LUMIPAS ang isang linggo pero hindi parin nagkakamalay si Lance. Nailipat na siya sa kanyang private room. At todo bantay sa kanya si Astrid. Simula noong nalaman nilang pinagtangkaan talaga ang buhay niya, ay hindi na nawalan ng mga pulis na nagbabantay 24 oras sa hospital. Lahat ng miyembro ng pamilya Saavedra ay may kanya kanyang mga bodyguard's. Salitan ang kanilang pagbabantay sa hospital. Si Astrid naman ay halos hindi na umuuwi, gusto niyang sa hospital lamang siya. Nagbabaka sakaling dumilat na ito at baka siya ang una nitong hanapin. Ang sabi ng doktor ay isang himala ang nangyari, dahil nasurvived niya ang 24 oras na ibinigay na taning dito. Mabuti na lang at nagrereact na sa katawan nito ang mga gamot na ibinigay sa kanya. Natanggal na ang namuong dugo sa kanyang ulo. Nagi

