"Ano kamo?" nanginig ang kanyang boses. Hindi niya maitago ang hilakbot ng mukha, hindi mapigilan ang pagpapawis ng mga kamay at hindi mahinto ang mabilis na t***k ng puso.
At ang buong paligid ay tila umiikot. Namamahid ang katawan niya dahil sa takot. Napagtanto ni Hiraya na hindi pinapanganak ang mga demonyo sa lupa. Sila ay nililikha, hinuhubog, sinasanay hanggang sa maging tunay na halimaw.
"Aya, masama ba akong tao?" untag muli nito. Wala pa ring buhay ang mga matang madilim. Nagpatuloy si Kenjie sa pagkwekwento nang hindi siya sumagot.
I*****
Naalala ni Kenjie ang araw na maintindihan niya ang kahulugan ng salitang iyon. Nag-umpisa ito nang marinig niya ang paliwanag ni Ma'am Dalisay habang nagtuturo ito ng s*x education. Namilog ang mga mata niya dahil sa kilabot. Nanatiling nakayuko at nakatingin siya sa kuwaderno ngunit nakatigil ang mga kamay niya sa pagsusulat. Sa likod, naririnig niya ang bulungan ng mga kaklase subalit wala siyang lakas ng loob para lingunin ang mga ito. Namumutla lamang siya habang nakatitig sa papel na nasa desk.
"Ewww!" Narinig niyang reaksyon ng isang kaklase. "May ganoon palang mga tao!"
"Siraulo lang ang gagawa ng ganyan," sambit naman ng pangalawa. "Kadiri."
At kanyang napagtanto ang isang bagay. Walang lugar sa lipunan ang mga katulad niyang gumagawa ng mga "taboo" na bagay. Pero ginusto ba niya ito? Sa totoo lamang ay wala siyang kamuang-muang sa mga pinagagagawa ng sariling ina.
Pagkatapos ng klase ay umuwi siya sa bahay, dala-dala pa rin ang alalahanin na iyon. Nasa isip niya ang sinabi ng kanilang guro na masama ang makipagtalik sa.... Iyon ang natutunan niya sa klase kanina.
"Kenjie." Nakangiti sa kanya ang ina habang nakaupo ito sa sofa at nanonood ng TV. Napansin siya agad nito nang pumasok siya sa sala.
Napatingin siya sa mga kalat ng sitsirya, sigarilyo at bote ng alak sa sahig. Nakita rin niya ang bakas ng pinagbabawal na gamot at napagtantong lango na naman ito sa droga. Napasimangot si Kenjie, sapagkat alam niyang siya ang maglilinis ng mga kalat nito mamaya.
"Halika rito," yaya nito sa kanya na humiga. Hindi naman kagandahan ang kanyang ina. Mahaba ang buhok nitong nakalugay at minsan lang suklayin. Napabayaan na rin nito ang sariling katawan dahilan para lalo itong tumaba.
Tinitigan lamang niya ang kanyang ina at napayuko. Naikuyom niya ang kamao at nakaramdam ng pandidiri sa sarili.
Guilt. Shame. Hopelessness... pinaghalo-halo ang lahat ng negatibong damdamin. Naibuka niya ang bibig at nasabi ang matagal nang laman ng isip. "A-Ayoko na, Ma."
"Ano?" Napakislot ito at nanlalaki ang mga matang tinitigan siya.
"Sabi ni Ma'am Dalisay sa klase..." Diretso niyang tinitigan ang mga mata ng ina. "Masama ang... Masama ang..." Ngunit hindi niya nadugtungan ang sasabihin. Nalunok niya yata ang dila na napatigil sa pagsasalita.
Bumangon ang kanyang ina sa pagkakahiga at matalim siyang tinitigan. Kung nakakapatay lang ang tingin ay kanina pa siyang bangkay.
"Ako ang magsasabi kung kailan tayo hihinto! Bakit ka nagpapaniwala sa mga sinasabi ng ibang tao?! Ako ang nanay mo. Ako lang dapat ang paniwalaan mo!"
"P-Pero Ma..." Nanginig ang kanyang boses pati na yata ang kanyang tuhod. Lalo siyang natakot nang tumayo ang ginang at lumapit sa kanya.
"Gusto mong iabandona ako? Hindi ka marunong magpasalamat sa ina mo! Tandaan mo na kundi dahil sa 'kin, hindi ka mabubuhay, hindi ka makakapag-aral at wala ka sa mundong ito."
Hindi na niya napigilan ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi. Mga luha ng takot, pagmamakaawa at hinagpis. "Ma, I'm sorry pero hindi po tama ito. Hindi 'to normal."
