TILA huminto ang pagtibok ng puso ni Astrid, nang makita niya ang kumikinang na baril, habang hawak ni Brent. " Brent, parang awa mo na! Please ako lang naman ang kailangan mo diba? Su-susunod na ako sa lahat ng gusto mo, ibaba mo lang yan. Please!" pagmamakaawa ni Astrid habang nakaluhod sa harapan ni Brent na umiiyak. "Eh kung patayin ko na kaya itong Lance mo tutal hindi na niya mararamdaman ang sakit dahil wala naman siyang malay?" sabay tutok nito sa baril na hawak sa ulo ni Lance. "Brent maawa ka! Malaki ang pinagsamahan niyo Lance, magkaibigan na kayo simula pagkabata. Hindi mo man lang ba naiisip yun? Parang awa mo na, huwag! Kung gusto mo ako na lang ang patayin mo!" Nagsusumamong pakiusap ni Astrid. Naiiling iling naman si Brent, habang patuloy siya sa pag-iyak sa harapa

