Hindi na nila itinuloy ang pagmemeryenda at nagtungo na sa sasakyan. Mabilis ang bawat hakbang ni Ryder kaya halos patakbo siyang nakasunod sa lalaki. Tumigil naman ito sa harapan ng pinto ng kotse at pinagbuksan siya. "I will send you home bago ako luluwas ulit papuntang airport." Agad na sumikip ang kanyang dibdib sa narinig. Alam niyang mahalaga ang dahilan kung bakit ito aalis sa tabi niya pero hindi niya kayang pigilan ang pagdadalamhati ng puso niya sa katotohanang iiwanan siya nito. Nang mapansin ng lalaki ang naging reaksyon niya, kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. "Babalikan kita, Malia. I promise you," masuyo nitong sambit. Pero mas lalo lang siyang naiyak sa sinabi ni Ryder. Parang pinipiga ang puso niya sa lungkot. Nilukob siya ng takot na kapag umalis si Ryder ay hi

