Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang Lola, umuwing mag-isa si Hiraya sa sariling tahanan. Nang makauwi ay hindi siya nakatulog, marami pa ring laman ang kanyang isip at kapag napapapikit siya'y pakiwari niya; siya'y mababangungot. Kaya naman nagmukha siyang zombie nang sumapit ang umaga. Wala sa sarili na naglakad siya paakyat ng hagdan at tumayo lamang sa tuktok. "Interfering with time has consequences." Ito ang napagtanto ni Hiraya habang nakatitig sa bawat baitang. Nagugunita pa rin niya sa isip ang lahat ng mga pinagdaanan. Naintindihan na rin niya sa wakas kung bakit siya dinala ng Back-Skip sa dating panahon. May koneksyon at kaugnayan ang lahat ng bagay. Hindi nagkataon lamang ang mga nangyari. Pinagtagpo sila ni Kenjie ng tadhana upang mabago ang buhay ng isa't isa. Ito ang t

