Hinila ni Kenjie ang dalawang kamay at agad nabitawan ni Hiraya ang batang lalaki. Muli nitong sinuot o tinago ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Nasa mukha pa rin ni Hiraya ang pag-aalala ngunit wala pa ring sinasagot ang kaibigan sa mga tanong niya.
"S-Sinong gumawa niyan sa 'yo?" ulit niya ng tanong ngunit hindi pa rin tumitingin sa gawi niya si Kenjie, sa halip muli itong naglakad at nilagpasan lamang siya. Parang walang paki na muling itinaklob nito ang hood sa ulo.
"Kenjie!" tawag niya sa lalaki na sinundan ito ng tingin subalit wala pa rin itong tugon na dire-diretso lamang sa paglalakad. Humabol siya sa lalaki at pinigil ito sa braso. "Kenjie, saglit lang. We need to talk!"
Desidido na siya. Hindi makakaalis ang batang lalaki hangga't hindi ito nagsasalita.
"Aya, ano ba?!" iritadong baling nito na nilingon siya. "Nasasaktan ako sa paghila mo."
"Sabihin mo muna sa 'kin ang totoo!"
"Pareho tayong male-late sa klase!"
"Wala akong paki! Gusto kong malaman, Kenjie!"
Sa puntong ito ay tila nawalan na ng pasensya ang batang lalaki. Marahas nitong binawi ang brasong yakap-yakap niya at kunot-noong bumaling sa kanya.
"Gusto mo talagang malaman, Aya?!" mas malakas na ang boses nito kumpara kanina. "Sige, papakita ko sa 'yo ang lahat!"
Nagulat si Hiraya nang hawakan ni Kenjie ang siko niya, madiin na pinisil at puwersahan na hinila. Halos kaladkarin siya ng batang lalaki habang binabaybay nila ang pasilyo ng paaralan. Mabilis ang mga hakbang nila, nagmamadali, na tila naghahabol sila sa oras.
Naramdaman ni Hiraya ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa kanyang pisngi. Nararamdaman niya sa puso ang bigat ng tensyon. Gayunman, sumunod siya sa yapak ni Kenjie hanggang makaabot sila sa pinakalikod na bahagi ng paaralan.
"Kenjie, bakit tayo nandito?!" gitlang sabi niya na napatingin sa paligid. Madumi ang pader sa likurang bahagi ng gusali, wala pang katao-tao at nakakapangilabot din ang mga malalaking puno't halaman na naroon. Pakiwari niya'y may gagawin silang hindi maganda dahil sa tagong lugar pa sila mag-uusap.
"Kenjie?" ulit niya ng tawag ngunit nakatalikod lamang ang batang lalaki sa kanya at may kinakalikot sa salawal. "Anong ginagawa mo?" pansin niya rito.
Napasinghap siya nang biglang nahulog sa lupa ang pantalon nito kasama ang underwear. "What the hell you're doing?!" Naisip niyang iihi ang batang lalaki sa damuhan pero lalo siyang nagulantang nang humarap sa kanya ang kasama.
Napasapo siya sa bibig at napasinghap muli. "Oh my God!" bulaslas niya na namula ang magkabilang-pisngi. Hindi niya inaasahan na ito ang gagawin ng kaibigan. Magpakita ba naman ito ng maselan na bahagi ng katawan!
Ngunit ang pamumula ng pisngi niya ay nawala.
Naalala niyang mas matanda siya kay Kenjie at dapat mas matured na siyang mag-isip pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi siya ********* para magkagusto sa labing dalawang taong gulang na bata.
Atang kanyang lubos na pinagtataka ay... bakit ito naghubo sa harap niya? Tinitigan niya ang pinapakita nito sa ibabang bahagi ng katawan at namilog ang mga mata niya dahil sa pagkagimbal. Tuluyan siyang namutla at napipi. "Sabi ng Mama ko, masaya raw ang mga babae kapag nakakakita ng ganito," wika nito na nagpadagdag sa hilakbot na nararamdaman niya.
"A-Anong pinagsasabi mo?! Nababastos ako sa ginagawa mo. Saka bakit pati riyan ay may mga pasa at mga paso ka?" sambit ni Hiraya na tinitigan muli ang malaking pasa nito sa maselan na bahagi ng katawan, may paso at sugat rin ito sa dalawang hita na umaabot sa binti.
"Kawawa naman siya," naisip ni Hiraya at nanlambot ang puso.
"S-Sino?" nauutal niyang tanong na pinipigil bumagsak ang mga luha sa mata. "Sino ang gumawa nito sa 'yo, Kenjie?"
"Kapag sinabi ko, pagkakalat mo sa mga kaklase natin. Pero okay lang Aya, sanay naman akong pinagtatawanan, pinagbubulungan at pinagkakaisahan."
"Hindi ko 'yan gagawin sa 'yo! Magkaibigan tayo. You're secrets are all safe with me. You just need to trust me!" pagtutol agad niya sa sinasabi ng kausap.
llang segundo na nanatiling nakatingin lamang sila sa mata ng isa't isa.
"Itaas mo ang pants mo. Kahit pinakita mo 'yan sa 'kin, hindi ako nagagalit sa 'yo." Umiling siya. Lumabas ang maternal instinct niya bilang babae, bilang si Hiraya.
Hindi inaasahan ni Kenjie ang mga sinabi niya. Sumunod ito, yumuko, inabot at muling isinuot ang salawal. Habang inaayos ang pantalon ay hindi na napigilan ng batang lalaki ang mga luha. Nagsibagsakan ang mga iyon, nagpaunahan na makababa. Ginamit niya ang likod ng mga kamay upang punasan ang mga patak ngunit patuloy pa rin ito sa pagdaloy.
Nakatingin pa rin si Hiraya pinapanood ang paghikbi ng batang lalaki na para bang ngayon lamang ito umiyak. Parang may tumutusok na karayom sa dibdib niya habang pinapanood ito. Masakit marinig ang mga daing at mga hikbi ng kawalang-pag-asa ng kaharap. Nanaig sa puso niya ang pagpapakatao.
Lumapit siya, tinaas ang mga braso at kusang yumakap sa lalaki. Kinabig niya ito palapit sa sariling katawan.
Napakislot si Kenjie na parang nabigla sa paghawak niya ngunit hindi ito pumalag at hinayaan na mapalapit sa kanya. Isinuksok nito ang ulo sa balikat niya at doon binuhos ang lahat ng hinanakit.
Hindi nila alam kung gaano katagal silang nasa ganoong ayos. Hiraya doesn't mind though. She's glad that he's opening up now. He isn't afraid anymore and is being completely honest by displaying his insecurities and vulnerability in front of her. Ibig-sabihin nito ay handa nang magbukas ng kalooban si Kenjie at pinapapasok siya nito sa sarado nitong mundo.
Nang tumahan ang batang lalaki ay naupo silang dalawa sa isang bakanteng bench na malapit sa dalawang puno ng alatires. Nag-aalala pa rin siyang nakatingin dito dahil ilang minuto pa rin itong tahimik at hindi nagsasalita.
"Kenjie." Siya na ang unang nag-umpisa ng masinsinang usapan. "Ang Mama mo ba ang gumawa nito sa 'yo?"
Nakayuko lamang ito at nakatingin sa lupa na tumango.
"Why she did that?" nasambit niya.
"Dahil mahal niya ako?" patanong na tugon. Malungkot, walang buhay ang mga mata nito nang tumingin kay Hiraya. Hindi rin ito sigurado sa sagot.
"Mahal? May nagmamahal ba na ganyan? Halos patayin ka niya sa bugbog. Hindi ganyan ang pagmamahal," paliwanag niya.
"May mga pagkakataon na minamahal ako ni Mama at hindi binubugbog. Nagalit lang siya sa 'kin kahapon dahil umalis ako ng bahay at sumama sa inyo," pagkwekwento ni Kenjie.
Nahintakutan si Hiraya at nakaramdam ng guilt. Dahil pala sa kanya kaya nabugbog si Kenjie kahapon. Kung hindi niya ito pinilit na sumama sa kanya, maaaring hindi ito nasaktan. "I'm sorry, its my fault," mahina niyang sambit.
"No Aya." Umiling si Kenjie at tumingin sa kanya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo."
"Lagi ba 'tong ginagawa ng Mama mo?" usisa niya sa lalaki.
Muling naging mailap ang mga mata nito. "Minsan."
"Gaano kadalas ang minsan? Minsan sa isang linggo? Minsan sa isang buwan?"aniya.
"Sinabi ko na nga sa 'yo, hindi naman laging ganito si Mama," wika ni Kenjie, "M-May pagkakataon na mabait siya lalo na kapag..." Hindi nito nadugtungan ang sasabihin.
"Kapag?" tanong niya na hinintay ang idudugtong nito. Napansin niya ang biglang pamumutla ng mukha ni Kenjie. "Kapag ano?"
"Aya..."
"Oh?"
Unti-unting lumingon sa kanya si Kenjie, nakita niya ang mga mata nitong tila walang buhay. Na para bang dadalhin siya sa abbyss ng impiyerno . Ang balintataw nito ay parang black hole na hihigupin siya patungo sa walang katapusang lagusan.
Nakakapangilabot. Natatandaan ni Hiraya na ganito rin ang mga mata ng Serial Killer na si Kenjie sa hinaharap. Walang ningning. Patay. Para bang wala nang kaluluwa at halimaw na lamang ang nasa loob.
"Masama ba ang ******?"
At ang tanong nito ang lalong nagpataas ng kanyang balahibo. Napansin niyang nawawala na yata sa katinuan ang nasa harap.
***
A/N: BTW this story is not for the faint-hearted. I give you a warning, the story will be darker, going to a rabbit hole starting here...
The uncensored version is on my WP Account.