SARAH POV
Nagising ako ng maaga para ngayong araw at hindi nawala sa isipan ko ang pangalan ni Mr. Ronald kaya kahit na 5 am pa lamang ng umaga at naaantok pa ako ay kaylangan kong bumangon bago pa ako muling masigawan ng aking inay na madalas akong talakan kapag napapasarap ang aking tulog. Sasabihin niya pang hindi kami mayaman kaya bawal ang mga batugan.
Kaysa sa marinig ko pa ang kanyang boses, mas magiging mainam na tumayo na ako rito. After all, dapat ay salubungin ko ang araw na ito na may naglalarong ngiti sa aking mga labi sapagkat mayroong paparating na malaking blessing na magpapabago sa aming buhay and I am excited na makatikim ng limpak limpak na mga salapi.
Pagbangon ko ay nag toothbrush muna ako at nag ayos ng buhok bago lumabas. Paglabas ko sa pintuan ay dumaan ng mabilis sa ilong ko ang amoy ng adobong manok ni mama. Natatakam ako rito kaya bumaba na ako upang kumain. Sakto at biglang kumalam ang aking sikmuran. Sana lang ay masarap ang pagkakatimpla niya at wag sanang maraming toyo katulad noong nakaraan.
Pag upo ko sa lamesa ay nakita ko na may sinangag na kanin pa. Ganito naman kami sa bahay, if may hindi naubos na kanin noong nagdaang araw, ito ang ire recycle namin para may pantawid kami sa gutom. And I do hope na sana ito na rin ang huling beses na gagawin namin ito dahil nakakapagod nang maging mahirap.
"Ma, kaylan maluluto yung adobo?" tanong ko habang siya ay nakatalikod, halata rin na hindi niya napansin ang pagdating ko dito sa aming sala.
"Maya maya konti, siya nga pala, si Brent ay natulog sa mahabang kahoy na upuan natin sa labas. Pinapapasok ko siya dito sa loob ng bahay namin subalit ayaw niya."
Nag alala na ako kaagad sa boyfriend ko kaya lumabas ako. At tama nga ang sinabi ni mama, nandito na siya sa labas ng bahay namin at natutulog pa. Ginagawa niyang unan ang kanyang bag.
Naawa ako kay Brent. Hindi niya dapat maranasan ang ganitong klase ng bagay. Mahirap nga siya subalit bakit niya pang palayasin sa kanila?
"Brent... anong ginagawa mo rito?"
Hindi siya nagising sa pagsasalita ko kaya tinapik ko ng ilang beses ang balikat niya hanggang sa unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata.
"Sarah!?"
Kaagad siyang napaupo sa kahoy na upuan namin at nag unat. Mukha yatang napasarap pa ng tulog kahit na sa ganito lamang niya inihiga ang kanyang katawan.
"Ano ba Brent? Bakit sa labas ka natulog? Anong nangyari kagabi sayo?"
Nginitian niya pa ako pero malakas ang kutob ko na pinalayas siya ng matandang iyon na saksakan ng sama ng pag uugali.
"Nandito ako dahil ihahatid pa kita hanggang sa kanto ng purok natin. Di ba aalis ka ng maaga? Kaylangan nating makarating doon sa pupuntahan mo, kung pwede nga lang ay ihahatid na kita hanggang doon sa building para hindi ka na mapagod."
"Ano!? Wag na Brent, mamasada ka na lamang para may kitain ka pa. Sayang ang pang gas kung ihahatid mo pa ako. Pero teka nga, bakit ba dito ka sa labas natulog? Magtapat ka nga sa akin, pinalayas ka na ba ng matandang iyon?"
"Hindi babe... walang layasan na naganap at binigyan niya pa ako ng palugid na hanggang hapon upang makapag bayad ng renta."
Narinig ko pang kumalam ang kanyang tiyan kaya pumasok na kami sa loob upang kumain. At habang nakain kami, itong si mama ay panay ang pagpapa alala na kaylangan namin makuha ang pera kay Mr. Ronald dahil naaatat na siya. Ang boyfriend ko nga, tahimik na lamang dito sa tabi ko at nahihiya pang kumain. Madalas ay nakaka dalawang rice pa siya subalit kaunti ang kanin na nakalagay sa hapagkainan.
Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako. Yung sabon nga na pinagsasaluhan naming tatlo nila mama at Ralph. Parang hindi nga yata ito sapat upang maka dalawang banlaw ako subalit nagtiis na rin. Iniisip ko, ito na ang huling araw na kami ay maghihirap.
Paglabas ko ay nakita ko si Brent sa labas na nakatayo, may towel na nakasampay sa kaliwa niyang balikat. Ngumiti nga siya ng makita ako nito.
"Fresh na fresh heheh!"
Kumunot ang noo ko, "Teka Brent? Maliligo ka?"
"Aba syempre naman... mamamasada rin ako mamaya pagkatapos kitang ihatid. Sayang din kasi ang araw, para may pang gastos din sana ako."
Lalapit na sana siya subalit naalala kong naubos ko nag sabon.
"Teka..."
"Bakit?"
"Wala na kasing sabon..."
"Okay lang yan..."
Lumapit siya at nagulat ako ng bigla niyang isinunggab ang kanyang mukha sa leeg ko at siningot ako.
"Uhhhmmm ang bango bango na ng gf ko..."
Nainis ako sa kanya sapagkat napaka wrong timing ng ginagawa niya. Alam niyang nasa bahay kami at nandito ang pamilya ko. Natawa pa siya ng itulak ko siya.
"Ano ba!? Alam kong malibog ka pero sana ay ilugar mo naman ang iyong kapusukan. Nandito tayo sa bahay namin, paano kung mahuli tayo nila mama?"
"Ang mama mo? Umalis nga pala siya at may pupuntahan daw. Si Ralph, natutulog siya ng mahimbing sa kwarto niyo ng silipin ko. Ano tara na, sabay tayong maligo ulit."
"Ewan ko sayo!! Porket umalis si mama, bantay salakay ka na? Bibigyan kita ng five minutes, kaylangan tapos ka nang maligo para maka alis na tayo."
Binangga ko pa siya at paglagpas ko ay bigla siyang nagparinig.
"Suplada talaga... pakipot pero gusto rin naman..."
Lumingon ako sa kanya ng may matalim na tingin at kaagad siyang pumasok sa loob ng aming banyo. Kilala na niya ako, he knows na galit na ako kapag ganito na ang tingin ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto at nagsuot ng magandang damit. Magandang lugar ang pupuntahan ko kaya need kong maging disente once na kaharap ko na si Mr. Ronald na hanggang sa ngayon ay nananatiling misteryoso sa akin.
Nagpapatuyo ako ng buhok sa harapan ng electric fan ng biglang magbukas ang pintuan. Nang lumingon ako, nagulat ako ng makita ko si Brent na nakatapis lamang ng twalya sa ibabang bahagi ng katawan nito. At bago pa mahulog ang panga ko ay nauna munang nahulog ang twalyang nakapalupot sa bewang niya.