DARIUS ALONCIO SUATENGCO

2395 Words
Maaga akong nagising dahil na din nakadinig ako ng ingay sa baba. Tinignan ko ang orasan at nakita na maaga pa naman. Masyado din namang maaga para mag ayos. 10 pa naman ang start ng charity ni mama. Nang medyo gising na talaga ako ay napag pasyahan ko ng bumaba. Napalingon sila sa akin. "Good morning Tine." Sinalubong ako ni kuya at hinalikan sa noo. "Good morning." Bati ko sa kanila. Napatingin ako sa mga box na nasa sala at napakunot noo. "’Yan ba bagahe ko?" Lumapit ako dito at tinignan ang laman nito. "How did you get this in my room?" Tanong ko sa kanila. Wala naman problema na pakielaman na nila to. Para sa kanila naman talaga yung mga uwi ko. Inakbayan ako ni Kuya. "Hindi naka lock yung pinto mo kaya kinuha ko na ito." Tumango ako dito, "No problem kuya. Para sainyo naman talaga yan." Lumapit ako kay mama at humalik dito. "Nag breakfast na po ba kayo ma?" Umiling ito. Lumingap ako pero hindi ko na naman nakita si papa. "Si papa po?" Napaismid si mama, "Nasa kapitolyo na. Maaga pumunta may aayusin daw." Tumaas ang kilay ko. "Ma. It's just 6 am and papa's already there? Ganoon ba talaga sila ka early bird sa kapitolyo." Napailing ako, as far as I know 8 am ang pasok sa ganoon. Tumikhim si Mama at medyo lumapit kay Venus na naka upo lang sa sofa at nakatingin kay kuya na masayang-masaya kakakuha ng uwi ko. "Kuya Grey, mamaya na ulit yan. Lets eat first, nagugutom na din ako." Nilapag nito sa table yung mga nakuha nya, "Sige kumain muna tayo." Nauna na ito maglakad, sumunod na lang ako. Mabilis lang tumakbo ang oras kaya ng mag bandang alas otso na ay nag ayos na ako. Nagsuot na lang ako ng puting dress na pa long sleeve, hanggang tuhod ko yung haba nito. Nag sandals lang ako ng medyo may kataasan at nag apply ng lipstick. Nang makaayos na ako ay bumaba na din ako, naabutan ko na si mama at Venus. Inaayos ni mama ang buhok ni Venus, habang si kuya naman ay pormang-porma sa suot n'ya. "Oh. Andyan na si Tine,tara na?" Napakunot noo ako. "Sasama ka kuya?" Umiling ito. "Hahatid ko lang kayo doon tapos aalis na ako. Si papa yata susunod na lang sa inyo kasama si gov." Sabay-sabay kaming lumabas at sumakay ng kotse ni kuya. Ang isang sasakyan naman ay gamit ni papa, may driver naman s'ya kaya medyo panatag kami na walang mangyayari sa kanya. Habang bumibiyahe kami ay naalala kong magtanong kay kuya. " Saan ba punta mo kuya?" Saglit ako nitong sinulyapan bago sumagot. "Mall lang." Tumango ako dito. "Sama ka?" Napatingin ako dito. "Will you fetch me later, then?" Naalala ko kasi na kailangan ko din bumili ng ibang gamit ko, dahil kaunti lang din yung inuwi ko. "Basta mamayang 11 lumabas kana doon." 10 ang start ng event, siguro naman sapat na yung isang oras na mag stay ako doon. "Sige kuya." "Grey baka isama mo lang sa kalokohan itong si Clandestine ha." Agaw atensyon samin ni mama. "Kelan ba ako gumawa ng kalokohan ma?" "Kuya.." Saway ko dito. "Buti kuya naisipan mo isama si ate." Napatingin ako kay Venus at nang mapatingin ito sa akin ay nag iwas ng tingin. Nang lingunin ko naman si kuya ay seryoso lang ito at hindi sinagot si Venus. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga ni mama. Nang makarating kami sa venue ay agad bumaba si Mama at Venus. Kanina pa silang excited na dalawa hindi ko lang alam kung dahil ba sa mga bata na nandito o dahil sa mga taong masyado naman yatang bumongga ang suot. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan ni kuya pero ramdam ko kaagad ang sosyalan dito. Ang akala ko ba ay charity event to? Bakit wala naman akong makitang tulungan na nangyayari? Halos nagkakagulo sila sa pakikipag kamayan at pagpapa picture. "’You sure pupunta ka pa? Pwedeng isama na kita kaagad." Nilingon ko si kuya at ngumiti, “I'm fine kuya. Basta sunduin mo ko dito ng 11.” Tumango ito, "Sige na" "Ingat ka okay?" Bumaba na ako at kinawayan na lang ito ng umalis na. Napabuntong hininga ako at sumunod na papasok kay mama at Venus. Agad ko silang nasulyapan na nakikipag usap sa mga taong nasa loob. Siguro ang iba dito ay kasali sa paglulunsad ng charity event. Pero ang iba ay nasisigurado kong nandito dahil sa politika. Pagkalapit ko kila mama ay agad ako nitong pinakilala, ilang beses n'ya pa akong pinakilala sa mga taong nandito at sa mga dumadating pa. Napapagod na nga ako kakasabi ng pangalan ko at kakangiti dito. Minsan ay nasasama pa ako sa picturan nila. Halos mag aalas diyes na pero hindi pa din nagsisimula ang event. Hindi ko nga din makita ang mga bata na dapat ay silang nandito Nasabi kase ni mama na ang charity event na ito ay para sa mga batang naabandona na ng kanilang mga magulang. Kaya sumama nga din ako dahil gusto kong makita ang mga bata pero mukhang sa ganitong estado ay hindi ko pa yata masusulyapan ang pakay ko. Bumaling ako kay Venus na hindi maalis ang ngiti sa labi. Ayoko man kausapin kaso naboboring na din kasi talaga ako. "Anong oras mag start to Venus?" Saglit akong nilingon nito. "Magsisimula na din, inaantay lang dumating si papa." Tumango ako dito, "Kasama n'ya ba si gov?" Mukhang naagaw ko ang atensyon n'ya dahil napalingon na s'ya sa akin at nawala ang ngiti sa labi. "Si gov? Inaantay mo?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba yung pagkaka sabi n'ya, at medyo nainis ako sa pagkaka tanong nito. "Oo. Gusto ko s'yang makita kung sino." Parang namalik mata ako ng makita kong umismid pa ito sa akin. "Mamaya pa daw yata si gov. Hindi ba at pupuntahan ka ni kuya dito ng bandang 11? Siguradong di kayo mag aabot noon." Tumikhim na lang ako, “Ah sayang naman pala." Hindi na ito sumagot at naglakad palayo. Malaya ko s'yang napagmasdan habang palayo sa kin. Hindi naman kami nagkakalayo sa katawan, ang kaso ay mas petite ako sa kanya. Sabi nga ng iba ay muka itong latina, bumagay din kasi talaga sa kanya ang kulay nito. No wonder why he falls for her. Naupo na lamang ako sa isang tabi at ng lumipas pa ang ilang minuto ay nakita ko din ang mga batang kanina ko pa hinahanap. Napailing na nga lang ako ng magpapicture agad sila sa mga ito,may iba pa nga na nakipag kamay. Pati ba naman bata sinasali sa politika? Nagsimula na ang event kaya medyo tumahimik na din, nakaupo sa may bandang unahan ang mga bata. Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang speech ni mama, nakipalakpak din ako sa kanila. Gano’n pa man ay hindi pa din natatapos ang kabi-kabilang picturan at pakikipag kamayan ng mga taong nandito. Maganda sana ang layunin ng charity event na ito kung hindi lang sana nahahaluan ng politika. Tinignan ko ang phone ko kung may text ba si kuya pero wala pa kaya tinago ko muna. Hindi ko na din makita si Venus dahil sa dami ng tao, siguro ay nasa unahan din s'ya katulad ni mama. Napaisip tuloy ako kung nandito na ba si papa kase nag start na ang event. Ang sabi kanina ni Venus ay inaantay lang naman si papa. Tumayo ako at nilibot ang paningin ko, at nahagip kaagad ng tingin ko si papa na kakababa lang ng sasakyan. Napangiti ako at naglakad palapit dito, nang medyo malapit na ako ay nadinig ko ang pag tawa nito. May nakita akong kasama n'ya pero hindi ko mamukhaan dahil nakatagilid ito mula sa akin. Nakasuot si papa ng white long sleeve at nakatak-in ito sa slacks n'ya. "Papa," tinawag ko ito at napabaling ang tingin nya sa akin. Natigil ito sa pagtawa n'ya. "Iha." Humalik ako sa pisngi nito. "Nag start na po ang event. Nasa harapan sila mama." Hindi ito makatingin sa akin at parang balisa. Napakunot noo ako. "Are you okay pa?" Bahagya itong ngumiti. "Yes iha. Tara na sa loob?" Kahit nag aalangan ay sumunod na lang ako kay papa papasok. Pero nabaling naman ang atensyon n'ya sa mga bumati sa kanya, kaya kesa masali na naman doon ay humiwalay na lang ako kay papa. "Nasaan po si gov?" Nadinig ko pang tanong kay papa kaya lang ay lumabas na ako dahil nasisikipan na ako masyado sa loob at medyo mainit kaya hindi ko na din narinig ang sagot n'ya. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Hindi kase ako nagdala ng pamaypay dito. Hindi ko akalain na parang party naman kase to sa dami ng tao. Si papa ay di pa din halos nakakapasok sa dami ng humaharang sa kanya para batiin sya. Napailing na lang ako at napatingin sa sasakyan na nasa harap ko, nagsalamin ako dito. Medyo pinagpapawisan na din ako, inayos ko ang buhok kong medyo tumikwas. Nanlaki ang mata ko ng bumaba ang salamin nito at magtama ang mata namin ng nasa loob nito. "Looks like you are already back.” Napalunok ako ng madinig ang malalim nitong boses, naramdaman ko ang sariling pag kabog ng dibdib ko. Napakurap ako ng bumaba ito kaya tumabi ako. Inayos nito ang pagkakatiklop ng long sleeves nya. Tinitigan ko ito, s'ya pala ang kasama ni papa kanina dahil base sa suot nitong puti ding long sleeves at slacks. Tsaka ang ganda ng ayos nya, napatingin ulit ako sa sasakyang binabaan n'ya. He looks so decent and professional now. Ngayon ko napagtantong matagal nga akong nawala. "It's good to see you again, miss Romero.” May lumapit sa amin at kinamayan s'ya. "Gov. kanina kapa hinahanap sa loob tara na.” Ngumiti ito, "Pasensya na.Natagalan kasi ako sa kapitolyo may mga inayos kami ni vice.” Halos mapigil ko ang hininga ko. Naglakad na ito papasok at hindi na muli ako sinulyapan. Tila napako ako sa sariling kinatatayuan. Hindi ko maproseso ang nangyari, at narinig. He's the governor here in Cebu, while my father is the vice governor. What just happened? Napahinga ako ng malalim at napapikit. You've been gone for so long Clandestine, ano ang akala mo? Wala talagang mag babago? Bakit hindi nila to sinabi sa akin? Napatingin ulit ako sa loob at napansin kong nakikipag usap s'ya sa mga taong nandoon. He really does fit in there. Mukha itong hindi galing sa kahirapan, sanay na sanay na s'ya makihalubilo. Pero dati pa din naman ay sanay na itong maki bagay sa kahit na sino mang tao. Napakunot noo ako ng may kumapit sa braso n'ya. Nang iangat ko ang tingin ko dito ay milyon-milyong kuryente yata ang dumaloy sa akin, parang mas namanhid ako ng bumaba ang mukha nito at hinalikan sa pisngi ng lumapit dito. Just like the same old s**t. