CHAPTER 8: AYA'S MEDICINE

1695 Words
Magdamag siyang tulala at walang kibo. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya ang ina ni Aya. Hindi niya ito pinapansin. Hindi rin naman niya alam kung anong sasabihin. Sa buong biyahe hanggang makababa sila ng jeepney, hindi siya nagsasalita. Pagkatapos ng biyahe na tila umabot yata ng habambuhay dahil sa tagal, sa wakas, nakarating na rin sila sa patutunguhan. Bumaba sila sa tapat ng isang ordinaryo at typical na bahay na may isang palapag, isang bintana at isang pinto. Mukhang hindi karangyaan ang buhay ni Aya. Pumasok si Mela sa loob at inalapag ang shoulder bag nito sa sofa. Napag-alaman niyang Gumamela ang buong pangalan nito ngunit tinatawag itong Mela ng karamihan. Sa katunayan, Mela rin ang tinawag ng kanyang Lola Dalisay sa babae. Nanatili lamang siyang nakatayo sa pinto at walang imik na iniikot ang paningin upang suriin ang itsura ng maliit na sala at kusinang katabi. Nagkaroon siya ng kuryosidad sa itsura ng TV set na nasa gitna ng kusina't sala. Hindi flat-screen ang T.V, kundi isang malaking parisukat na animo'y microwave. May antenna pa ito sa likod. Sa tingin niya, ito na ang pinaka-latest na modelo ng T.V sa era na ito. Katabi rin ng T.V set ang isang lumang typewriter na may nakaipit pang papel sa likod. Sa gilid ay may side-table at nakapatong doon ang teleponong may mahabang wire. Hindi na niya naabutan ang mga ganitong klaseng teknolohiya kaya nakaramdam siya ng kaunting paghanga at kuryosidad. "Aya." Hindi niya napansin na nakalapit na pala si Mela sa kanya. Natuon lang ang tingin niya rito nang hawakan nito ang mga kamay niya at iginiya siya paupo sa alikabukin at lumang sofa. "Aya, makinig ka sa 'kin." Parang nadikit ang mga mata niya sa mata ng ginang habang hawak nito nang mahigpit ang mga kamay niya. "Hindi ba ang sabi ko sa 'yo, huwag mong kakalimutang dalhin ang mga gamot mo?" "Gamot?" Kumunot ang noo niya. "Pinag-aalala mo ako, 'nak. Nahimatay ka sa klase. Baka kung ano na ang nangyayari sa 'yo. Ano kaya kung ibalik kita sa hospital?" nag-aalalang wika nito. "Hospital?" Parang nanindig ang balahibo niya sa sinabi ng babae at napatayo siya mula sa pagkakaupo. Lumayo siya sa kausap dahil sa pagkagimbal. s**t, I will be in trouble if I stay there! Hindi ko magagawa ang dapat kong gawin sa panahon na ito kung makukulong ako sa hospital. "Hindi pwede!" bulaslas niya at umiling. "Kailangan kong maging malaya! Ayokong makulong sa loob ng hospital. May mga kailangan pa akong gawin!" "Shhhh!" pagpapakalma ni Mela at hinawakan ang balikat niya. "Hindi kita ibabalik doon kung ayaw mo. Pasensya na Aya, alam kong ayaw na ayaw mong bumalik doon. Nasabi ko lang ito dahil pinag-aalala mo ako nang sobra." Medyo nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi ng babae. Tumayo si Mela at may kinuha sa loob ng kabinet na katabi ng T.V set. May hinalughog siya roon at dinampot ang isang bote. Bumalik ito sa harap niya dala-dala ang bote ng medisina. Nanatiling nakatingin si Hiraya sa bote at sinisipat ng mga mata kung ano iyon. Sa kasawiang palad ay wala siyang ideya kung para saan ang medisina na iyon. Inabot sa kanya ni Mela ang gamot. "Aya, huwag mo na ulit kakalimutan ito. In case of emergency, kailangan mo 'to," anito, "Mahal ang gamot na 'to at pinag-ipunan talaga natin galing sa mga donations. Tandaan mo na mahalaga ang buhay mo kaya pag-ingatan mo." Hinawakan niya ang bote at binasa ang brand nito: imatinib. Halos magsalubong ang dalawang kilay niya dahil sa labis na pagtataka."Ibig-sabihin ba nito... ang katawan na hiram ko ay may karamdaman. May sakit si Aya?" naisip niya. Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang mahigpit siyang niyakap ni Mela. "Mahal na mahal kita, Aya..." bulong nito. Nakaramdam siya ng kalungkutan at nagbaba ng tingin. Hindi niya magawang yakapin ang ginang. Hindi niya masabi ang mga katagang, mahal din kita, dahil hindi naman siya ang tunay na Aya. Hindi naman siya ang anak nito. Ngunit hindi rin naman niya kayang ipagtapat dito ang totoo. Alam niyang hindi ito maniniwala. Kumalas sa pagkakayakap si Mela, may ngiti at kislap sa mga mata na hinagod ang buhok niya at sinabing, "May surpresa ako para sa 'yo." Hindi pa rin siya kumibo at tinitigan lamang ang babae. Tumalikod ito at may kinuha sa loob ng shoulder bag na nasa sofa. Inabot nito sa kanya ang isang seleponong 3210. Nag-alangan siyang kunin iyon. Ilang segundo na tinitigan lamang niya ang bagay na akala mo'y tutuklawin siya. De-keypad pa ang cellphone at kasinglapad ng remote. "Sige na, Aya. Para sa 'yo talaga 'yan. Hindi ba 'yan ang hiling mo sa 'kin para madali mo kong matawagan at ang mga kaibigan mo?" Matamis na ngumiti ang babae na tila inaamo siya. Nag-aalangan at napipilitan na kinuha niya iyon sa kamay ni Mela. "S-Salamat po..." "Sige na." Hinaplos muli nito ang ulo niya. "Magpahinga ka na sa kwarto mo. Magluluto muna ako ng hapunan." Tinuro nito sa kanya ang pinto ng kwarto. Tumayo si Mela at dumiretso sa kusina. Siya naman ay parang tuod na unti-unting naglakad patungo sa sariling silid. Hawak-hawak pa niya sa kanang kamay ang 3210 cellphone na binigay ni Mela. "I can feel it in my heart. Ms. Mela is a good mother just like my mom... Maybe... Just maybe... I should be more kind to her..." Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa babae na ngayo'y abala na sa pagluluto. Naghugas muna ito ng kamay, nag-clip ng mahabang buhok, bago nagsimulang maghiwa ng sibuyas. Pilit siyang ngumiti at nagsalita, "Maraming salamat po...." Lumingon ito sa kanya na tila kinagulat ang biglaan niyang pagsasalita. "Maraming salamat po, Mama..." Bago sa kanya ito. May tinawag siyang Mama bukod sa tunay niyang ina. Ngumiti lamang si Mela sa kanya at sapat na iyon para lumawak ang kanyang ngiti. Gumaan ang kanyang loob at pumasok na siya sa silid. *** Isinirado niya agad ang pinto, sumandal siya roon at napabuntong-hininga. Hindi na niya kailangang buksan ang ilaw dahil maliwanag naman ang paligid. Tumatagos ang sikat ng palubog na araw sa bintana ng silid at nilalaro ng maligamgam na hangin ang kurtina. "I need to clear my head..." pagkausap niya sa sarili at pasalampak na umupo sa gilid ng kama. Hinagis niya sa gitna ng kama ang bote at cellphone na binigay ni Mela. Tumalbog iyon at hindi naman nahulog. "Ang daming nangyayari, hindi ko na maintindihan. Kailangan kong i-relax ang puso ko para makapag-isip ako nang malinaw..." Pinikit niya ang mga mata at hinilot ang sentido. "Okay. Kailangan kong alalahanin ang lahat ng nangyari sa buhay ko sa taong 2022. Kailangan ko ring alalahanin ang mga pangyayari ngayong 2000...." Itinigil niya ang paghilot at tumitig sa kawalan. "Unang tanong, bakit napunta ako sa panahon na ito?" Napahawak siya sa baba dahil sa