Marami pa ring katanungan sa isip ni Hiraya ngunit naniniwala siyang isa-isa niya itong masasagot kung ipagpapatuloy niya ang misyon sa era na ito.
***
Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa klase. Inihatid siya ni Mela sa gate ng paaralan bago ito pumasok sa trabaho. Siya naman ay dumiretsong maglakad patungo sa classroom para umupo roon at hintayin na dumating ang kanyang target. Ngunit habang naglalakad siya sa hallway, napanganga at natigilan siya nang maabutan ito sa pinto. Huminto rin ang batang lalaki at napalingon sa kanya. Nagkatinginan sila nang ilang segundo.
"H-Hi!" awkward at wala sa sarili niyang bati. Ngising aso na tinaas pa niya ang kanang kamay.
Walang tugon si Kenjie at pumasok lang ito sa loob ng kwarto. Parang tinuring lang siyang hangin na dumaan.
Napasimangot siya nang malaki. "Mukhang mahirap itong pinaplano ko. Suplado ang isang ito!"
Sumunod na lamang siya na pumasok na rin sa loob ng classroom at umupo sa sariling silya. Kaunti pa lamang ang mga bata sa loob at hindi pa dumarating ang guro.
"Good morning, Aya!" bati ni Mayumi na biglang yumakap sa likod niya.
Naiilang na lumingon at ngumiti siya rito. "G-Good morning din."
"May assignment ka na?"
"Assignment?" ulit niya. "May assignment ba tayo?"
Tumawa si Oscar na katabi ni Mayumi. "Sabi ko na, hindi ka rin gagawa ng assignment! Oh ito, kopyahin mo na." Inabot nito ang tatlong notebook sa asignaturang Science, Math at Filipino.
"Ah...." Hindi niya alam kung anong isasagot. Minabuti na lamang niyang kunin ang mga kuwaderno at kopyahin ang sinasabi nilang assignment. "Thanks, but why you're so willing to lend me your work, Oscar?"
"Papakopyahin ka talaga n'yan ni Oscar. Crush ka niyan e----hmmm!" Impit na napatili si Mayumi nang biglang takpan ni Oscar ang bibig niya. Parang gusto na ring sakalin ng lalaki ang matabang babae.
"H-Huwag kang makinig sa sinasabi ni Mayumi! Basta kumopya ka lang, Aya!"
Pabalang na tinanggal ni Mayumi ang mga palad ni Oscar sa bibig at inis na binalingan ang binatilyo. "Hindi ako makahinga!"
"Tabatsoy ka kasi!"
"Anong kinalaman n'yon?"
Nagsimula na namang magtalo ang dalawa. Ilang saglit na nakatingin lamang si Hiraya sa dalawang kabataan bago natuon ang pansin niya kay Kenjie na tahimik lamang. Nakayuko ito sa desk at may sariling mundo habang mag-isang sumasagot sa notebook. Hindi rin ito nakagawa ng takdang-aralin.
Bumaling siya sa lalaki at may ngiting nagtanong, "B-Baka gusto mo na kumopya na lang sa 'kin."
Lumingon ito at tinitigan lang siya.
"Ano..." Nailang at naging mailap ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung anong susunod na sasabihin. Damn! I'm not good in socializing.
"Salamat pero huwag na lang." Sa unang pagkakataon, nagsalita si Kenjie. Ito ang unang beses na narinig niya ang boses ng batang lalaki. "Baka mahuli tayo at mapagalitan ka pa."
Oh! He actually cares. Akala niya ay aawayin o susungitan siya nito ngunit mukhang mature at maayos makipag-usap si Kenjie. "Don't worry about that. Hindi naman mapapansin ni Ma'am Dalisay kasi babaguhin natin nang kaunti. Hindi naman natin kokopyahin lahat."
Wala itong sinabi kaya minabuti na niyang buksan ang notebook ni Oscar at ipatong sa gitna ng desk para pareho nilang makita ang mga sagot. "Here."
Nang makita ni Oscar na pati si Kenjie ay kumokopya sa assignment niya, akma siyang lalapit para tumutol. "Hoy!"
Pero maagap si Mayumi na pinigilan ang kaibigan. "Pabayaan mo sila!" Nang tumingin kina Hiraya at Kenjie, mapang-asar na ngumisi si Mayumi. "Gumagawa ng paraan si Aya para pansinin siya ng crush niya!" sabi pa ng dalagita, "Huwag kang epal, Oscar. Yari ka sa 'kin."
Hindi naman pinapansin ni Hiraya ang naririnig niyang tuksuhan nina Oscar at Mayumi sa likod. Tumingin siya muli kay Kenjie na abala pa rin sa pagsusulat sa notebook. "Kapag naging close ko s'ya, malalaman ko ang naging buhay niya sa panahon na ito. Malalaman ko rin ang dahilan kung bakit siya naging masama sa hinaharap. But this mission is harder than I thought. How can I be closer to him?"
Saglit siyang napaisip. "Maybe I need to talk more."
"Kenjie."
Tumigil ito sa pagsusulat at agad na napalingon sa kanya. May kaunting pagtataka sa mukha nito. "Anong tinawag mo sa 'kin?"
"Kenjie." Siya naman ang nagtaka. "Iyon ang pangalan mo, 'di ba?"
"Oo, pero hindi nila ako tinatawag sa pangalan na 'yan," anito at muling nag-iwas ng tingin.
