"Events are triggered by actions, and a series of events leads to negative or positive outcomes." ... Napalingon sina Mayumi at Oscar sa bintana ng pangalawang palapag ng bahay. Naulinigan nila mula sa labas ang isang sigaw. Ngunit hindi simpleng sigaw ng pagkatakot ang dating sa kanila ng tinig. Sa wari nila'y sigaw iyon ng desperasyon, hinagpis, pagkagimbal at hagulgol ng kasawian. Hindi nila maipaliwanag ang mga emosyon na lumabas sa kanilang mga puso. Naghalo-halo ang mga iyon at wala silang maisip na mga salitang makapaglalarawan ng negatibong damdamin. "Anong nangyayari?" nangangambang akmang papasok si Mayumi sa loob ng tahanan. Ngunit maagap siyang hinila ni Oscar kaya napalingon siya sa kaibigan. Umiling lamang ang kasama at wala nang sinabi. Naintindihan ni Mayumi na hindi

