EXCITED na tiningnan ni Astrid ang resulta ng kanyang pregnancy test. Pumikit pa ito, at dahan dahan na binuksan ang isang nakapikit na mata. Halos magtatatalon siya sa tuwa ng makitang positive ito. Napasigaw pa ito, na naglikha ng ingay sa loob ng banyo. Mula sa pintuan ng banyo kung saan naghihintay si Lance ay dinig niya ang pagtili ng kanyang asawa, kaagad siyang nakaramdam ng kaba, at pilit na binuksan ang pinto. "W-wife, what happened?" nag-aalalang tanong niya dito. "Babe! My God babe, I'm so happy." masayang wika nito sa asawa. Akala niya kung napano na ang asawa. Kakamut-kamot naman sa ulo si Lance. "And why are you happy wife? And what was that?" sabay nguso nito sa hawak nitong PT. "Ahm, babe let's go! Naghihintay na si Doctora sa atin, siya nalang ang bahalang magpaliwan

