"PAPAYAG na ako sa gusto niya! Gawin niyo akong pain babe!" seryosong sabi ni Astrid kay Lance. Nakapag-isip na siya ng mabuti. "What? No! Hindi mo gagawin yun! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" kunot ang noong sabi nito sa dalaga. "Babe just trust me ok? Hindi ako magagawang saktan ni Brent. Maniwala ka, mahal ako nun!" He just nodded, kahit anong mangyari hindi siya papayag. Siguro naman marami pang pwedeng paraan. "Babe, nakapagdesisyon na ako. Haharapin ko na si Brent, para sa ikatatahimik nating lahat kaya ko ito gagawin. Magtiwala ka sa akin babe, babalik ako sa inyo ng buo!" Hindi naman umiimik si Lance, nakatulala lamang ito. Mukhang desidido na talaga si Astrid, at hindi na niya ito mapipigilan. "Ku- kung yan ang gusto mo. Kailangan nating paghandaan ito ng mabuti. Kapag rea