malalim na pag-iisip. "Hindi pa ako pinapanganak nang taon na ito. Hindi rin pinapanganak si Ate Loti. December 7, 2002 ang kaarawan ni Ate Loti. Ako naman ay pinanganak nang October 1, 2004." "My mom and my dad in this year are still in their boyfriend and girlfriend stage. Lola Dalisay is still alive and healthy...." Natigilan siya nang maalala ang kamatayan ng kanyang Lola Dalisay. "Noong atakihin sa puso at namatay si Lola sa taong 2020, wala ako sa tabi niya. Gumagana lamang ang back skip ko kapag nangyari sa harap ko ang kamalasan. Hindi ko siya nagawang iligtas." Umiling siya upang tanggalin sa isipan ang memorya na iyon. "Wait lang!" at napasinghap siya sa napagtanto. "Possible kayang magawa kong baguhin ang kinabukasan ni Lola Dalisay at buhayin din siya sa hinaharap?!" "Ah! Hindi pwede!" bulaslas niya na napasapo sa noo. " It's complicated. One wrong move, everything in the future will change for better or for worst. Kapag may binago ako sa timeline ng sarili kong buhay... baka magulo ko ang lahat. Kapag nagkataon, baka hindi na magkatuluyan sina Mama't Papa at baka hindi na kami ipanganak ni Ate Loti!" Napahawak siya sa magkabilang pisngi, namilog ang mga mata at napanganga. "No!" "I should not engaged with Lola Dalisay anymore! Hindi ang buhay ko o ang buhay ni Lola Dalisay sa hinaharap ang dapat kong ayusin... Ang dapat kong ayusin ay... " Naalala niya si Kenjie at ang nangyari kanina sa Talipapa. "Bago ako mapunta sa era na ito. Hiniling ko na mag-back-skip para masagip ang buhay ng kapatid ko. Hindi ako binalik ng kapangyarihan ko, 5 minutes before the incident. Binalik ako nito sa taon na bata pa ang killer na pumatay sa kapatid ko. Kung ganoon, nandito ako para baguhin ang buhay ni Kenjie. Nandito ako para pigilan siyang maging demonyo sa hinaharap." "Possible kayang mag-back skip ako ng 5 minutes dito, sa taong 2000?" Napaisip siya nang ilang saglit. "Hindi." Umiling siya muli. "Hindi dumodoble ang back-skip." Lumingon siya sa kaliwa nang namataan niya ang family picture na nakalapag sa side table. Tumayo siya upang maglakad patungo roon. Kinuha niya ang family picture at tinitigan. Nandoon sa larawan ang nakangiting mukha ni Aya kasama ang kanyang mga magulang. "Mukha silang masaya," naisip ni Hiraya. "Pero bakit ang Mama lang ni Aya ang nandito sa bahay? Nasaan ang Papa niya?" Ibinaba niya ang larawan at nagtanong sa sarili, "Sa daming tao sa panahon na ito na pwedeng lipatan ng katawan, bakit nga ba ako nalipat sa katawan ni Aya? Hindi kaya dahil estudyante siya ni Lola Dalisay at seatmate siya ni Kenjie?" "Funny how life works," she said with a mono-tone voice. "Everyone is connected. Dating estudyante ni Lola Dalisay ang serial killer at ang pumatay kay Ate Loti." Napabuntong-hininga siya at binagsak ang katawan sa malambot na kama. Tumihaya siya ng higa at inilapat ang mga braso habang nakatulala sa puting kisame. Gumulong patungo sa pisngi niya ang bote ng medisina. Tinitigan niya muna iyon nang ilang saglit bago muling kinuha't hinawakan. "Aya, anong sakit mo?" tanong niya sa hangin. At tila may tinuro sa kanya ang tadhana nang makita niya sa ilalim ng unan ang isang notebook na nakaipit. Bumangon siya at nakaupong hinablot ang nasa ilalim. DAILY JOURNAL. Nakasulat ang malalaking titik sa harap ng kuwaderno at may pangalan ni Aya sa loob. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD