CHAPTER 10

1034 Words
SARAH POV Ayaw ko nga sana inumin itong wine kasi ayaw kong maging manginginom subalit natatakot ako na baka ito pa ang maging mitsa ng di niya pag bibigay sa pera ng stepdad ko. Mas magiging complicated pa ang lahat kaya magtitiis muna ako hanggang sa makuha ko ang inaasam na pera ni papa. At alam ko na mamahalin ang wine na ito. Syempre, sa isang mayaman na katulad niya kaya mahalamang ay expensive ito. Lakas loob ko itong ininom sa harapan niya ng walang pag aalinlangan. Masarap ang wine na dumaan sa dila at lalamunan ko, mainit ito at nang maubos ko na ang isang baso ay nakaramdam ako ng pagkahilo. "You okay? Halatang di ka sanay na uminom ng mga mamahaling wine?" Nang sabihin niya ito ay para na rin niyang tinapakan ang aking pagkatao. Feeling ko tuloy ay pobre ang isang ito. After this ay bumaba ba kami sa parking lot at halos magkatabi kaming naglakad. Ang dami ng mga magagarang mga sasakyan dito at habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ulit ng pagkahilo at muntikan pang nadapa. Mabuti na lamang at nasalo ako nitong si Sir Ronald. "You okay?" tanong niya na nakahawak sa braso at bewang ko. "Ahh okay lang po... salamat..." "Don't worry, let me guide you sa sasakyan ko. Baka dahil lang din sa pinagdadaanan mo kaya hindi ka pa masyadong okay." I don't think so! Maayos pa naman ako kanina noong umalis ako sa bahay at mayroon akong sapat na kinain. Naramdaman ako ng pagkahilo simula ng uminom ako ng wine na binigay niya. Kinabahan na tuloy ako, baka may something na siyang nilagay sa wine na iyon. "No thanks... kaya ko pa rin pong maglakad..." Ayaw ko na may ibang lalaking humahawak sa akin maliban sa boyfriend ko. Kahit na wala siya rito ay nais kong ipakita ang pagiging loyal ko sa kanya that is why I am not going to let this man take advantage of me. Nginitian niya lamang ako but there is something on his smile. Mas lalo pa tuloy akong nagdududa na baka mayroon nga siyang nilagay sa wine. Ilang sandali pa ang lumipas ay huminto na kami sa harapan ng isang sports car na kulay pula. Nang napatitig nga ako ay namangha ako rito. At halos mahulog na nga ang aking panga. Ito na marahil ang pinaka magandang sasakyan na nakita ng mga mata ko sa buong buhay ko. At nang buksan ito ni Sir Ronald, hindi ito yung katulad ng mga pang karaniwang sports car na nag bubukas lang ang pintuan. Para siyang nagiging transformer na pati ang bubong ay nag bukas din. Grabe! Namamangha ako sa nakikita ko, di lang pala si Sir Ronald ang gwapo rito kung di maging ang kanyang kotse. Ang swerte ng asawa niya at anak niya. Nakakaranas sila ng ganitong klase ng pagpapala. "Get in the car," sambit niya. Inakbayan niya pa nga ako ulit at napatingin ako sa kamay niyang pumatong sa aking balikat. I really have a bad feeling about this. Baka mayroon siyang ibang motibo sa akin. Muli akong tumingin sa kanyang sasakyan at nag alangan. Paano, mahirap lang naman ako at hindi deserve na sumakay sa magarang sasakyan. Matatanggap ko pa siguro kung nag jeep kami. "No sir... baka mag taxi na lang po ako," nahihiyang sabi ko pa sa kanya. "Come on, don't be shy! It does not matter to me, ikaw pa nga ang una kong pasahero," sagot niya. Wow! So dapat ba na maging proud ako kasi ako ang una niyang naging pasahero rito? Sumakay na lang ako upang matapos na ang aming usapan. Ang bango pa nga sa loob at ang ganda ng upuan na malambot. Ang ganda rin tingnan ng mga ilaw. Yung ganito sana ang masarap na i myday sa sss ko pero di ko iyan gagawin kasi nakakahiya sa may ari nito. Sumakay na rin siya sa loob at imbes na manibela ang una niyang hawakan ay balikat ko pa at napatitig pa nga ito sa akin. Ang lagkit, parang ayaw niyang umalis kami sa mga titig nitong tila ay nang aakit. Muli aking nakaramdam ng pagkahilo at this time ay tila nagiging doble ang aking paningin. Hindi pa ako nakapagdala ng sarili kong tubig. Dati rati ay nagdadala ako nito subalit ngayon ay nakaligtaan ko pa. All of a sudden, yung kamay niyang nakapatong sa balikat ko ay biglang lumipat sa legs ko kaya naging mulat ang aking mga mata. Napalunok ako, kakaiba ang kinikilos niya kanina pa. And I am beginning to think, ano kaya ang pumapasok sa isipan niya sa mga sandaling ito habang tinititigan niya ang mukha ko at nakahawak pa siya sa legs ko. Buti at naka pants ako kaya hindi mismong balat ko ang nahahawakan niya. "Bakit Sir? May something po ba sa mukha ko?" tanong ko rito. "No, you're just so beautiful ngunit para yatang hindi mo kahawig ang papa mo. When you mentioned his name to me, I did not know what he looks like until now na nakatitig ako sayo." "Ahhh... ganun ba? Kasi mas kamukha ko po ang mama ko," sagot ko. Oo nga! Marami rin talaga ang mga nagsasabi na di kami magkamukha subalit sa akin, hindi ito isang big deal. "Well, your mom be be pretty noong dalaga pa siya." "Siguro po..." nahihiyang sagot ko pero alam kong mas maganda ako sa mama ko kasi nakita ko na rin ang picture niya noong dalaga siya. "Ilang taon ka na?" sunod niyang tanong. "21 po sir..." "Bata ka pa..." sagot niya na napalunok pagkatapos magsalita. "Yes po... at bata rin na naulila sa ama... ang sakit ng nangyari sa akin... ang dami na nga naming problema tapos ito pa ang nangyari." Sa pagkakataong ito ay pinipilit kong umiyak subalit naalala ko ang magandang katawan ng lalaking ito na nasa harapan ko na nagiging dahilan kung bakit ayaw pumatak ng luha sa aking mga mata. Bakit ba kasi ganoon pa ang una naming pagkikita? Baka pag alis ko ay maalala ko pa rin kung ano ang nakita ko kanina. Meanwhile, mula sa legs ko ay sa pisngi ko naman sunod na dumapo ang kamay niya. Hinaplos haplos niya ito habang nakatitig siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD