Simula
"Where are you going, dude?" Tanong ni Elijah, ang legal director ng GoldenScape Chains and Hotels kay Ryder.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "I'm going to surprise Avery," tukoy niya sa kanyang girlfriend na ngayon ay kanya ng fiancee.
He and Avery had been betrothed to get married by both of their parents kaya naman, naging girlfriend niya agad si Avery pagtuntong nito ng eighteen years old.
"Eh di wow," sarkastikong sagot ng kanyang kaibigan.
Hindi niya maiwasang matawa. "Get a girlfriend on your own so you would also get busy like me."
Napailing naman ang lalaki. "I'm already busy with my life, Ryder. Women were just pain in the ass who would consume my time and nothing else."
He chuckled. "Tsk. Bahala ka nga. Aalis na ako. Magkita na lang tayo sa opisina bukas," paalam niya.
Tinaguan lang siya nito kaya agad na siyang umalis. He just came from London because of an overseas meeting regarding their hotel branch on that area. At the age of twenty-six, he is now the acting Vice-chairman and CEO of GoldenScape that was built by his grandfather. At dahil nag-iisa lang siyang anak, siya rin ang nag-iisang tagapagmana ng naturang hotel.
He rode on his Maybach and started the engine. Napalingon pa siya sa paperbag na nasa passenger's seat. It was a limited edition handbag that Avery wanted. He bet she'll be very happy to see it.
All throughout their relationship, naging masaya naman siya. Para bang mutual understanding lang ang meron sila dahil nakatatak na sa kanila noon paman na sila dapat ang magkakatuluyan. He can't say that he loved her that much, all he can say is the respect is there that it hinders him from playing fire with other women. Kuntento na rin naman siya kay Avery dahil naibibigay naman nito ang pangangailangan niya at maging siya dito.
Avery Santillan also came from a very wealthy family. May-ari ng isang sikat na construction company ang mga magulang nito at kagaya niya, nag-iisang anak din ang dalaga. Parehong magkaibigan ang mga magulang nila lalo na ang kanilang mga ina kaya naisipan ng mga ito na ipagkasundo sila.
Huminto ang kanyang sasakyan sa parking lot ng condominium building na tinutulyan ni Avery. Dala ang kanyang regalo sa nobya, pumasok siya sa elevator at pinindot ang floor unit ni Avery. Minutes later, the elevator opened to his destination.
He fetch the spare keycard he had para buksan ang pinto. It's already nine in the evening kaya naman sigurado siyang tulog na ang babae.
Marahan ang klase ng pagkakabukas niya sa pinto dahil ayaw niyang mahuli siya nito agad. The whole lounge is dim subalit bukas ang ilaw sa silid nito dahil hindi naman sinara ng maayos ang pinto.
He smiled and began walking towards her door when he stumbled upon something. Huminga siya ng malalim at naglakad palapit sa switch mg ilaw at binuksan iyon but to his surprise, he saw something very unpleasant towards his eyes.
Nagkalat ang mga damit ni Avery pati na ang underwear nito but the thing that made his blood boil were the clothes and pair of shoes that belonged to a man.
Fúck!
Is she cheating on him?
Marahas ang naging hakbang niya papunta sa silid ng babae. Without hesitation, he opened the door and saw his fiancee naked, peacefully sleeping in the arms of a man who's also nude.
"What the hell is the meaning of this Avery?" Malakas niyang sigaw.
Avery purred like a cat bago dahan-dahang nagmulat ng mga mata. The calmness in her eyes turned into worries nang makita siya.
"R—ryder?"
Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa dalawa. Funny that it didn't hurt because he loves her but his ego was being trampled on.
"Ryder. It's not what you think. P—please let me explain," natatarantang ani Avery habang humahagilap ng pantakip sa hubad nitong katawan while his lover was still peacefully sleeping like nothing ever happened.
Sarkastiko siyang natawa. "You don't need to explain anything Avery. Sapat na ang nakita ko," malamig niyang sambit at tinalikuran na ang dalawa.
Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang bigla nalang siyang niyakap ni Avery mula sa likuran. The thought that she hugged her after sharing a wild night with someone else disgusted him.
Mabilis niyang kinalas ang mga braso nito at bahagyang itinulak ang dalaga. "Don't you dare touch me with that filthy hands of yours, Avery."
Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ng dalaga but he can't be fooled by it anymore.
"Ryder please. Magpapaliwanag ako. What happened tonight was a mistake. Wala lang ito. We were just drunk kaya... kaya humatong sa ganito. But believe me, ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita—"
"If you really love me, you won't cheat on me, Avery. Kung ako ba ang gumawa ng katarantaduhang ito, what will you feel? Will you laugh? Of course not! Magagalit ka! And that's what I am feeling right now! How could you cheat on me when I've been loyal to you all this time!" Sumbat niya.
Hatred formed in Avery's eyes. "You've been talking like I am the only one at fault here! Sa tingin mo ba magloloko ako kung wala ka ring pagkukulang?!"
He stared at her with disbelief in his eyes. She was the one who's at fault but why is she blaming him now?
Marahas nitong pinahid ang mga luha na namalisbis sa sarili nitong pisngi. "Yes you might have been loyal to me but did you ever really love me? You were with me the whole time, we do things that couples do. We date, we kiss, we had séx pero pakiramdam ko may kulang parin! Parang ako lang yung nagmamahal sating dalawa!"
"So that's your reason why you had séx with someone else? Dahil may pagkukulang ako? Tell me, Avery, how many times did you do this behind my back? Twice, thrice? Many times?"
Avery didn't answer him and just continued crying.
He laughed without humor. "You know what? Maiintindihan pa sana kita eh. Kung sinabi mo lang agad. We could break up so you could find that thing you've been looking for or you could've told me everything that's on your mind so we can sort everything out but you didn't. You cheated and betrayed me instead. Is that what you call love?"
Huminga siya ng malalim bago muling nilingon si Avery. "I guess I can't continue what my late mother promised to you and your family."
"W—what do you mean?"
"I'm breaking up with you and I'm calling off the engagement," malamig niyang turan bago tuluyang nilisan ang condo ni Avery.
Pero nang makarating na siya sa labas ay muli na naman siya nitong hinabol at niyakap. Mariin siyang napapikit bago inilayo sa katawan niya ang babae.
"You can't do this to me, Ryder. Hindi mo ako pwedeng hiwalayan! Please... Please... I will change. Hindi na kita lolokohin ulit. I will be a good girlfriend from now on. Huwag ka lang umatras sa kasal natin. My parents will get mad Ryder," pagsusumamo nito.
Muli siyang bumuntong hininga. "You should've think about it bago mo ginawa ang bagay na ito."
"Ryder please..."
He bit his lower lip bago muling nagsalita. "I will take the fall and will let them blame me that we broke up. Hindi ko sasabihin sa kanila ang dahilan. That's the last courtesy I could give you as your childhood friend," malamig at seryoso niyang ani bago tinalikuran ang babae sa ikalawang pagkakataon.
He rode on his car once again and drove around the city without direction. He was mad yet he can't take it out on anybody. Masyadong magulo ang isipan niya. Ilang sandali pa siyang nagmaneho bago tinawagan si Elijah.
"What?" Paos nitong tanong sa kabilang linya.
"Hindi ako makakapasok sa opisina bukas. Just give an alibi to my father or to anyone who will asks for me."
Ilang sandali pa itong natahimik bago muling nagsalita. "Where the hell are you going tomorrow?"
"I want a getaway dude. Babalik din naman ako kapag maayos na ang pakiramdam ko," aniya bago pinatay ang tawag.
He immediately turn off his phone and went to his own condo para mag-impake ng kaunting damit. Hindi man niya alam kung saan siya pupunta but once and for all, he want to travel without direction and see how it goes out.
Matapos makapag-impake ay agad siyang pumunta ng airport. Instead of having a special privilege and taking a personal VIP flight, umalis siya at nagbook ng available na ticket gaya ng isang ordinaryong tao.
He look at his ticket which was bound to Mindanao. Isang lugar lang ang pumasok sa isip niya na pupuntahan niya though he wasn't sure if he'll tell Tyrone Saavedra that he's coming to his place.
After an hour, tinawag na ang mga pasahero sa naghihintay na eroplano at kasama siya doon. Without thinking about anything he had in Manila, he left the place to travel somewhere for his peace of mind...