Naalala ni Hiraya na Banoy ang tawag sa kanya ng lahat. "I prefer to call you in your real name. I don't like the name Banoy. Para kasing panunukso at bansag nila 'yan sa 'yo. Sa paningin ko, hindi ka abnormal... saka... ang gwapo mo kaya."
Parang tinuklaw ng ahas na biglang lumingon si Kenjie sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito dahil hindi makapaniwala sa narinig.
"Ah wait nga lang... Ano ulit 'yong sinabi ko? Sh*t! Sabi ko na nga ba eh, papalpak ako sa conversation na 'to. Hindi talaga ako marunong makipag-usap sa tao. What on earth did I say?" Pinagpapawisan at kinakabahan siyang tumingin sa katabi. Pilit siyang ngumiti sa gitna ng nakakailang na presensya. Parang gusto na niyang lamunin ng lupa.
Si Mayumi naman ay kinikilig sa likod. Biglang naging fan girl ang loko-loko at bumubolong pa ng , "Go girl! Win the heart of your crush."
Si Oscar naman ay nakanganga lang at hindi pa rin makapaniwala. Una, ang assignment na binigay niya ay binigay rin ng crush niya sa iba. Pagkatapos, narinig niyang sinabi ng crush niya na gwapo 'yong isa. Nawarak na yata ang puso niya sa tatlo.
Hinintay ni Hiraya ang isasagot ni Kenjie. Ngunit muli itong nagbaba ng mukha at tila nahihiya nang tumingin sa kanya. Namula ang magkabilang pisngi nito na umabot hanggang sa tainga.
Napaawang ang bibig ni Hiraya at pinikitpikit ang mga mata. "Anong klaseng reaksyon 'yan?" Umiling siya at tinanggal ang nasa isip. "Concentrate in your goal, Hiraya! Be closer to him. Kapag napigilan mo siyang maging masama, maliligtas mo rin ang mga biktima niya at ang ate mo sa hinaharap!" pagkausap niya sa sarili.
"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng klase, Kenjie?" diretsong tanong niya.
"W-Wala naman," simpleng tugon na hindi pa rin makatingin sa kanya.
"Lumabas tayong dalawa!" suggestion ni Hiraya. Tama! Kung magiging playmates kami o magkabarkada, mas mapapalapit ako sa kanya.
Hindi napansin ni Hiraya na iba ang dating ng mga salitang binitawan niya. Impit na napapatili si Mayumi dahil sa kilig, samantalang malapit nang humagulgol ng iyak si Oscar. Nakikinig ang dalawa sa usapan nina Hiraya at Kenjie mula sa likuran.
Pero napasimangot nang malaki si Kenjie na tila may naisip na hindi maganda. Iritadong tumingin ang batang lalaki kay Hiraya at sinabing, "Huwag mo kong pagtripan pwede ba? Hindi ka nakakatuwa."
Kinagulat ni Hiraya ang sinabi ng lalaki at hindi siya agad nakakibo.
"Sa 'yo na 'yan!" Inurong nito palayo ang kuwaderno ni Oscar na tila nagagalit.
Sh*t! Hindi siya pwedeng magalit sa 'kin. Mahihirapan ako sa misyon ko. "Kenjie, hindi kita pinagtritripan! Seryoso ako sa 'yo."
Pero hindi na siya nilingon ni Kenjie. Iritado at nakasimangot ang mukha nito na hindi siya pinansin. Sa ganitong punto, alam ni Hiraya na kailangan niyang gumawa ng paraan.
Without thinking, she hold his left hand and that sudden contact makes Kenjie looks back at her. Nagtama ang mga balintawtaw nila. Kitang-kita sa kislap ng mga mata ni Hiraya ang determinasyon. "Seryoso ako. Hindi kita niloloko. I want to know you more!" she said it with full conviction. Napasapo pa siya sa sariling dibdib. "Believe me, Kenjie. I want to be closer to you." Pinipilit niyang paniwalaan siya ng kausap.
At nag-iba na naman ang reaksyon ng mukha ng batang lalaki. Nakanganga ito at namimilog ang mga mata dahil sa pagkabigla. Sa isang iglap, nagkulay kamatis ang buong mukha nito at walang maisagot ni isang kataga sa kanya.
"OMG!" may sumigaw sa kanilang likuran at sabay silang napatingin kay Mayumi na nangingisay-ngisay dahil sa kilig. "Aya is so aggressive when it comes to love! Ang lakas ng loob mo!"
"Ha?!" Napanganga lamang si Hiraya na hindi pa rin maintindihan ang pinupunto ni Mayumi. Naramdaman niyang hinablot ni Kenjie ang kamay nito na hawak pa rin niya. Napatingin siya sa seatmate ngunit ang pulang-pulang mukha nito ay nakabaling sa kabilang panig. Naramdaman niyang sobrang nahihiya na ito sa kanya.
Pumagitna bigla si Oscar sa pagitan nila ni Kenjie. Iritadong hinablot nito ang mga notebook niya na nasa desk at sinabing, "Ang sama mo, Aya!"
"Ha?!" Lalo lamang nagtaka si Hiraya. Bakit? Ano bang ginawa ko?
Naudlot ang pag-uusap nila nang dumating si Dalisay sa loob ng klase. Tumayo na ang mga bata at sabay-sabay na nagsabing, "Good morning, Ma'am Dalisay."
***
Sa buong magdamag, hindi maintindihan ni Hiraya kung bakit panay ang pagsulyap sa kanya ni Kenjie. Kapag nahuli niya itong nakatitig ay bigla itong umiiwas ng tingin. Hindi talaga niya maintindihan ang utak ng mga lalaki.