ASTRID POV : Nanghihina akong napasandal sa ding ding ng hospital. Hindi parin nagsisink in sa akin ang mga nangyari kay Lance. Gustong gusto ko na siyang makita, gustong gusto ko na siyang mahawakan. Pero hindi pa pwede, dahil wala pang pahintulot ang mga doktor. Bigla akong tumakbo, patungo sa isang maliit na chapel ng hospital. Nanghihina akong napaluhod at taimtim akong nagdarasal. "Diyos ko, kung ano man ang plano mo para sa amin malugod ko itong tatanggapin. Pero sana Lord, huwag naman po ngayon, maawa ka po sa amin Diyos ko. Ikaw na lang ang pag-asa ko, huwag mo pong kukunin sa amin ang mahal ko! Ngayon pa lang kami nag-uumpisa sa aming buhay! Maawa po kayo!" Hindi ko mapigilan ang aking sarili, habang patuloy akong humahagulgol. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na naka

