Napasinghap si Hiraya nang bumangon mula sa pagkakahiga. Hinahabol niya ang hininga nang magising. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata nang tumitig sa kawalan. Bagamat wala namang tubig, para siyang nalunod dahil sa reaksyon ng kanyang mukha at katawan. Napasapo siya sa dibdib, naghahabulan pa rin ang kabog sa kanyang puso at panay rin ang pagtaas-pagbaba ng bandang sikmura. Namumutla ang kanyang mukha ngunit pinagpapawisan ang buong katawan. Napasapo siya sa ulo nang biglang makaramdam ng hilo. Saka lamang niya napansin na nakaupo siya ngayon sa sahig at malalaki na ang mga biyas. Tinitigan niya ang mga kamay at daliri na para bang naninibago siya sa nakikita. Sinuri niya ang buong anyo. Tumingin siya sa kaliwa at sa kanan. Pamilyar siya sa itsura ng lugar. Ito nga ang sala ng sariling b

