SARAH POV
Kinakabahan na ako sa lalaking ito. While I admit na gwapo siyang lalaki na may matipunong pangangatawan, something is off about him. Kakaiba ang dating ng kanyang aura at bukod rito, natatakot din talaga ako sa mga lalaking may tattoo sa kanilang katawan. Nakaka ilang pa ang mga galawan niyang pang manyak.
Sa buong buhay ko, wala pang ibang nakaka hawak ng kamay at pisngi ko maliban sa boyfriend ko. Pasalamat siya ay wala iyon dito, dahil baka nakatikim na siya ng sapak. Kilala ko rin si Brent, kung selosa akong babae ay mas seloso siya.
Pero iniisip ko rin na isang araw lang ito. Magtitiis para makuha ko na ang inaasam asam naming pera. Grabe, ang weird nga rin na mag isa lang siya sa buong floor na ito. Di ako naniniwala sa sinasabi siya. Ngunit wala na siguro akong pakialam rito.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maupo ito sa kanyang presidential chair. Wala yata siyang pakialam na babae ang kaharap niya. Ngayon, nakaka destruct itong thirst trap na ginagawa niya. Ito ang rason kung bakit di maka patak ang luha sa aking mga mata.
"So... ano ang dahilan ng pagpunta mo rito?" Tanong nitong malumanay sabay inom ng kanyang wine.
"Ahhh... si papa po kasi... he passed away po ilang araw na ang nakakalipas. Mayroon po siyang insurance bago niya kami iwanan. Ans dont worrt sapagkat dala ko na ang lahat ng mga requirements na kakailanganin niyo."
Natataranta kong kinuha sa aking bag ang mga documents ni papa at medyo nalukot pa nga ang death certificate nito. Nilapag ko ito sa lamesa at hinila papunta sa kanya. Tiningnan niya ito ng ilang sandali at pagkatapos ay binalik din sa akin.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Di ito ang reaksyon na nais kong makita sa kanyang mukha.
"Hintayin mo ako rito, pupuntahan natin ang papa mo. I was so busy these past few days kaya hindi ako nakadalaw."
Gamunggo ang pawis ko ng sabihin niya ito sa akin. Kinakabahan ako, nanginginig ang aking tuhod sa mga sandaling ito. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Sa pagkaka alam ko ay hindi naman niya kilala ang papa ko.
"Pero nailibing na po siya kahapon sir..."
"I know... alam mo iha... sa panahon ngayo ay marami na ang mga taong manloloko. Hindi ko sinasabi na wala akong tiwala sa mga sinasabi mo ngunit I just wanted to see him. Kapag nakita ko ang puntod niya ay nangangako ako na ibibigay ko sayo ang inaasam asam mong pera."
Shit! Ang sarap sarap magmura. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa akin. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat.
"Wait me here, mag dadamit lamang ako," sambit niya.
Umalis na siya sa harapan ko. Samantalang ako, heto at tulala at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Sobrang pagpapahirap muna ang gagawin bago ko makuha ang kaylangan ko sa kanya. Sinundan ko pa nga siya ng tingin ng papa alis na ito at kahit ang likod niya ay batak na batak rin. Kitang kita ang mga muscles niya sa braso. To think na may katandaan na siya, parang hindi kapani paniwala sa hitsura nito.
Pero sana kung dadalaw kami sa puntod ng stepdad ko ay wala nang hukayan na magaganap sapagkat wala siyang makikita doon dahil nasa aklan na ito. At habang nag hihintay ako sa kanya rito ay isang tawag ang natanggap ko mula sa mama ko. Napa simangot tuloy ako sapagkat di ko pa man sinasagot ang kanyang tawag ay alam ko na kung tungkol saan ito. Atat na atat siya sa pera, wala pa nga yatang dalawang oras simula ng umalis ako sa bahay subalit heto siya at kinukulit na ako! Pag di ko sinagot ang kanyang tawag, malamang ay maiinis siya mamaya nito.
Since wala pa si Sir Ronald ay sinagot ko na ang tawag niya.
"ANO NA!? KAMUSTA ANG LAKAD MO!?"
Nilayo ko kaagad sa tenga ko ang cellphone ko sapagkat ang lakas ng sigaw ni mama sa kabilang line. Halatang sabik na sabik na siya sa perang matatanggap ko pero nakaka inis na. I imagine na umiikot na ang kanyang pwet sa bahay namin dahil sa hindi ito mapakali.
"Ma pwede bang mag relax ka lang? Nandito pa ako sa office ni Sir Ronald, nag uusap pa kami. Ini interview niya pa ako."
Ayaw ko rin sabihin na pupunta kami sa simenteryo dahil malamang ay kakabahan siya nito.
"Umiyak ka kasi, anak! Dapat ay daanin mo siya sa matinding kwento, kung kaylangan na humagulgol ka sa iyak ay gawin mo alang alang sa pera. Aba, sa hirap ng buhay ngayon, gawin mo kahit na mali para maka survive tayo. Tandaan mo, nakasalalay sayo ang pag aaral ng iyong kapatid."
I rolled my eyes! Sermon pa nga ng inabot ko kay mama kaya need ko pang mas pag igihan ang gagawin ko sapagkat kapag pumalpak ako ay mas lalo siyang madidismaya nito at baka kung ano ano pa nga ang sabihin niya.
"Kalma okay? Pinapangako ko sa inyo na magiging matagumpay ako sa plano ko. Mukhang mabait naman itong si Sir Ronald-"
"Umiyak ka na ba sa kanya?" tanong niya.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Paano kaya ako makaka iyak sa isang lalaki na nakaka destruct ang katawan? Napapa isip tuloy ako kung ano ba ito? Sine seduce niya ba ako o di niya sinasadya? Lumabas na si Mr. Ronald pero this time ay naka coat na siya at may dala itong isang basong wine.
"Ma, tawag ako ulit sa inyo mamaya," sambit ko sabay pasok ng cellphone ko sa bag.
"Sino ang kausap mo?" tanong ni Sir Ronald.
Parang nakakatakot ng ang pagtatanong niya. Di ko alam kung paano ako sasagot, kahit na mayroon siyang saplot ay di nawawala sa isipan ko ang hubad niyang katawan kanina. Lalo na yung pa abs niya at ang mga muscles niya sa braso. Kung nandito si Brent, malamang ay mayayamot siya sa lalaking ito.
"Ahhhh... si mama po..." sagot ko, alangan na mag sinungaling ako sa lalaking ito.
"Here's your wine. Bago tayo umalis, gusto ko na uminom ka. Don't worry, di iyan nakakalasing kaya makaka uwi ka pa rin sa inyo."