"Parang sinasabi mong hindi ako normal at masama akong ina!" sigaw nito na lalong nairita sa kanya.
"Hindi po sa ganoon, Ma!" tugon niya.
"Wala kang utang na loob!"
Hindi na siya nakasagot nang dumapo sa kanyang ulo ang malakas na hampas ng palad nito. Nanguliglig ang tainga niya, nawalan ng balanse at napaupo sa sahig. Wala siyang laban dito. Maliit at patpatin ang kanyang katawan dala ng malnutrition.
"Wala kang kwentang anak! Ito lang ang maibabayad mo sa akin, sa lahat ng ginastos at sinakripisyo ko sa 'yo! Pero tatanggihan mo pa ako?"
Hindi siya nakasagot nang bigla na naman siyang atakihin nito. Naramdaman niya ang malabakal na suntok na dumapo sa kanyang pisngi. Tuluyan na siyang nasubsob at napahiga sa sahig. Sinundan pa nito ng ilang tadyak sa kanyang katawan. Halos mapaduwal siya at maisuka niya ang kinain na almusal.
Ilang segundo na nakahiga lamang siya roon habang tila umiikot ang buong paligid. Ubo siya ng ubo at hinahabol ang hininga.
Nang hindi na halos makakilos dahil sa hilo, hinawakan nito ang kanyang braso at sapilitan siyang pinatayo. Ngunit hindi pa rin niya maitungkod ang mga paa na tila nawalan ng lakas. Nakita niya ang patak sa sahig at napagtantong umaagos ang dugo sa kanyang ilong.
Hindi man lang niya nagawang punasan ang tagaktak nito. Kinalakad siya ng babae papasok sa isang madilim na silid at para siyang basura na hinagis sa loob. Sumubsob ang walang laban niyang katawan sa alikabuking sahig ng bodega.
"Diyan ka hangga't hindi tumitino ang isip mo! Pag-isipan mo lahat ng pagkakamaling sinabi mo sa 'kin, Kenjie."
Iyon lamang ang bilin nito bago isinara ang pinto ng bodega at ikinandado. Kadiliman, ipis, at daga lamang ang kasama niya sa loob.
"Mama, sorry na po! Please, buksan n'yo po 'to!" Ngunit kahit anong pag-iiyak niya at pagmamakaawa, hindi nito binuksan ang pinto.
Isang araw ang dumaan...
Isang araw na hindi siya nakapasok sa klase, hindi nakakain o nakainom. Iniinda pa niya ang mga sugat, pasa, gasgas at sakit ng katawan. Akala niya ay mamamatay na siya.
Pero sa totoo lang ay handa na siyang mamatay. Naisip niya... kung mawawala na siya sa mundong ito, matatapos na rin ang lahat ng paghihirap niya.
Subalit hind makakapayag ang kanyang ina na matapos yaong paghihirap. Habang walang lakas na nakahiga sa maduming sahig kasama ang mga kalat, alikabok at daga, binuksan ng kanyang ina ang pinto.
Napapikit pa siya dahil sa ilaw na biglang pumasok sa loob. Sumakit ang kanyang mga mata dahil matagal na siyang hindi nakakakita ng liwanag. Unti-unti niyang minulat ang paningin at tumingala sa babaeng nasa harap. Hindi pa rin niya magawang makatayo.
"Ano? Napagtanto mo na ba ang pagkakamali mo?" tanong nito.
Ayaw na niyang mabugbog, ayaw na niyang masaktan. Gusto niyang mabuhay, makatakas at magpakalayo-layo. Naisip niya na balang-araw, kapag malaki na siya ay makakaganti rin siya sa babae na ito.
Pinilit niyang bumangon upang humarap sa kanyang ina. Humihikbi, umiiyak at nagmamakaawa siyang sumagot. "Opo Mama. Patawad po. Simula ngayon, kayo lang po ang masusunod."
"Oh Kenjie,"anito na biglang lumapit sa kanya at kinabig siya payakap. "Salamat naman at napag-isip-isip mo na ang mga pagkakamali mo. Huwag mo na ulit akong babastusin, ha?"
Wala siyang tugon habang nanghihina pa rin na nakahilig lamang sa dibdib nito.
Pagkatapos ay parang walang nangyari. Pinakain, pinaliguan, binihisan, at ginamot ng babae ang mga sugat niya. Inalagaan siya nito hanggang sa bumalik muli ang sigla ng katawan niya.