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga rason kung bakit mas pinili kong lumayo at iwan ang mga taong mahal ko, na pati pangarap at pag aaral ko ay naapektuhan ng dahil dito. Huminga ulit ako ng malalim at ngumiti. Hindi na dapat ako mag paapekto sa kanila, sapat na yung ilang taong pagdudusa ko sa ibang bansa habang iniisip na baka nagsisisi sila. Napakagat ako sa labi ko ng hapitin nito ang bewang ng katabi n'ya. Nag iwas ako ng tingin ng bahagyang mapalingon sila sa akin. "Why did you say sorry to me... Venus?" Nilabas ko ang phone ko at tinext si kuya na sunduin na ako. Hindi pa 11 pero sana mabasa na n'ya text ko. I just want to go. Far away from here, and far away from them. "Lets welcome. Our very own governor, Mr. Darius Aloncio Suatengco.” Narinig ko pa ang palakpakan ng mga tao bago ko madinig ang pag busina ng sasakyan sa gilid ko. Nabungadan ko kaagad si kuya. "Looks like I'm just in time huh?" Bahagya akong ngumiti dito, “Ang bilis mo talaga.” "Get in Tine." Sumakay ako sa kotse n'ya at pinaandar nya agad ito. "You read my text?" Umiling ito. "Paano mo ako nasundo agad?" Ngumiti lang ito, "Naramdaman kong kailangan mo na ko.” I smiled at him. "Thanks, kuya." "Everything for my Tine.” Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ako makapag salita sa nangyari, hindi ko alam kung paano magtatanong kay kuya kahit gulong-gulo ako. "You okay?" Agaw nito sa atensyon ko. Nilingon ko ito at bumuntong hininga. "I saw him." Nakita ko ang pag iiba ng reaction nito, halos hindi maipinta. "The reason why I don't want you to go there is because of that." Tumingin ako sa harapan bago mag salita. "Ayos lang naman kuya. Wala namang kaso kung makita ko s'ya. Hindi ko naman habang buhay matatakbuhan lanat." "I know that you are not asking but you deserve to know what happened." Narinig ko ang pag buntong hininga nito. "Magkaiba sila ng team ni papa ng sabay silang tumakbo. But, unfortunately, magkaibang team ang nanalo para sa gobernador at bise. That's they ended up being in the same team now." Kusa akong napatango sa sinabi nito. I still have so many questions, pero ayoko naman na pahabain pa ang pag uusap about sa kanya. "He's an Engineer too." Napabaling ako ng tingin kay kuya at wala sa loob na nagtanong dito. "Naka graduate pala s'ya?" Tumango ito, "Maganda na buhay non. Hindi na katulad ng dati." Somehow... May naramdaman akong kaunting kirot sa puso ko ng maalala kung pano kami sabay na nangarap sa mga bagay noon. "May gusto ka pa ba malaman?" Umiling ako. "Wala na kuya." Kahit ang totoo ay gusto ko malaman kung ano na ba ang estado ng relasyon nito sa kapatid ko makalipas ang walong taon? Pero ayoko na lang makielam. Hindi ko dapat iniintindi iyon. Binuhos ko na lahat ng luha at sakit ng naramdaman ko noon sa Italy. Dapat ngayon ay wala ng matira. Hindi ako papayag na magsasayang na naman ako ng luha sa mga taong kahit kelan ay hindi naman nagsisi sa ginawa nila. Aksidente... Gusto kong matawa sa munting tinig sa isipan ko, at mga nakakatawang palusot na ginawa nila sa akin noon para pagtakpan ang ginawa nila. Buti at hindi pala ako nagpaka tanga at naniwala. Pero bakit ganon? Ako yung nasaktan. Pero mukhang mas masaya sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD