ASTRID POV :
Kinabukasan_ _
"Good morning pretty A, flower's again?"
Sabi ni Brent na saktong papasok na rin sa hotel.
Co-owner ng Hotel Saavedra ang pamilya ni Brent.
Sa kitchen ito namamalagi dahil sa hilig nitong magluto at mag-bake.
Isa rin siyang magaling na Chef at may sariling mga Restaurant's and Restobar's.
"And who's the lucky guy?"
"Wala,hindi ko rin kilala eh! Naduduwag siguro siyang magpakilala. And beside's wala pa akong planong magka- boyfriend. As of now, my priority is my career. This is not the right time Brent,
hindi ko pa siya nakikita.
I mean the right one." Sabi ko.
"So what is your ideal man huh?"
"Just forget about it Brent. I'm still enjoying my single life. Sige Brent I have to go. I have a lot of paper work's today bye!"
"Bye pretty, have a nice day!"
Sanay na akong tawagin ni Brent ng sweety or pretty. Mabait siya, gwapo kung sa gwapo at may sinabi sa buhay.
Dati na syang nagpaparamdam sa akin. Pilit ko ring kinakapa ang aking damdamin,pero wala talagang spark.
Wala akong maramdaman
na kakaiba sa kanya.
Hanggang kaibigan lang talaga ang pwede kong ibigay sa kanya.
Nasa office na ako nang makatanggap ng tawag mula sa intercom.
" Miss Mendez, to my office now!" Ma- awtoridad na sabi nito.
"Ano ba yun sumisigaw na naman ba siya? Hindi ba siya pwedeng magsalita ng hindi sumisigaw? Ano na naman kaya ang nagawa ko?"
Tok.tok.tok!
"Come in Miss Mendez!" Tono ng isang galit.
"Anything I can do for you Sir?" Nakayuko lang ako habang nagsasalita dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya ng tingin. Hawak pa nito ang kanyang ballpen habang pinapaikot ikot ito sa kanyang mga daliri.
"Just to remind you Miss Mendez,
you are here, for work!
And not to entertain your suitor's. Or better to say flirting with someone else!
Can you set aside your lovelife,
from your work?
Dito ka pa nagpapaligaw eh, may bahay ka naman!
Maging magandang halimbawa ka sana sa ibang employees. f**k!"
At napahilamos pa ito sa kanyang mukha.
"Anong problema nito,kala mo may regla. ang sungit-sungit. Daig pa ang isang babae, kulang na lang umusok ang ilong nito sa galit?"
Tumikhim muna ako bago ako nakapagsalita.
"Kung makapagsalita naman kayo Sir wagas. Nagpapaligaw talaga,dito huh!? First of all, wala po akong nilalandi at hindi ko po gawain yun.
Don't worry Sir, diko po napapabayaan ang Hotel, nagtatrabaho po ako ng maayos. Ginagawa ko po ang lahat!
And now if you'll excuse me Sir, I have to go." Naiinis na paliwanag ko dito, bakit ako na lang palagi ang nakikita niya?
"That's great! Good to hear,mabuti na yung malinaw tayo.You are in my territory Miss Mendez,and as your Boss,
you have to obey my commands!
Now you may go!" Sabay turo pa nito sa pintuan.
Pabagsak kong sinara ang pinto ng office ni Lance.
"Galit ka ba?" Pahabol pa niyang sabi. "No Sir, napalakas lang po ng pagsara hmmppp.tse!"
At tuluyan na akong lumabas..
Third Person POV :
Hindi naman maiwasan ni Lance ang mapangiti, habang tanaw si Astrid palabas ng kanyang opisina.
Ang cute lang nitong pagmasdan habang nagdadabog.
Naiiling -iiling na lang ito.
Nakita niya sa monitor niya na may dala- dala itong bouquet of flowers. At kausap pa nito ang kaibigan niyang si Brent.
Na talaga namang nagpaigting ng kanyang mga panga.
Kaya agad niya itong pinapunta sa office nito para makompronta ito.
Lingid sa kaalaman ni Astrid ay nagpalagay si Lance ng hidden camera sa mismong labas at loob ng office nito. Para sa kapanatagan ng loob niya at para makasiguro ang kaligtasan nito.
Kaya naman tuwang tuwa siya, kapag ini-stalk ang dalaga sa monitor niya.
Lahat ay nakikita niya, pati kung paano ito magtrabaho at kung sinu sino ang mga pumapasok sa opisina niya. Ang hitsura nito kapag pagod, at kapag inaantok.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Continuation on the next chapter