Iniiwas ni Astrid ang kanyang ulo ngunit lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang buhok. Sinamaan niya ito ng tingin. "Masyadong ka namang kumpiyansa Brent!" His friendly smile turned into a sneer. "Huwag kang magmaldita Baby girl! Nakikita mo ba ito?" sabay taas nito ang hawak nitong maliit na cellphone. "Isang pindot ko lang dito, boom! Sabog ang bahay ng mga Saavedra, madadamay pati ang mahal mong matanda at ang mahal mong si Lance!" Natigilan si Astrid. "Nilagyan mo ng bomba ang mansion? Hayop ka Brent, wala kang kasing sama! Pati si Lola idinadamay mo! Wala kang puso, demonyo ka Brent, demonyo!" Ang kaninang ngiti ay napalitan ng katakut-takot na pagtawa. "Nang dahil sa mga Saavedra kaya ako nagkaganito. Ipinakulong nila si Daddy dahil malaki ang nadispalko nitong pera

