bigla niya akong kinurot sa kamay ko. "Aray ko, ano ba iyon?" "Ano ka ba!? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin? Tawagan mo na ang papa mo, sabihin mo ang nangyari ngayong araw." Oo nga pala, ito ang usapan namin na nakalimutan ko na dahil sa kakaisip sa mga nangyari kanina. Naglakad ako papunta sa kama at kinuha ko ang cellphone ko. Sakto at pwede ko na rin itanong kay papa kung sino ba itong Ronald Buenavista para may idea ako. Bago umalis si papa ay binigay ko muna ang lumang cellphone ni Ralph sa kanya na touch screen. Bigla kasing nasira ang phone niya. Dinelete din namin ang f*******: account niya at gumawa siya ng panibago. Of course we have to do this upang mapagtakpan ang malaking kasalanan na aming nagawa. Nakipag video call ako kaagad sa kanya na sinagot nito kaagad. "Kamusta kayo diyan? Ano ang balita sa inyo?" Tanong niya. Kinuha ni mama ang cellphone sa kamay ko at siya na ang nakipag usap kay papa. "Heto, pumalpak kami sa lakad namin. Ang gusto makita noong si Ronald Buenavista ay itong anak mo. Siya raw ang dapat mag claim sabi ng staff na nakausap namin. Sino ba siya?" Buti at tinanong na ni mama ang dapat na tanong ko kay papa. "Ahhh... siya ang may ari ng insurance company. Pero kung magkaganoon man ay pumunta ka na sa office niya, Sarah. Mukhang mabait naman ang tao na iyon ng minsan ko siyang makita sa office." "Nakita mo na siya?" tanong ko, "mukha ba siyang masungit? Siya ba ang nakausap mo dati?" "Maghunos dili ka nga, Sarah!" sambit ni mama. May be ay sadyang naiinip lang din kasi ako at kating kati na ang kamay ko sa perang makukuha namin . "Mabait si Mr. Ronald, manager pa siya dati diyan sa insurance company. Siya ang totoong kausap ko rito. Wag kang mag alala anak, isang mabait na lalaki si Mr. Ronald at natitiyak kong magiging maganda ang usapan niyong dalawa. Basta, galingan mo lamang umarte upang isipin niya na totoo ang nangyari sa akin at ibigay na ang pera sayo. Basta, wag niyo ako kalimutang padalhan sa pera kapag nakuha niyo na ito. Malinaw ang kasunduan natin, isinakripisyo ko na ang sarili ko kaya kung ayaw niyong mabuking tayo ay sumunod kayo sa ating usapan." I was taken aback. Hindi ko ine-expect na makakarinig ako ng ganito kay papa. Tila ba ay masyado na siyang naiinip. Pare parehas naming kaylangan ng pera. If there is only other way upang maging instant mayaman ay ginawa ko na subalit sa mga dukhang katulad namin, hindi maiiwasan na dumaan sa butas ng karayom at kumapit sa patalim. "Wag mo naman kaming pag salitaan ng anak mo ng ganyan," sambit ni mama. "Maayos ang pag uusap natin dito at natitiyak ko na wala tayong lamangan sa hatian. Oh siya, bukas na tayo mag usap at maaga pa itong si Sarah sa lakad niya." Si mama na mismo ang nag end ng call at kita ko sa mukha nito ang pagkainis. Ayaw ko nang magsalita pa. Sa halip ay kinuha ko lamang ang cellphone ko ng walang sinasabing kahit na ano. "Absent ka muna sa trabaho mo ulit at bukas ay puntahan mo na si Mr. Ronald. Naiinis ako sa papa mo, ngayon lang niya nabanggit ang tungkol sa kanya. Kung sinabi niya ito noon pa ay nakuha na sana natin ang pera." Naaaligaga ang boses ni mama na may pagka atat. Kung nandito si papa, malamang ay nag away na sila. "Kalma, aabsent talaga ako bukas dahil valid ang reason ko. Basta, pinapangako ko sa inyo na makukuha natin ang pera at ako mismo ang gagawa ng paraan." I gave her a wide smile, reassuring na magagawan ko ng paraan ang aming problema. We are almost there, gagalingan ko talagang mag acting sa harapan ni Mr. Ronald upang maawa ito at ibigay na ang inaasam asam naming pera. Naglakad na si mama papunta sa pintuan subalit bago niya ito buksan ay muli siyang humarap sa akin. "Siya nga pala, bakit nadatnan kong nakahubad si Brent kanina dito sa bahay? Ano ang ginawa niyong dalawa!?" Taas kilay niyang tanong. Gamunggo kaagad ang pawis ko rito. Napalagok ako ng dalawang beses. Hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko and it took a while bago ako muling nakapag salita. "Nabasa siya sa motor kaya pinaghubad ko muna at baka mag kasakit. Sige na ma, wag ka nang mag tanong pa at matutulog na ako. Bukas, ako na mismo ang magluluto ng breakfast natin." Tumalikod na siya na tila ay walang naging reaction sa sinabi ko. Pero sure akong aasahan niya ito. Tinabi ko ang cellphone ko sa unan pagkatapos kong mag set ng alarm ng 6 am ng umaga. Nakaka panibago nga dahil madalas ay umuuwi ako ng bahay sa ganyang oras. Sana lang talaga ay isang mabait na tao itong si Mr. Ronald sapagkat may kakaiba akong pakiramdam sa taong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD