CHAPTER 7

1059 Words
SARAH POV "Wait!? Kilala mo si Brent?" pagsingit kong tanong rito. Sa akin niya tuloy ibinaling ang masamang tingin niya. "Oo kilala ko siya girl! Naikwento siya ng landlord ko sa akin. Siya ang matangkad na lalaking gwapo raw pero mas mahirap pa sa daga. Ako yung bagong lipat doon sa katabi nilang bahay," pagsusungit ng babaeng ito sabay alis. Sinundan ko siya ng tingin. Ang ganda nga niya, flawless ang balat at walang bahid ng kadumihan sa muka subalit basura ang ugali niya. Nako! Ayaw kong makipag away pero sa susunod na gawin niya ito sa akin ay may kalalagyan siya. Muli akong napatingin kay Brent at takaw pansin kaagad sa akin ang pamumula ng kanyang pisngi. At sinusundan niya ng tingin ang babaeng iyon. Nang galaiti ako, nakaramdam ng selos kaya tinapakan ko ang paa niya upang makuha ang kanyang atensyon. "Aray ko! Ano bang problema mo, babe!?" Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat subalit wala akong regret sa ginawa ko. "Ayan na naman ang mga mata mo ha!? Di ba sinabi ko sayo noon pa na dapat wala kang ibang babae na pwedeng titigan maliba sa akin na jowa mo? Dapat ako lang ang maganda sa paningin mo at wala nang iba pa!" "Bakit? Porket napatitig na sa iba ay may gusto na ako sa tao? Di ko siya type, halatang makapal ang make up tapos ang sama pa ng ugali niya." "Oh siya! Malapit na ang kanto kaya mag biyahe ka na. I shall see you later, icha chat kita kapag magpapa sundo na ako." "Saglit... nasaan na yung goodbye kiss ko?" I rolled my eyes, "anong goodbye kiss ang sinasabi mo? Nakarami ka na kanina!" Natawa siya pero ako ay umalis na rin. Grabe! Kinabahan ako sa babaeng yun, sa tagal naming nagsasama ni Brent ay ngayon lamang siya napatitig ng may ganoong pagnanasa sa isang babae. Tapos, halos magkatabi pa sila ng inuupahan kaya nakaka paranoid na rin. Alam niya pa naman na selosa akong babae. I know boys will always be boys at kapag hindi kami magkasama ay napapalingat siya sa ibang mga babae. Sumakit tuloy ang ulo ko, mas malala pa ang kaba ko ngayon kaysa kaba ko kay Mr. Ronald na napaka mysterious sa akin. Sana lang talaga ay maging worth it ang pag punta ko doon. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako. Sa wakas! Nararamdaman ko na magbabago na ang buhay namin sa araw na ito. At ang lahat ng mga nag alipusta sa amin, sila ang mauunang makakakita kung paano kami umangat. Dahil sa traffic ay isang oras ako sa biyahe. Mainit ang panahon subalit naging worth it rin ang aking biyahe nang ako ay makarating na dito sa malaking building nila na halos maraming mga empleyadong naka tuxedo at skirt ang pumapasok. Sa building pa lang ay halatang mayaman ang company nito at tila ay masarap mag trabaho rito. Lumapit na ako sa guard at nagtanong. "Sir? I am looking po for Miss Jen." "Sinong Miss Jen? Maraming mga magkakapangalan dito," sagot niya. Nako! Hindi ko alam ang full name ng babaeng iyon kaya no choice na ako. "Si Mr. Ronald Buenavista po, sir? Siya ang hinahanap ko. "Siya ang CEO rito. Bakit mo siya hinahanap? Kaylangan magpa set ka ng appointment bago ka makipag kita sa kanya." Mahihirapan ako nito kaya kaylangan na magawan ko ng paraan ang pagtawag kay Jen. "Uy di ba ikaw si Sarah?" sambit ng babae na paakyat sa hagdan. Ang ganda niya at pulang pula pa nga ang lipstick nito. At ang pinagtataka ko ay kung bakit alam niya ang aking pangalan. "Kilala mo ako?" "Yes!" sagot nito ng makalapit siya, "Ikaw ang anak si Sir Edwin. Actually, nasabihan na ako ni Mr. Ronald na hintayin ka kasi expected niya na darating ka rito. Tara sa office niya." Ang taray! Expected na rin pala ang pagpunta ko rito kaya sumunod na ako sa kanya ng hindi pa tinatanong ang pangalan nito. Pumasok kami sa elevator ng tahimik at bumaba sa fifteen floor. Nakakaloka yung ang layo pala ng floor ng Mr. Ronald na ito. Huminto kami sa tapat ng isang malaking kahoy na pintuan at napansin ko na walang mga office dito sa labas. Humarap siya sa akin at ngumiti. "Sorry, I forgot to introduce my name. Ako nga pala si Miss Jen at nagpunta ang mama at kapatid mo rito nitong nakaraang araw pero si Mr. Ronald, ikaw ang gustong makausap. Dala mo ba ang mga requirements? Baka kasi busisian niya like yung death certificate ng papa mo?" So siya pala si Miss Jen. Mabuti at nagka daupang palad kami kanina bago pa ako magkanda ugaga na tawagan ang mama ko. "Thank you! Don't worry, dala ko naman ang lahat ng mga documents," kampanteng sagot ko rito. "Okay, condolence nga pala sayo. I know how it feels to lose someone." Ang bait din pala nitong si Miss Jen. Sana ay ganoon din kabait si Mr. Ronald once na magkita kami and it's only a matter of time para mangyari ito. Syempre, naalala ko ang sinabi ni mama sa akin nitong nagdaang araw na kaylangan galingan ko sa pag arte para mas maging kapani paniwala ang story ko. Kusa nang pumatak ang mga luha sa aking mga mata ko. Mabuti at hindi ko na kaylangan pang mag drama ng todo todo para lang lumabas sila. Di na ako nakasagot sa kanya, ano ang sasabihin ko? Salamat? Magku kwento pa? Gusto ko lamang na makuha ang gusto ko. Kumatok na siya sa pintuan at ilang saglit pa ang lumipas ay nag bukas na ito. Laking gulat ko naman na lumabas ang isang lalaki na ang bango bango. Kalbo subalit halos mahulog ang panga ko sapagkat ang hot niyang lalaki, ayaw ko ng mga kalbong lalaki subalit bumagay ito sa hugis ng kanyang mukha. Mapupukaw ang mga mata niya at parang gusto kong sumubsob sa dibdib nitong may kaunting balbon papunta sa pusod niya. Ang astig pa nga ng tatoong dragon sa kaliwa nitong braso. Di ko rin mapigilan na mapansin ang bakat niyang six abs sa tiyan nito na marahil ay resulta ng ilang buwang pagji gym. At nang ngumiti siya sa akin, pakiramdam ko ay nabasa ang panty ko sa kilig. Bumilis ang t***k ng puso ko, ngayon ko lamang ito naramdaman sa buong buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD