Naiinip na si Lance, dahil hanggang ngayon, ay wala pa silang lead kung nasaan si Wilson. Tanging ito lang ang makakapagsabi kung sino talaga ang salarin. Sa pagkalason ng mga alagang hayop sa hacienda, at sa pagtatangka ng buhay niya. " s**t!" napapamura na lang siya dahil habang tumatagal nawawalan na sila ng pag-asang makita ang taong iyon. "Nick,may nalaman kana ba?" "Sorry bro, wala rin. About sa cutter walang alam si Mang Ambo tungkol dun, napulot lang daw niya iyon sa may garden." "Did you checked the CCTV?" "Yes bro, pero walang kuha ang CCTV sa may garden nung time na napulot ni Mang Ambo ang cutter." "Paanong wala, hindi pwedeng wala! Gumagana naman ang lahat ng CCTV diba? Unless__!" Hindi na natuloy ni Lance ang sasabihin ng sabay silang nagkatinginan ni Nick, parang ala

