bc

The Governor's Choice

book_age18+
80
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
humorous
lighthearted
brilliant
witty
realistic earth
poor to rich
slice of life
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Pinatunayan ni Clandestine na hindi s'ya kailan man magiging bulag para sa pag ibig.

Kaya ng malaman n'ya na ang kanyang nobyo ay niloloko s'ya. Hindi ito nag dalawang isip na iwanan, at lumayo.

Madali naman sana magpatawad para sa kanya, ngunit hindi nito matanggap na ang kapatid n'ya pa pala ang ipapalit sa kanya.

Pinili n'ya iwanan ang katotohanan, at takbuhan ang reyalidad ng problema.

Ngunit ilang taon man s'ya nanirahan sa ibang bansa, at namuhay ng payapa. Sa kanyang pag balik, ang akala nitong buhay na maayos, ay hindi na pala katulad ng dati.

Isa sa nagpa gulo ng takbo ng kanilang buhay ang pag pasok ng Ama ni Clandestine sa politika.

Ngunit ang mas nakaka bahala, ang taong dahilan ng pag alis n'ya, ay gobernador pala ng lugar nila. Ngayong nasa politika din ang ama n'ya, maiiwasan pa din kaya n'ya harapin ang nakaraan?

Tatakbo ba ulit s'ya palayo para ibaon sa limot lahat ng sakit na naramdaman?

chap-preview
Free preview
WELCOME BACK!
Parang kahapon lang ng umalis ako sa lugar na to, para makalimutan ang lahat ng masakit na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko akalain na babalik at babalik pa din pala ko dito. Dati kasi gusto ko na lang kalimutan na may tahanan at pamilya nga pala talaga ko dito. Napabuntong hininga ako ng muling idilat ang mata ko at napangiti. "Finally.." After 8 years of living far away here, it feels still the same. Same nga ba? Iwinaksi ko ang munting tinig sa loob ng isipan ko. "Clandestine!" Lalo akong napa ngiti at sinalubong ng yakap si mama. "Mama, I miss you!" Hinampas ako nito na ikinatawa ko lang pero maya-maya lang din ay halos hindi na ko makahinga sa higpit ng yakap n'ya. "Kung hindi pa namin sabihin na hahatakin ka namin pabalik dito ay hindi kapa uuwi." Nagtatampong sabi nito. Kumalas ako sa pagkakayakap dito at ngumiti. "Mama uuwi naman talaga ako. Wala naman akong balak mag stay don. Isa pa, I'm managing the business that I already have there. Alam mo naman, hindi nakapag tapos itong isang dalaga mo kaya kailangan mag doble trabaho” Biro ko dito. Hinampas ulit ako nito kaya napahawak nako sa braso ko. "Wala ka pa palang balak mag stay do’n? Halos du’n ka na nga tumira. Aba! Anong akala mo sa walong taon? Parang isang linggo ka lang nawala ah? And why do you have to have your own business? I can give anything that you want!" Natawa ako. "Si mama. Alam mo kung ano nakaka miss sa’yo? ‘Yung sermon mo." "Ma, where's the others? Si papa po?" Nilibot ko ang paningin ko. Tinignan ako nito. "Nako ang papa mo nasa kapitolyo na naman, simula ng maging vice gov ang papa mo ay madalang na lang mag stay dito yon sa bahay." Oo nga pala. 3 years ago ay nalaman ko na naging vice governor na nga si papa dito sa Cebu. Inakbayan ko na lang si mama. "Hayaan mo na po, alam mo naman si papa. Gusto non laging nakakatulong sa iba.” Bumuntong hininga ito. "Uuwi na din ‘yon maya-maya at alam na uuwi ka. Tara na sa loob ng makapag pahinga ka na din.” Binitbit ko yung ibang bagahe ko. Hindi na kasi ako nagpasundo sa kanila, I know how busy they are, and I know that it's kuya or mama who would fetch me there. So, I told them na pasundo na lang ako sa driver namin. "Hayaan mo na sila manang ang mag pasok ng iba mong dala." Turo nito sa mga kasambahay namin. Tumango na lamang ako at sumunod na dito papasok. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay namin pero wala naman ako halos makitang bago bukod sa nabagong pintura. Pero kung ano ang iniwan ko noon ay gano’n pa din ngayon. Kahit kanina sa daan ay wala namang nabago. Akala ko nga ay maninibago ako sa mga lugar na nakagisnan ko, at kahit dito sa bahay. Good thing that I still feel at home... Maybe? I have to feel better. Isa ito sa mga gusto kong harapin walong taon na ang nakalipas. This house reminds me a lot of memories, mapait na napa ngiti ako. Italy have been my home for eight years, and made me who I am right now. Napaisip nga ako kung walong taon ba talaga kong nawala? Kasi parang hindi naman. "Welcome back, Tine!" Ngumiti ako kay Manang Lucia. "Thank you po. Buti naman po at nandito pa din kayo samin, manang." "Oo naman. Kayo nalang din naman ang pamilya ko." Naputol ang pagkekwentuhan namin ni manang ng sumingit si Mommy. "Manang. Paki sabi naman kay Grace, na ipasok yung ibang dala ni Clandestine.” "Sige, Mariella." Tumalikod na sa amin si manang. "Anak. Gusto mo bang magpahinga muna sa kwarto mo at ng maiayos mo na din itong mga uwi mo?" Tumingin ako kay Mama. “Yes ma, medyo may jetlagged din ako, paki pasunod na lang po yung iba kong dala sa kwarto.” "Sige. Napaayos ko na yang kwarto mo wala namang nabago. Kapag kakain nalang tyaka kita papatawag, siguradong nandito na mamaya ang papa at kuya mo.." Bahagya pa itong huminto at tinitigan ako. "At si Venus." Nag iwas ako ng tingin dito at napa buntong hininga. "Anyway. Nasaan nga po pala si kuya?" Lumingon ako dito. "May pinuntahan lang yon." Tumango ako at umakyat na ng hagdan bitbit ang ilang bagahe ko. "Anak." Natatakot man sumagot dito ay ginawa ko pa din. Huminto ako at nilingon ito. "Yes ma?" "Si Venus.." Venus... Whenever that I'm hearing this name. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. "Ma, let's talk about it later.” Bukod sa masakit ang ulo ko, tingin ko ay wala ako sa mood pag usapan ito. "Sana ay napatawad mo na sya. Ilang taon na ang nakalipas." . Ilang taon na.. Pero sariwa pa din sa akin lahat ng ala-ala. Ngumiti ako dito, "I already forgave her Mama. Unang pag tapak ko pa lang sa airport kinalimutan ko na lahat. Kahit pakiramdam ko ay hindi ko pa naman talaga kayang mag patawad pa sa taong hindi ko na nakausap, at hindi naka hingi ng tawad sakin. Bumuntong hininga ako. Nakalimutan ko ba talaga? Bahagya itong ngumiti at tumango. "Mag pahinga kana." Hindi nako sumagot at nagderetso na sa kwarto. Pagbukas ko nito ay totoo ngang walang nabago. Kung paano ko iniwan ang kwartong ito walong taon na ang nakalipas ay gano’ng-gano’n pa din ngayon. Pumasok ako at tinabi ang mga dala ko. Agad akong humiga sa kama at pumikit. Nakalimutan ko na ang lahat, masaya na ako ngayon kaya hindi ko hahayaang masira lang ng nakaraan ang binuo kong pag asa sa buhay ko. Nagising na lang ako ng may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ito, "Manang." Ngumiti ako dito. "Naistorbo ba kita sa pag tulog mo?" Inayos ko ang buhok ko at umiling dito. “Hindi naman po manang medyo napahaba na din naman yung tulog ko." Tumango ito "Maya-maya ay bumaba kana dahil padating na ang papa mo at ang mga kapatid mo. Hinahanda na din namin ang hapunan nyo." "Sige po manang, salamat.” Umalis na ito at bumaba. Sinarado ko na ulit yung pinto at napansin ang mga bagahe kong hindi ko pa nagagalaw. Inisa-isa ko na ito at inayos na ang iba, ang mga damit ko ay nilagay ko na sa cabinet. Ang iba naman ay pasalubong ko sa kanila kaya mamaya ko na lang bibigay pagka-kain. Pagkatapos ko mag ayos ay naligo muna ko at nagsuot ng pambahay na damit. Isang simpleng tee shirt, at shorts lamang ang isinuot ko. Inilugay at binlower ko ang mahabang buhok ko. Napansin ko din na bumababa na yung kulay nito. Siguro kailangan ko na ulit ipaayos. Nang may kumatok ulit sa pinto ay binuksan ko ulit ito. Muntik pa akong mapa sigaw sa saya ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Bahagya itong natawa. "Long time no see, Tine." Niyakap ko agad ito. "I miss you kuya Grey!" Isa ito sa mga pinaka na miss ko ng umalis ako. Kuya Grey never leave my side, and always helping me with all things. Kaya sobra talaga ang pag aadjust ko nu’ng nag abroad ako. Humalik ito sa ulo ko. "Damn girl! Ang tagal mong nawala akala namin hindi kana babalik dito.” Ngumisi ako ng humarap ako dito. "Bakit naman? Hindi ba at ikaw pa ang nagtulak sa akin paalis?" Sinamaan ako nito ng tingin pero tumawa nalang ako. "Sinabi kong umalis ka pero hindi ko naman sinabi na dun ka na halos tumira." "Oh kuya. Hayaan mo na, nandito na nga ako.” Sinara ko na ang pintuan ng kwarto at nag sabay na kami bumaba ng hagdan. "So how’s your life here?" Lingon ko dito habang pababa kami. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong itanong kay kuya sa tagal na nawala ako dito. "Fine. Papa's been busy on politics while mama is always on her charity events.” Napataas ako ng kilay. "How about you?" Nagkibit balikat ito. "Wala. Chill lang ako" Napatawa na naman ako. "Still no work?" "Work?" kumunot ang noo nito, "Do I still have to work? Halos ibigay na lang sakin nila papa at mama lahat.” Which is true. Hindi naman sa pag mamayabang. But, our parents can give us anything that we asked for, kahit na hindi pa namin hingin sa kanila. But, as for me. I still need to stand in my own feet to have my own money, and provide my needs. Lalo na at natuto din talaga ko maging independent sa ibang bansa, even though nandun naman ang mga tito at tita ko. Mas pinili ko na mag trabaho at kumita ng pang sarili ko. Inirapan ko ito "Kuya hindi ka forever dedepende sa kanila. Ikaw talaga" Napangiti ako ng masulyapan agad si papa na nakaupo sa harap ng hapag kainan. Lumakad ako palapit dito. "Papa." Lumingon ito sa akin at tumayo. Niyakap ako nito kagad. "Clandestine iha" Hinalikan n'ya ko sa pisngi. Halata sa mga yakap nito ang pagka miss sa akin. Ganon din naman ako dito, I'm his first princess, and I would always forever be. "Papa namiss po kita.” "Na miss din kita anak." Tinitigan ako nito. "Ang laki ng pinag bago mo ah?" Napanguso ako. "Papa naman" Humalakhak ito, "Hindi ko akalain na magiging ganito kaganda ang isa sa mga dalaga ko, kung hindi ka talaga umuwi ngayon. Siguradong kami na ang pumunta duon.” Tumawa ako “Papa, I know that you can't do that. Hindi mo nga maiwan iwan ang kapitolyo.” Natawa rin ito. “Oh s'ya, kumain muna tayo at mamaya natin ipag patuloy ang kwentuhan.” Napabaling ako ng tingin kay mama na nakaupo malapit sa pwesto ni papa. Ngumiti ito sakin at may nilingon. Napasunod tuloy ako ng tingin sa tinignan nya. Bumigat ang paghinga ko ng matagpuan ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Medyo nag alangan pa ito ng tumayo. "Hi Ate." Napa urong ako ng bahagya sa pwesto ko. It's fine, Clandestine. It’s been 8 years. Masyado ng matagal ‘yon para may matira pang galit d’yan sa puso mo. Ang sabi mo ayos na lahat hindi ba? You already moved on, right? Pinilit ko na ngumiti dito at mukhang nagulat pa ito. "Venus." Tila nabingi ako sa sariling pag bigkas ko ng pangalan nito. Hindi ko alam ang gagawin ko, lalo na at nakatingin silang lahat sa aming dalawa ngayon. Kaya ako na ang lumapit dito at dahan-dahang niyakap ito. "Ate.." Yumakap na ito pabalik sakin. Hindi s'ya sumagot pero humigpit ang pagkakayakap nito. This is the first time that I hugged someone and I don't feel comfortable. "I’m sorry ate." I tried to speak. Pero hindi ko nagawang makapag salita, bahagya ko na lang hinagod ang likod nito. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ito. "That's fine." Tumingin ako sa mga mata nito pero agad din akong nag iwas ng tingin. "Kumain na tayo. Mamaya na ulit kayo mag usap ni Venus." Basag ni Kuya. Para akong naka hinga ng maluwag ng nilingon ko si kuya at tumango dito. It's still awkward for me, lalo na kay Venus. Pero gusto kong bumalik na lang sa ayos ang lahat. Kahit alam ko na mahirap, at hindi ganon kadali. "How's Italy Tine?" Uminom muna ako sa tubig at tinignan si kuya, "Okay lang.." Binaba ko ang hawak na baso at tinignan ang mga ito. "Maganda ang buhay do’n. It’s very easy to have a work lalo na kung may degree ka. Pero, kung madiskarte ka din naman, mabilis lang din magka trabaho or business. Madali lang din makipag kaibigan sa mga tao do’n." Tumango ito. "It seems that you enjoy your life there. Muntik mo na kase makalimutan ang pilipinas.” Tinignan ako nito. "At na meron kang kuya dito." Tumikhim ako. "Kuya grey, masyado ko lang minahal ang Italy. May mga kaibigan na din kase ako do’n tsaka hindi madaling iwan ko na lang ang business ko duon.” Totoo naman na ang reason talaga ay hindi ko maiwan din ang restaurant ko. But, I already talked to my close friend na siyang ka sosyo ko sa business, and she told me that she would take good care of our restaurant hanggat nandito ako sa Pinas. "May balak ka pa ba bumalik doon iha?" Napatingin naman ako ngayon kay papa. "I'm not sure Papa, since sabi ko nga meron akong business sa Italy. But, my partner can handle that alone. Pwede naman bumisita na lang ako every month? Pero gusto ko pa po bumalik doon." Tumango ito at hindi na ulit nagsalita. Pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ko. "Clandestine may charity event ako bukas, kasama ko ang papa mo at si Venus. Baka gusto mo sumama?" Lumingon ako kay Venus na tahimik lang na kumakain, napabuntong hininga na lang ako at bahagyang ngumiti kay mama. Ayoko muna sana, pero bakas sa muka nito ang saya na para bang pakiramdam n'ya ay papayag agad ako. Ngumiti ako dito, "Sige po, ma." Napatingin kami kay Venus ng bumagsak ang kutsarang hawak nito. Tumikhim ito at ngumiti sa amin. "Sorry." "Mariella. Hindi ba at imbitado din ang ibang konsehal sa charity event mo?" Nakikinig na lang ako sa kanila habang tinatapos ko na lang ang pagkain ko. "Oo malaki din ang maitutulong nila doon. Si Gov ba? Makakarating daw ba siya?" Napa angat ako ng tingin kay papa. "Sabi niya ay hahabol daw siya." Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni papa at nag iwas ng tingin pag tapos. "Papa sino pala ang governor? Hindi n’yo po nababanggit sa’kin." Wala naman kase akong balita na dito sa Cebu nu’ng nasa Italy ako. Bukod sa binabalita lang sa akin nila Mama at Kuya kung anong nangyayari sa pamilya namin wala na akong ibang nasasagap na balita. Uminom si papa sa tubig n'ya at tumingin kay mama. Napakunot noo ako sa mga tinginan nila, at hindi pag sagot sa tanong ko. Napa tingin ako kay kuya ng tumayo ito at tinignan ako. "Tapos ka na?" Tinuro ko pa ang sarili ko. "Ha? Hindi pa ako tapos." "Tama na yan, masyado ka ng mataba. Mag diet ka naman." Napatingin tuloy ako sa katawan ko, hindi naman ako mataba. Petite nga ang katawan ko, although nagkalaman-laman pa ko dahil ako ang fu-food tasting sa resto. "Let's go outside?" Sabi ulit nito. Tinignan ko ang pagkain na hindi ko pa nauubos. Ayoko pa sanang tumayo dahil mas gusto ko na matapos kaming lahat bago umalis sa hapagkainan. Pero tingin ko ay ramdam din ni kuya ang tensyon kaya inaaya din ako nito, he knows me very well. Tumayo na ako at tinignan sila mama at papa. "Labas lang kami ni kuya." Kita ko ang pilit na ngiti ni mama, "Sige lang. Alam mong hindi papatalo yang kuya mo." Sasagot pa sana ako kung hindi lang hinawakan ni kuya Grey ang kamay ko para sabay na kaming lumabas. "I'm glad that you still know me very well." Tinignan ako nito bago isara ang pintuan pagka labas namin. "Do you still remember Tine?" Nilingon ko ito. "Sabi mo sakin dati bago ka umalis, kasalanan ko kung bakit ka nasaktan." Bahagya itong natawa pero agad din sumeryoso. Umiling ako at napa ngiti din. "Kalimutan mo na yon kuya. Malungkot ako noon, kaya nasasabi ko yung mga hindi dapat." Naupo ito kaya tumabi na din ako ng upo, kaharap namin ay garden ni mama at pag tumingala ka naman ay makikita mo ang magandang bituin at buwan. "Sabi mo, kung hindi ko hinayaan na mag boyfriend ka. Hindi ka sana maloloko." Hinampas ko ito sa braso. "Ano ba kuya, wag mo na nga paalala yan." Narinig ko ang pag buntong hininga nito. "Nung una hindi ko sineryoso yung sinabi mo na yon. Pero nung umalis ka, dun ko naisip na nagkulang nga pala talaga ko bilang kuya mo." Tumingin ako sa itaas upang pigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Nagpatuloy ito sa sinasabi n'ya. "Sa walong taon na hindi ka umuwi, walong taon ko din dinistansya ang sarili ko sa mga taong nanakit sayo." Dito ako napalingon sa kanya ulit at nakita ko ang seryosong mukha nito. "Kuya.." Ngumiti ito sakin. "Sabi ko sa sarili ko, pag umuwi kana ulit dito. Gagawin ko lahat para maka bawi sayo, at hindi ko na hahayaan na may iba pa ulit na mananakit sayo." Hinawakan nito ang kamay ko. "You've been through a lot Tine. Wala kami sa Italy ng hinarap mo lahat ng pagsubok sa buhay mo. At gusto ko maka bawi sayo sa paraan na alam ko." Yumakap ako dito. "Thank you kuya." Yumakap din ito sakin. "Sana nahanap mo talaga yung kapayapaan d'yan sa puso mo nung umalis ka dito." Napatanong din tuloy ako sa sarili ko. Nahanap ko ba? O nagpanggap lang ako na ayos na ang lahat? Simula kasi nung umalis ako dito, wala akong kinausap ni isa sa kanila. Inabot yata ng isang taon bago ako nakipag communicate ulit. Sila tita lang ang nagiging tulay non pag kinakamusta nila ako. Aaminin ko na dumistansya din talaga ako. Dahil hindi ko kaya makausap isa man sa kanila non, kahit si kuya. Siguro dahil nga bulag pa ko sa sakit at galit na nararamdaman ko noon. Tinalikuran ko ang lahat sa pag aakala na matatakbuhan ko ang mga nangyari. Pero bakit parang mali ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook