Dumating ang oras ng kanyang flight papuntang Maynila. Halos walang pagsidhan ng kaba sa kanyang dibdib habang hinihintay na tawagin siya kasama ang iba pang mga pasahero. Hinatid naman siya ng kanyang Lola mismo at ni Becca subalit hanggang sa labas lang naman ang mga ito. "This is the final boarding call for passengers booked on flight 305A to Manila. Please proceed to gate three immediately..." Napatingin siya sa kanyang ticket. Nang magsitayuan na ang mga kasama niya ay nakisabay narin siya bitbit ang isang maliit na travel bag. Sandali pa siyang lumingon sa pag-aasam na makita ang kanyang Lola subalit hindi na iyon nangyari pa. Humugot siya ng hangin bago napagpasyahang magpatuloy na. Habang nasa himpapawid, wala siyang tigil sa pagdarasal na makarating siya ng ligtas at hindi siya

