CHAPTER 28 : THE REST OF WHAT HAPPENED

1790 Words

Nang makapadpad si Dalisay sa tahanan ni Kenjie, may mga pulis nang nakakalat sa buong lugar. Inilibot niya ang paningin at natagpuan sina Oscar at Mayumi na umiiyak habang may kausap na dalawang pulis. Lumapit siya sa dalawang estudyante at nagtanong, "Anong nangyari? Nasaan sila?" Natataranta ang kanyang boses, kitang-kita rin sa itsura niya ang pag-aalala. Tumataghoy at sumisinghot pa ng sipon si Mayumi nang sumagot sa guro. "Wala na po sila..." "Anong wala na?! Nasaan si Jovena?" "Dinampot na po s'ya ng mga pulis," mas mahinahon kung sumagot si Oscar. "Sina Aya at Kenjie?" Bilang kasugatan sa kanyang tanong ay tinuro ni Oscar ang likod. Luminga si Dalisay at nakita si Aya na nakahiga sa stretcher bitbit ng mga rescuer. Walang malay ang batang babae at nakasuot ng oxygen mask. Nap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD