CHAPTER 006 ( Kilig to the bones )

677 Words
Flashback - 5 ASTRID POV : Pabagsak akong humiga sa aking kama, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hawak ko pa ang aking labi na hinalikan kanina ni Lance. "Urrgggg!'' Sabay tili habang nakasubsob sa aking unan. "I want my first kiss to be memorable, not this way. But, infairness that was so sweet! Ayyiee!" Kilig to bones ang lola niyo! Sabay pagulong gulong ako sa aking malambot na kama. At hindi ko na namalayang nahulog na pala ako! "Ouchh! Ang sakit naman nun! You deserve's it Astrid! Hoy kung kiligin ka diyan parang teen-ager lang tsk tsk!" Ang sakit tuloy ng likod ko dahil sa katangahan ko hmmpp! Makatulog na nga, ilang minuto pa akong pabaling- baling sa aking higaan, pero ayaw parin akong dalawin ng antok. Pilit parin akong pumipikit, pero sadyang mailap sa akin ang antok. Madaling araw na nang di ko namalayan at nakatulog narin ako. End of Falshback× PRESENT× "Mauna na kayo sa Valencia bro, ako na ang bahala dito! Magreport narin kayo sa malapit na Police Station!" Sabi naman ni Nick. "No bro, just call for Major Fernandez siya na ang bahala dito!" tinawagan naman ni Nick si Major Fernandez. At nangakong magpapapunta kaagad siya ng kanyang mga tauhan. A few moments later... Dumating narin ang mag pulis para mag-imbestiga. Sinabi naman ni Lance ang lahat ng kelangan nilang malaman. Bago ang aksidente ay nakatanggap daw ito ng tawag mula sa di kilalang tao. Pinagbabantaan daw ito. At napag- alaman din nila, na sinadyang putulin ang brake ng sasakyan nito. "Kung gusto mo syang yakapin, pwede naman napako kana diyan? Hehehe." natatawang sabi ni Nick "You're crazy Nick! Gusto ko syang sakalin kung pwede? Tingnan mo nga parang wala lang sa knya ang nangyari, hanep yang kaibigan nyo Nick. Grabe sa kayabangan. Taas na nga kamay ko sa kanya eh, nakangiti pa ang loko tsk tsk!" "Ganyan na talaga si Ranger pagdating sa mga ganyang bagay. Hindi mo makikitaan ng kahit konting takot. Hindi na bago sa kanya yan, matigas na talaga ang ulo, arogante, pero mabait naman yan!" "Come again Nick, Ranger?" nakataas ang kilay kong tanong. "Yeah! We used to call him Ranger, he's a former Scout Ranger diba?" "Is that so?" Napangiti ako lihim. "Ranger? Hmmm.bagay sa kanya hihi!" Salubong ang kilay na binalingan ako Lance. Mga matang tila galit na galit. Nag-iwas naman ako ng tingin, dahil kinakabahan na talaga ako sa paraan ng kanyang pagtitig. Napapalunok nalang ako at blanko na rin ang bigig ko. Hindi ko inaasahan ang galit na nakikita ko sa kanya ngayon. Parang isang dragon na bubuga na lang apoy anumang oras. "You have a lot of explaining to do, you woman!" Gigil itong tumitig sa akin. "s**t! Nakakatakot naman ang taong ito. Saka bakit ako, anong nagawa ko?" Hindi na ako nakasagot at nakatulala na lamang ako sa kawalan. Dahil hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga titig niya na iyun. "Tahimik kana diyan, wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong naman ni Nick. Isang buntung hininga ang aking pinakawalan, at kibit balikat akong nagsalita. "Ano pa ba ang sasabihin ko? Wala naman akong alam sa sinasabi niya. Hindi ko talaga maintindihan yang kaibigan mo! Kahit pa siguro magdada ako ng magdada hindi rin naman yan makikinig!" Naiiling kong sabi. Pauwi na kami ng mansion, sakay ng aking kotse. Si Nick naman ay nauna na ring umalis. Si Lance na ang nagdrive, walang imikan sa aming dalawa, habang tinatahak ang daan pauwi ng Valencia. Walang imikan sa amin, habang tahak ang daan pauwi ng mansion. Hanggang sa makarating kam..Pagbaba ko ng sasakyan saka palang ito nagsalita. "Hindi pa tayo tapos, mag-uusap tayo mamaya. Marami kang dapat ipaliwanag Astrid!" Seryosong sambit nito sa akin. "Naloko na! Humanda kana Astrid, ihanda mo ang sarili mo sa dahil parang mahaba-habang interogasyon ang mangyayari!" Galit nga siya, nagtataka rin ako. Bakit feeling ko ako ang sinisisi niya sa nangyaring aksidente sa kanya. Ang hirap niyang intindihin, paanong ako ang dahilan? Bakit ako, anong nagawa ko? Continuation on the next chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD