CHAPTER 11: KENJIE'S MOM

1345 Words
Nakanganga at nakatitig sila sa pintong bakbak na ang puting pintura, madumi, at may mga sulat pa ng vandalism. Hindi inaasahan ni Hiraya na ganito pala kahirap ang buhay ni Kenjie. Nakatira ang batang lalaki malapit sa abandonadong lupa na natatabunan na ng mga naglalakihang d**o. Nahirapan silang maglakad sa mabato at maputik na daan na hindi pa nasesementaduhan. Dumadaloy pa roon sa makitid na daan ang nakakapandiring burak na kanal. "D-Dito siya nakatira?" Pinilit ni Hiraya na patatagin ang tinig ngunit nautal pa rin siya. Tumango si Oscar at pinagkrus ang mga braso. "Yes." "It looks bad," nasambit niya. "Katukin na natin," suhestyon ni Mayumi na nauna nang kumatok sa pinto. Hinintay nilang may lumabas pero nagtaka sila nang wala namang nangyari. Wala yatang nakarinig sa kanila. Inulit ni Mayumi ang pagkatok at sinabayan ito ng malakas na sigaw. "Tao po!" Wala pa ring nagbukas ng saradong pintuan. Nagkatinginan silang tatlo. "Baka naman walang tao sa loob ng bahay?" tanong ni Hiraya sa dalawa. "Baka..." sagot lamang ni Oscar na napaisip. Bigla itong napangiti nang may maalala."Nakita mo naman, Aya. Wala si Banoy dito. Mabuti pa tayo na lang ang mag-date!" Pilyong tinuro at pinagmalaki pa nito ang sarili. "Mas pogi naman ako kaysa kay Banoy, kaya ba't hindi na lang ako ang i-date mo, Aya?" Pero natigilan ito sa pagsasalita nang mapansin na hindi siya pinakikinggan ng dalawang babae. Nag-uusap lang ang dalawa at tinuring siyang multo. "May nasabi ba sa 'yo si Banoy na aalis sila?" hinuha ni Mayumi. Umiling si Hiraya. "Wala naman s'yang binanggit..." "Bakit kaya---" Naputol ang sasabihin ni Mayumi nang biglang bumukas ang pinto ng bahay. Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang lumangitngit na bisagra ng pintuan. Sumilip ang isang babae na nahuhulaan nilang nasa tatlumpu pataas ang edad. Nakasuot lamang ito ng bulaklaking bistida, mahaba ang magulong tuwid na buhok, namumutla at nangingitim ang ibabang mga mata. Kung tumingin ito sa kanila para silang kakatayin. Alam nilang masungit ang babae. Walang ngiti sa mukha na nagtanong ito. "Sino kayo?" Nanlalamig ang tinig. Walang buhay. Saglit silang natigilan na para bang kinabahan nang kaunti dahil sa bungad ng babae. Ninenerbiyos at nauutal na nagsalita si Oscar. "Ah... Eh...." Napakamot pa siya sa ulo. "Good afternoon po, nandyan po ba si Banoy?" Tinitigan lang sila ng babae na para bang kinikilatis ang kanilang mukha. Naningkit ang mga mata nito at sumagot sa kanila sa walang siglang tinig. "Banoy? Sinong Banoy?" Saka lang napagtanto ni Hiraya na maaaring hindi alam ng babae ang katawagan kay Kenjie sa eskwelahan. "Si Kenjie po." Sumingit siya sa kanila. Tumingin kay Hiraya ang babae. "Kenjie?" usal nito. "Bakit anong gagawin n'yo? Sino ba kayo?" "Mga kaklase niya po kami, ma'am. Yayayain lang po namin s'ya na lumabas!" sumabat na rin si Mayumi. Masigla ang kanyang boses at hindi napapansin ang tensyon sa pagitan ni Hiraya at ng babae. "Walang Kenjie rito. Umuwi na kayo!" Napakislot silang tatlo nang tumugon ito sa mas malakas na tinig na para bang pinapagalitan sila kahit wala naman silang intensyon na masama. Nag-iwan pa ito ng masamang tingin bago padabog na sinara ang pinto. Ilang segundo na natulala sila dahil kinagulat nila ang naging reaksyon ng ginang. "Ha?" Napanganga na lamang si Oscar at tumingin sa dalawang kasama. "Ano raw? Pero sigurado akong dito nakatira si Banoy." "Grabe naman 'yon!" Buntong-hininga naman ni Mayumi. "May sinabi ba tayong masama? Wala naman 'di ba? Kung makadabog e'... ay nako!" Napasapo ito sa noo. "Nakakainis." "Bakit ganoon?" nagtataka naman na napatingin si Oscar sa ibaba. Iniisip niya kung nagkamali ba siya ng direksyon. Habang nag-iisip at tahimik ang grupo, tumingin si Hiraya sa bintana ng bahay at namilog ang mga mata niya nang matanawan ang batang lalaki na nakasilip sa itaas na bintana. Mukhang nagulat din si Kenjie nang magtama ang mga mata nilang dalawa. "Kenjie!" sambit ni Hiraya at sumenyas ang mga kamay. Pinababa niya ang batang lalaki habang kitang kita sa ekspresyon ng mukha niya ang pananabik. Lumingon