Isang linggo matapos ang pag-aaway na iyon, muli siya nitong niyaya na..... Dahil mahal niya ang sariling buhay, pumayag siya kahit nandidiri siya sa sarili.
"Oh Kenjie, kamukha mo ang Papa mo. Mahal kita anak. Mahal mo rin ba ako?"
"Opo, Mama..."
Ginawa niya lahat ng gusto nito. Basta wala lang ibang iisipin. Ngunit kailan nga ba ang una? Simula nang tumuntong siya ng ikaapat na baitang, doon na nagsimula ang "kakaibang" relasyon niya sa sariling ina. Sa una, masakit, nakakapandiri at gusto na niyang mamatay. Ngunit sa huli, nasanay na siya at hindi na niya masyadong iniisip.
Natatandaan niya na bumabait ang kanyang ina kapag natatapos sila. Binibigay nito ang lahat ng materyal na bagay na nais niya. Walang magiging problema basta susunod siya sa lahat ng gusto nito.
***
"Pero kahapon, nang yayain mo akong lumabas para makipaglaro. Doon lang ulit ako sumuway sa utos niya," pagtatapos ni Kenjie ng kuwento.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Hiraya na para bang nakakita siya ng multo. Mabilis at sunod-sunod ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa hilakbot. Minumura niya sa isip ang ina ni Kenjie.
"Ang ina ni Kenjie ang dahilan kung bakit siya naging mamamatay tao sa hinaharap." Napagtanto ni Hiraya sa sarili.
"Wala kang sinasabi. Siguro nandidiri ka na sa akin at ayaw mo na akong maging kaibigan. Hindi kita masisisi," wika nito at nagyuko ng ulo.
"Kenjie!" agad siyang tumutol sa negatibong iniisip nito. " Hindi 'yan ang nasa isip ko!" Nanaig ang awa niya para sa batang lalaki.
"Ang nasa isip ko ay pagkamuhi para sa nanay mo. Dapat tayong gumawa ng paraan para matigil ang kasamaan niya."
"Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Ano ang paraan na nasa isip mo, Aya?"
"Sumbong natin siya sa pulis!"
"Hindi pwede!"
Nagulat si Hiraya sa biglaang pagtutol nito.
"Si Mama na lang ang natitira kong pamilya. Gusto mo bang maiwan akong mag-isa habambuhay, Aya?"
"Pero Kenjie!"
"Oo, sinasaktan niya ako pero ina ko pa rin siya. Siya lang ang natitira sa akin. Lumaki akong walang ama dahil ayaw niya akong panindigan. Malaki ang utang na loob ko kay Mama dahil binuhay pa rin niya ako sa kabila ng lahat. Mahal ko siya, Aya. Ayaw kong mawala sa akin si Mama."
Tinitigan ni Hiraya ang mga mata ni Kenjie na wala pa ring buhay.
"Iiwan mo rin ako, Aya. At sa huli, si Mama lang ang matitira sa 'kin."
Umiling siya. "Hindi kita iiwan."
"Sinungaling ka, Aya. Hindi mo rin ako matutulungan. Iiwan mo rin ako kapag dumating tayo sa mas mahirap na sitwasyon."
"Hindi mo ko kilala, Kenjie. Hindi ako titigil hangga't hindi kita nasasagip."
"Hindi pa rin ako naniniwala. Pinagtapat ko 'to dahil gusto kong lumayo ka na sa akin!"
At para matigil na ang pagtatalo nila, naisip niyang iparamdam na lang dito ang sinseridad. Kinabig niya ito payakap saka lamang ito natigilan at natahimik.
"I swear, Kenjie! I will protect you. I'm willing to give my life for you," pangako niya.
Hindi nakasagot si Kenjie. Para itong natunaw sa bisig ni Hiraya. Ilang saglit pa at naramdaman niyang umangat ang kamay ng lalaki at gumanti rin ng yakap.
"Pero bakit gusto mo akong tulungan, Aya?" Hindi pa rin lubos na nagtitiwala na tanong nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap at diretsong tinitigan ang lalaki. "Dahil magkaibigan tayo. Hinding hindi kita iiwan at tutulungan kita palagi!"
Sa una ay parang natulala lamang si Kenjie. Ngunit pagkuwa'y nagbaba ito ng paningin at napabuntong-hininga na lamang.
"Kung magagawa kitang sagipin, masasagip ko rin ang buhay ng mga magiging biktima mo sa hinaharap. Masasagip ko rin ang buhay ng kapatid ko kaya hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat masagip ka lang, Kenjie." Ito ang nasa isip niya habang inoobserbahan ang reaksyon ng kaharap.
***