Gabi na nang makauwi kami ng mansion,
sinalubong naman kami nila Lola at Nathalie na sobrang alalang-alala sa nangyari sa Kay Lance.
"Thank's God you're safe kuya."
"Sigurado ka ba walang masakit sayo apo? Bakit hindi kayo nagpunta ng hospital para masuri ka?"
"Wala ito La, malakas ang apo mo,see?" Pagmamayabang pa nito.
Kinuha ko naman ang first aid kit, at sinimulang linisin ang mga sugat at galos nito.
Wala akong imik, pero naiinis parin ako sa kanya. Dahil sa inis ay sinadya kong diinan ang paglilinis sa sugat niya.
"Ouch! Dahan dahan naman Astrid pwede? Asik nitong sabi.
"Ngayon nasasaktan ka,kanina hindi. Ang labo mo rin noh? Ang sarap mong batukan!"
Sabay irap ko sa kanya.
Nang masigurong ayos lang kami ay
hinayaan na kami ni Lola na umakyat sa aming kwarto, para makapagpahinga.
"O siya sige, umakyat na kayo ng makapagpahinga na kayo."
"Sige po Lola, kayo rin po magpahinga na po kayo."
It's been a long day after I freshen up,
humiga na ako sa aking kama. Mga ilang minuto na akong nakahiga nang maramdaman kong may pumasok sa aking silid. Amoy palang nito
ay kilala ko na kung sino.
Naaamoy ko ang bango ng shower gel na ginamit nito pampaligo.
Nakatayo siya ngayon sa harapan ko.
Syempre tulug-tulugan lang ang peg Lola niyo.
"Ang bango mo naman Lance,ang sarap mo sigurong yakapin at halik-halikan.
Lord please help me,
come on Lance kiss me,like a sleeping beauty!"
Pero walang nangyaring ganon, bokya ang beauty ng lola niyo. Humila ito ng upuan at umupo malapit sa kama ko.
" I know you're still awake, huwag kana magtulug-tulugan diyan.
Kailan mo balak ipaalam sa akin na may stalker s***h secret admirer ka?
Tumawag pa siya sa akin,hindi mo ba alam yun?
Siya ang may kagagawan sa nangyari sa akin kanina.That damn, stalker of your's!
Pipilipitin ko talaga ang leeg nya, malaman ko lang kung sino sya!"
May diing sabi nito.
Bumangon ako,at sumandal sa aking head board.
Salubong ang kilay kong tumitig sa kanya.
"Do I really need to tell you everything,huh? Hindi mo naman ako kaanu-ano diba?
At wala akong obligasyon na sabihin pa sayo! And besides wala namang
masamang nangyari sayo. So what's the big deal then?
Enjoy na enjoy ka nga sa tuwing may banta sa buhay mo.
Parang wala lang sayo ang lahat, ang hirap sayo masyado kang mayabang akala mo kaya mo ang lahat.
Hindi mo man lang iniisip ang mga taong nasa paligid mo!" Bulyaw ko pa sa kanya.
"You have too. Dahil sagutin mo ako.
Kung may nangyaring masama sa akin
sagutin mo parin ako.
Paano kung natuluyan ako? Hindi ka rin nag-iisip, galit sa akin ang stalker mo. Kasalanan mo kung napatay ako.
Naririnig mo ba ang sinasabi mo Astrid?"
At tuluyan na siyang lumabas sa aking kwarto.
Nakokosensya ako, dahil pati sya nadadamay na nang dahil sa akin. Nang dahil sa mga taong walang magawa sa buhay.
"I'm so,sorry Lance!"
Wala man lang akong magawa,
hindi ko rin kilala kung sino siya.
Halos araw-araw ay nakakatanggap ako ng text, at paiba-iba rin ang gamit nitong number.
Walang palya ang
pagpapadala sa akin ng mga
flower's at chocolates.
Tinatanggap ko rin ang lahat ng iyon,
pero hindi ko inaasahan na darating na ito sa sukdulan.
Na pati taong inosente,ay nadadamay na.
Pwede naman siyang humarap sa akin para manligaw.
Hindi yung ganito. Hindi siya patas sa buhay. Hindi siya patas lumaban.
Bakit may mga taong ganito? Mas gugustuhing makapanakit ng iba para lang lumigaya.
Ang sarap mabuhay,pero ang ibang tao pinipiling masira ang buhay masunod lamang gusto nila. Wala silang pakialam kung may masaktan mang iba. Basta ang mahalaga maging masaya sila.
_ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Continuation on the next chapter