sina Mayumi at Oscar sa tinitingnan niya at hindi makapaniwala ang mga ito nang makita rin si Kenjie. "Kenjie!" tawag muli ni Hiraya. Kumakaway naman si Mayumi at sinesenyasan din na bumaba't lumabas ang lalaki sa bahay nito. Ngunit mukhang nailang si Kenjie na hindi tumugon sa kaway nila. Nakasimangot lamang na sinara nito bintana, saka hinila ang kurtina sa gilid upang matakpan nito ang loob at hindi na siya makita. "Ano ba 'yan!" sambit ni Mayumi nang makita ang ginawa ni Kenjie. "Hindi man lang tayo pinansin! Nag-effort na tayong pumunta sa bahay n'ya, tapos ganito lang ang gagawin sa 'tin?!" "Sabi ko naman sa inyo," wika ni Oscar na nagkibit ng balikat. "Ganyan talaga ugali n'yang si Banoy. Nagmukhang-tanga tuloy tayo rito!" Nakaramdam ng pagkadismaya si Hiraya nang muling magtago sa lungga ang batang lalaki. Naiinis at nadidismaya siya sa pakikitungo nito sa kanya. Ano ba ang dapat niyang gawin upang hayaan ni Kenjie na makapasok siya sa mundo nito? Kung hindi siya magtatagumpay sa mga binabalak siguradong walang magbabago sa kinabukasan niya at kinabukasan ng batang lalaki. Naikuyom niya ang mga palad. "Hindi! Hindi ako susuko!" Iyon ang bilin niya sa isipan. Muli siyang pumwesto sa pinto ng bahay. Nagtataka na tinitigan lamang siya nina Oscar at Mayumi. "Please, Kenjie let's go out. Sayang naman ang effort namin na magpunta rito. Ba't mo ba kami tinataguan? Gusto ka lang namin makalaro." Habang kumakatok ay iyon ang mga sinasabi niya. Para siyang nagmamakaawa sa wala. Inaamin ni Hiraya, desperado na siya. "Aya?" tawag ni Mayumi na humawak sa balikat niya. Natigilan siya sa pagkatok at nilingon ang batang babae. "Ano bang ginagawa mo? Baka nakakaistorbo tayo at lalo pang magalit sa 'tin ang nanay ni Banoy. Umalis na lang tayo. Nakita mo naman kung gaano siya kasungit kanina, siguradong----" "No Mayumi!" aniya na pinutol ang sinasabi ni Mayumi. "Wala akong paki kung makulitan sila sa 'kin, basta... " Hindi niya madugtungan ang gustong sabihin. Muli siyang lumingon sa pinto at kumatok. "Kenjie!" Nagtataka na lamang sina Mayumi at Oscar sa kinikilos niya ngunit wala na siyang pakialam pa sa kung anong iisipin ng dalawa. Pare-pareho silang natameme nang biglang tumuog ang kandado ng pinto at lumangitngit ang pinto pabukas. Nakanganga habang nakatingin sila sa batang lalaki na sumilip sa kanila sa labas. Ilang saglit lamang na nakatingin ito sa kanila bago ibinaba ang pokus ng mga mata. "Ano bang kailangan ninyo?" Hindi inaasahan nina Mayumi at Oscar na lalabas si Kenjie sa bahay nito. Walang sumagot sa kanila dahil sa pagkabigla. Si Hiraya ang unang nagsalita at walang sabi-sabi na hinawakan nito ang kamay ni Kenjie at hinila palabas. "Aya!" sigaw na pagtutol ni Kenjie ngunit wala siyang nagawa nang makaapak ang mga paa niya sa labas. "Tara na!" May ngiti sa labi na kinaladkad niya ang batang lalaki palayo sa bahay nito. Sumunod sina Mayumi at Oscar sa likod nila. "Aya, saglit lang!" Tumigil si Kenjie at hinablot ang mga braso. "Hindi ako pumayag na sumama sa 'yo. Pwede ba umuwi na kayo! Nakakaistorbo kayo sa 'min." "Masama sa isang bata na laging nagkukulong sa bahay. Isa pa, sayang naman ang effort namin na puntahan ka pa rito," sambit niya. "Tama siya. Alam mo bang muntik nang maiyak ang bestfriend ko dahil hindi ka sumipot kanina sa tagpuan!" pagtatanggol ni Mayumi. Mukhang pinagagalitan niya si Kenjie sa tono ng pananalita nito. "Kaya nagdesisyon na lang kami na sunduin ka." Pinagkrus pa nito ang mga braso. "Nasa labas ka na kaya sumama ka na sa 'min," sundot din ni Oscar, "Ayokong makikitang nalulungkot si Aya." Inirapan pa nito si Kenjie. Walang masabi si Kenjie sa mga patutsada ng dalawa. Wala siyang maisip na itutugon sa mga ito. Nahihiya na nagyuko ito ng ulo. "Tara na!" Muli niyang hinila ang kamay ng batang lalaki at patakbo silang lumayo. Kabuntot nila sa likod sina Mayumi at Oscar. Sa malayo, mistulan silang malalayang mga batang nagsisitakbuhan sa malawak na bukirin. Inosente at masaya. Walang dalahin na bigat sa mundo at kasing payapa ng mga ngiti nila ang paglipad ng mga ibon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD