Chapter 18: Buko Pie

1635 Words

Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at dahan-dahang inilibot ang tingin sa paligid. Wala na siya sa farm at nakahiga na sa pang-isahang kama. "Malia, gising ka na!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita si Becca sa b****a ng pinto. Mabilis na tumakbo ang babae patungo sa gawi niya. Inalalayan naman siya nitong makaupo at pinasandal sa headboard ng kama. Napagtanto niyang nasa maliit na clinic siya ng bayan nila. "Anong nangyari, Becca?" Mahina niyang tanong. Pinisil nito ang kanyang kanang palad bago nagsalita. "Hinimatay ka kanina habang nagtatanim tayo." Sandali siyang natigilan habang inaalala ang nangyari. Ilang sandali pa'y napatango-tango siya bago nagpakawala ng isang buntong hininga. "Oo nga pala." "Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD