LAHAT ay abala para sa kasalang magaganap sa Mendez Hotel and Resort. Dito piniling ikasal nina Astrid at Lance, an intimate beach wedding. Yan ang isa sa mga pangarap ni Astrid ang maikasal sa isang Beach Resort, at ngayon ay matutupad na nga, at ikakasal na siya sa lalakeng kinaiinisan niya dati, na ngayon ay magiging asawa na niya. Sino ang mag-aakala na ang tinatawag niyang n***o, ang lalakeng sinabihan niya na hindi niya magugustuhan kahit na kailan ay siyang mapapangasawa niya ngayon at makakasama hanggang sa kanyang pagtanda. "Are you ready sissy? This is it, finally ikakasal kana." naluluhang sabi ni Nathalie kay Astrid. "You are the most beautiful and amazing woman I've ever known Astrid!" nakangiting wika naman ni Sabrina sa kanya. "Huwag niyo naman akong paiyakin na dalawa,

