Gaya ng bilin ni Ryder sa driver, inihatid siya nito hanggang sa bahay niya. Nang maibaba na niya ang kanyang pinamili ay siya namang paglabas ng kanyang Lola mula sa loob ng bahay. Napatingin ito sa papaalis na sasakyan bago ibinaling ang tingin sa kanya. "Umalis ulit si Ryder?" Umiling siya bago malungkot na ngumiti. "Bumalik na po ng Maynila si Ryder, Lola." Literal na nanlaki ang mga mata ng matanda. "Ano kamo?" "Umuwi na po muna sa Maynila si Ryder." Ilang minuto itong hindi nakapagsalita. Maya maya pa'y tumalim ang titig nito sa kanya. "Huwag mo akong binibiro Malia ha! Nasaan na si Ryder?" Napalunok siya para mawala ang bikig sa lalamunan niya. "Umuwi na nga po sa kanila. Naaksidente po ang daddy niya kaya nagmamadali siyang umalis para habulin ang pinakamaagang flight sa oras

