SARAH POV
Mabilis kong tinakpan ang aking mga mata. Muntikan ko nang makita ang tinatago tago ng boyfriend ko.
"I am sorry babe, hindi ko sinasadya," sambit niya pa.
"Bwisit ka! Anong ginagawa mo rito, Brent? Lumabas ka na at baka mahuli ka pa nila mama rito."
"Okay sige... magbibihis lang ako okay? Ipikit mo muna ang mga mata mo, sasabihin ko na lamang kapag tapos na ako sa ginagawa ko."
Pumikit pa ako ng ilang sandali hanggang sa marinig ko ang mga yapak ng kanyang paa.
"Okay na..."
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko siya sa harapan ko. Ngunit bago pa man ako makapag react ay hinalikan niya ako. Grabe ang pagiging hayok ni Brent. Sumasayaw ang mga labi namin na magkalapat sa mga sandaling ito. Pumikit ako at ninamnam ko ang sarap nito.
Ang lakas niya pang humigop ng halik. Para akong mauubusan ng lakas. Sa halip na itulak siya ay mas lalo pa nga akong napayakap sa kanya. Unti unti ay napayakap siya sa akin at iginapang ang kanyang kamay papunta sa boobs ko kaya iminulat ko ang mga mata ko ulit.
Pinilit ko siyang itulak subalit ayaw niyang pumiglas. Tila ay libog na libog ang umiiral sa kanya. Hindi pa talaga ako handa na ibigay ang aking sarili rito. Paano kung mabuntis niya ako? Marami pa akong responsibilidad sa family ko.
Dakmang dakma niya ang boobs ko at ayaw niya itong pakawalan. Nilalalamas lamas niya ito na nagbibigay sa akin ng masarap na kiliti.
Tila ay bibigay yata ako sa kanya. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sensasyon. Bumibigay na ako sa kanya at nang mas lalo pa kaming mag yakapan ay nararamdaman ko na may tumitigas sa gitna ng kanyang pantalon.
Subalit naantala ang lahat ng marinig namin ang katok sa pintuan. Parehas kaming nataranta pero siya ang naunang lumabas. Samantalang ako ay nagtago sa likod ng pintuan. Gusto kong malaman kung sino ang kumakatok.
"Oh Brent? Bakit naka lock ang pintuan? Di ba ang sabi ko sayo ay saglit lamang kami aalis?"
Yari... bakit nga ba kasi niya ni lock ang pintuan. Ayan tuloy, nag hihinala na si mama. Kinakabahan ako sa kanya, ayusin niya ang isasagot niya sa mama ko.
"Ahhhh kakatapos ko lang po maligo. Si Sarah po yata ang nag lock ng pintuan."
Kinagat ko ang labi ko sa inis. Sa lahat ng pwede niyang isagot ay bakit ito pa? Lagot siya sa akin mamaya nito kapag nasa labas na kami.
"Nasaan siya?" Tanong ni mama.
"Nasa kwarto niya po at nagbibihis pa yata."
Gosh! Naiinis ako sa kanya, nilaglag niya pa ako sa nanay ko. Pagkatapos niyang mag salita ay kaagad akong nakarinig ng mga malalakas na katok sa labas ng aking kwarto.
"Hoy Sarah, wag ka nang magbabad sa harapan ng salamin. Kahit na anong titig mo diyan ay hindi na mag babago pa ang iyong pagmumukha. Bilisan mo na at baka ma trapik ka pa," sigaw niyang may pagsesermon.
Di na ako sumagot sa kanya. Sa halip ay kinuha ko na ang bag ko at tsaka ako lumabas.
"Pag igihan mo ito Sarah! Huwag mong sasayangin ang oportunidad at tawagan mo kaagad ako kapag nakuha mo na ang pera," pasigaw niyang saad.
"Opo ma, basta lahat ay gagawin ko para sa pamilya natin."
"Oh siya! Ihahatid ka nitong si Brent hanggang sa kanto at mamamasada rin siya. Bumalik ka ng maaga rito, wag ka nang mag gagala."
"Paano ako makakapag gala kung wala akong pera?" Sagot kong pabalang.
Lumabas na ako at sumakay sa traysikel ni Brent. Sunod siyang lumabas at sumakay na rin sa traysikel niya.
"Buena mano ang customer ko. Mukhang magiging swerte ako nito sa biyahe hehe!" Pagbibiro niya pa pero mas lalo lamang akong nainis sa kanya.
"Ayus ayusin mo ang pag uugali mong lalaki ka. Mas maigi pang mag maneho na lang diyan," pag susungit ko rito.
Nagsimula na niyang imaneho ang kanyang sasakyan.
"Hala! Bakit babe? Kanina sa loob ng kwarto mo ay maayos pa tayo di ba?"
"Maayos? Wala ka nga sa lugar. Muntikan pa tayong mahuli nila mama kanina. Tapos, ako pa ang pagbibintangan mo na nag lock ng pintuan natin? Galing mo naman!"
"Sorry na... natataranta lang din kasi ako kanina at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."
"Che! Ewan ko sayo, wala sa lugar ang kakatihan mong lalaki ka!"
Humarap siya sa akin habang naka andar ang kanyang sasakyan.
"Hahaha! Kunwari ka pa, nasarapan ka rin naman sa nangyari kaya nga muntikan ka nang bumigay sa akin."
Naiinis ako lalo sapagkat totoo ang sinabi niyang ito, tinarayan ko siya ng tingin. Bumigay naman talaga ako sa galing niyang humalik kanina at kung hindi pa nga dumating sila mama ay baka nakuha na niya angnl virginity ko.
"Ewan ko sayo, mag drive ka na lang diyan!"
Humarap ako ulit at nakita ko ang isang magandang babae na naka skirt, matangkad at maputi ang legs na tumatawid. Ngunit ang traysikel ni Brent ay ayaw tumigil.
"Babe ano ka ba... may masasagasaan ka! Ihinto mo ang pagmamaneho!"
Muntikan nang masagasaan ang babae sa harapan namin pero natumba siya sa kanyang kinatatayuan. Tila ay na out of balance yata siya. Sabay pa nga kami ng boyfriend ko na pumunta sa kanya.
"Miss, okay ka lang? Sorry, medyo madulas kasi ang daan kaya nahirapan ang traysikel ko sa pag preno."
Sa malapitan ay mas maganda pala itong babae. Ang kinis niya, para yata siyang isang artista or model. Iniabot ni Brent ang kanyang kamay rito para sana tulungan siyang tumayo subalit nagulat ako ng hampasin niya ang kamay nito at tumayo mag isa.
"Tse!! Bwisit ka? Kung sira ang traysikel mo ay wag ka nang mag drive. Alam mo bang papunta na ako sa model agency ko? Ilang oras akong nag ayos tapos ito ang gagawin mo? Paano kung hindi ako matanggap doon, kasalanan mo ito, Brent!"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. May mga tao pa sa paligid na natuon ang atensyon sa amin subalit ang ipinagtataka ko ay bakit kilala niya ang boyfriend ko?