Ilang araw na ang nakakalipas ay hindi parin nagpaparamdam si Lance kay Astrid. "Sobrang busy naman nun, hindi man lang magawang magtext o tumawag man lang.." Kagaya ngayon, nasa labas na naman daw ito. Miss na miss na niya si Lance. Nawawalan na sila ng time sa isa't- isa. To Lance: "Babe, how are you? I miss you." Malungkot na tiningnan nito ang cellphone kung may reply na ito. Pero wala pa rin. "haissttt...." Itunuon na lang nito ang buong atensyon sa mga tambak na trabaho sa table nito. Busy rin siya dahil sa nalalapit na event na gaganapin sa hotel. Biglang tumunog ang kanyang cellphone, dali-dali nitong kinuha at laking dismaya niya ng hindi si Lance ang nagtext kundi si Mikael. "Laine, busy kaba? pwede ba tayong lumabas? Sa restobar ko, may bagong hired na singer ang b

